Showing posts with label PNP. Show all posts

0

Ang Matayog na Pangarap ng PNP at ang Paghubog ng Kabataan

Posted on Sunday, 29 January 2017

Ang Matayog na Pangarap ng PNP
At Ang Paghubog ng Kabataan
Ni Apolinario Villalobos

ANG MATAYOG NA PANGARAP NG PNP NA MABABAGO ANG UGALI NG MGA PULIS KUNG PAIIGTINGIN O PAGBUTIHIN PA ANG SISTEMA NG EDUKASYON NILA AY HANGGANG PANGARAP LANG. KUNG TALAGANG NAKATANIM NA SA ISIP NG ISANG RECRUIT NA GUSTO NIYANG PUMASOK SA PNP DAHIL GUSTO NIYANG YUMAMAN SA ANO MANG PARAAN...MANGYAYARI YAN.

ANG MGA ITINUTURO SA MGA MALALAKI AT HIGH-TECH NA UNIBERSIDAD AY HINDI BASTA-BASTA PERO PALPAK ANG KARAMIHAN SA MGA NAGTAPOS SA KANILA.
·        BAKIT ANG MGA GRADUATE AY MALI PA RIN ANG PAGBIGKAS NG LETRANG “R”?
·        BAKIT MARAMI PA RIN SA MGA GRADUATE ANG BOBO SA SECOND LANGUAGE NA ENGLISH?
·        BAKIT ANG MGA IBINOBOTO NG TAONG BAYAN SA GOBYERNO AY GUMAGAWA PA RIN NG KATIWALIAN….MGA KORAP?

ANG BASICS NG DISIPLINA AY HINDI NAITUTURO SA MGA ESKWELAHAN. ITO AY NATUTUTUHAN SA TAHANAN, ITINUTURO AT IPINAPAKITA NG MGA MAGULANG SA KANILANG KILOS AT PANANALITA. KUNG NAKIKITA NG MGA ANAK ANG ARAW-ARAW NA PAG-AAWAY NG MGA MAGULANG, ITO ANG MAITATANIM SA ISIP NILA. KUNG NAKIKITA NILANG NAGPAPALUSOT O NANLOLOKO ANG KANILANG MAGULANG, ITO ANG MATUTUTUHAN NILA, ATBP.

ANG MASAMA PA, PAGPASOK SA ESKWELA, HALOS WALANG NATUTUHAN ANG MGA BATA PAGDATING SA DISIPLINA. NI HINDI NATUTURUAN KUNG PAANONG MAGTIPID DAHIL MISMONG ILANG ESKWELAHAN ANG NAGPAPAKITA NG WALANG HUMPAY NA PAGGASTOS SA PAMAMAGITAN NG MGA REQUIREMENTS TULAD NG MGA MAHAL NA WORKBOOKS AT ASSIGNMENTS NA PAGDATING SA BAHAY, NANAY DIN PALA ANG GUMAGAWA!


HUWAG NANG MANGARAP PAGDATING SA EDUKASYON….AYAW KONG MAG-SUGGEST DAHIL DRASTIC ANG MASASABI KO TULAD NG PAGTANGGAL AGAD SA HALIP NA –RETRAINING PARA SA MGA TAMULMOL NA MGA TIWALING PULIS; PAGSARA AGAD SA MGA ESKWELAHANG MUKHANG PERA ANG MGA MAY-ARI….AT HIGIT SA LAHAT, HUWAG TANGGAPIN SA TRABAHO LALO NA PARA SA MGA SENSITIBONG POSISYON, ANG MGA BOBONG HINDI MARUNONG NG TAMANG  PAGBIGKAS NG LETRANG “R”!

0

Ang "Authority without Responsibility" o "Responsibility without Authority"

Posted on Friday, 13 February 2015



Ang “Authority without Responsibility”
O “Responsibility without Authority”
Ni Apolinario Villalobos

Sa Senate hearing kung saan ay sinupalpal at binoldyak ni senadora Miriam si Purisima, parang may nabanggit siyang ibinigay niya kay Napeῆas na “authority without responsibility” o “responsibility without authority”, hindi ko lang sigurado kung alin sa dalawa, pero ang mga ito ay parehong mali kung ang pinag-uusapan ay maayos na relasyong propesyonal ng isang nakakataas sa isang nakakababa sa puwesto.

Paanong ang isang tao ay makakapagpatupad ng kanyang responsibilidad kung wala siyang poder o kapangyarihan? …eh, di pagtatawanan lamang siya ng mga uutusan niya! O, di kaya ay aanhin ng isang tao ang isang poder o kapangyarihan kung wala naman siyang ipapatupad na responsibilidad?…eh di nasayang lang ang nasabing kapangyarihan, dahil tutunganga na lamang siya! Sa dalawang nabanggit, ang dapat na ginamit ni Purisima ay “with” sa halip na “without” upang pagbali-baligtarin man ay parehong tama, upang tuloy ang paghuhugas niya ng kamay mula sa mga sagutin dahil sa mga bulilyaso na nagresulta sa pagmasaker ng 44 na SAF commandos.

Palagay ko ay na-rattle siya dahil halos hindi makasingit na rumerepekadang sinasabi ni senadora Miriam. Hindi na nahiyang magbanggit si Purisima ng mga prinsipyo o alituntunin o batas, ganoong ang kaharap niya ay international ang kalibre ng pagka-abogada…graduate pa ng UP…iskolar ng bayan! Sa nangyari, hindi lang siya nagmukhang talunan, kundi kawawa – mistulang basang sisiw sa ilalim ng ulan ng mga pangungutya, dahil trying hard ang dating niya sa harap ng isang intelehenting mambabatas.

Pero kung pangangatawan niya ang sinabi niya, alin man sa dalawang nabanggit sa titulo, ay lalabas na talagang kinawawa niya si Napeῆas dahil pinagmukha niyang tanga, kaya ngayon ay napasama sa dinidekdek sa mga mga imbestigasyon. Pagsabihan ba naman niyang huwag makipag-coordinate sa mga dapat kausapin dahil siya na ang bahala! Sa pinakita niyang lakas ng loob sa pakikialam, animo ay hindi siya suspendido bilang hepe ng PNP! Kanino siya kumukuha ng lakas ng loob upang magawa ang mga dapat ay hindi niya ginagawa sa ngalan ng delikadesa?

Ang mga nagoyo namang nagmamatigas sa pagsinungaling at pagtatakip, may mga pinangako kaya sa kanilang trabaho maski mawalan sila ng benepisyo kung matanggal sa pwesto? Sabagay, maganda ang lupain sa Nueva Ecija, at malawak ang tubuhan sa Tarlac.



0

Ang Harap-harapang Pagsisinungaling...daw ni Purisima sa Senado

Posted on Tuesday, 30 September 2014



Ang Harap-Harapang Pagsisinungaling
…Daw ni Purisima Sa Senado
Ni Apolinario Villalobos

Nabunyag na nakipagkita muna si Purisima sa Presidente, pagdating na pagdating niya mula sa Colombia, bago siya humarap sa Senado kahapon. Dahil sa nabistong miting ng dalawa, marami na ang nag-speculate na walang mangyayari sa hearing “in aid of legislation”. Sigurado daw kasing naturuan ng Presidente kung paanong sumagot sa mga tanong at malamang binigyan ang assurance na anuman ang mangyari suportado pa rin niya ito. Ganyan ang sistema ng bagong administrasyon –takipan ng mga mali.

Taas-noong humarap si Purisima at pangiti-ngiti pa, hindi lang mawari kung ngiting aso o ngiting pusa. Sumagot naman sa mga tanong, walang pinalampas, halatang ready, subali’t halatang ang mga ito ay puro hinabi sa mga hibla ng kasinungalingan.

Ang mga isyu at obserbasyon:
  1. Mansyon sa Nueva Ecija. Tama ang sagot niya noon Hulyo sa tanong kung may “pinapagawa” siyang mansion sa Nueva Ecija – wala daw, at pinipilit niya kahapon. Dati na nga namang may nakatayo nang mansion noon pang panahon na yon. Subali’t sumemplang siya sa pagsagot kung paano niya nabili ang property at kung magkano ito dahil hindi angkop sa kinikita nilang mag-asawa. Prime property ito batay sa location at ang mababang presyo ay balot ng mga pagdududa. Ang mansion ay nasa San Leonardo, Nueva Ecija at kumpirmadong pugad o sentro ng huweteng. Ang naisip tuloy ng mga tao ay kung may kapalit bang “goodwill” ang bahay. Matunog ang tanong kung bakit sa kabila ng pagkaroon niya ng mansion sa pugad ng huweteng ay namamayagpag pa rin ito.
  2. Sasakyan na nabili raw sa halagang 1.5M pesos. Marami ang napanganga dahil hindi bababa sa 6Mpesos ang halaga ng nasabing sasakyan. Nabigyan daw siya ng malaking discount. Kaya pinaalalahanan siya ni Senator Grace Poe na ito ay katiwalian. Parang walang epek ang sinabi ng senador. Nakasandal nga naman siya sa pader…Presidente ba naman.
  3. Mga “donasyon” para sa “White House” sa Crame. Kahit nabistong hindi kapani-paniwala dahil sa kawalan ng Deed of Donation mula sa mga donors, hindi pa rin siya natinag, kahit pa na nadagdag sa duda ang huli nang paggawa ng mga Deed of Donation. Sa diretsahang sinabi ni Senator Osmeῆa na hindi kapani-paniwala ang sinabi niya, maaliwalas pa rin ang mukha na talagang nakikitaan ng self-confidence. Sa sinabi ng senador na kung mga donasyon ang tinanggap ng PNP dapat ay ginamit ang mga ito sa PNP Hospital na mas nangangailangan ng tulong, sa halip na ginugol sa “White House”. Ang expression sa mukha ay “parang wala lang”, na animo ay nagsasabi ng “pakialam ko sa ospital”. Wala rin daw siyang design ng “White House”, dahil ang inaasahan lang daw niya ay isang “quarters”. Kaya nang sabihin ng nagtanong na si Senator Osmeῆa na “I don’t believe you”, at dinagdagan pa na kung dog house ang nagawa, okey lang pala sa kanya. Wala pa ring epek sa kapal ng apog ni Purisima! Talagang epektibo ang “pagturo” sa kanya ng kanyang BFF. May binanggit pa siyang “build and transfer” na akala mo ay tumutukoy siya sa isang infrastructure tulad ng MRT at LRT. Nahawa siya sa kahibangan ng nagturo sa kanya!
  4. Ang trucking business. May mga nagsabi na hindi maaaring walang kapalit ang pagkaroon niya ng mga truck na milyones ang halaga. Sabi ng mga reporters, naalala nilang may panahon daw noon na maraming mga truck ang “nahuli” at na-impound dahil kung hindi puslit, ay maraming question sa mga papeles. Pero sa Senado, hindi malinaw ang sagot ni Purisima tungkol sa kung paano siyang nagkaroon ng mga truck. Sa isang banda, ang mga “maalam” na reporters ay maraming “alam”, ayaw lang magsalita dahil wala silang proteksiyon. Binasura kasi ng Presidente ang Freedom of Information Bill!
  5. Ang targeted na satisfied population sa serbisyo nila na 65% lang. Sa tanong ni Senator Poe na bakit hindi gawing 95% man lang, ang depense niya ay, “ibinigay” lang daw sa kanya ang target. Halatang spoon-fed siya bilang hepe ng PNP. Kung hindi nabunyag, pagdating sa singilan na may kinalaman sa performance ng PNP, at ang inabot lang ay 65% o 70%, ay lalabas na successful nga naman sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang pulis. Halatang ang ganitong pananaw o takbo ng diwa ay pinapairal ng “isang tao” na masyadong bilib sa sarili…doon sa itaas!
  6. Ang inaabangang commitment niya kung paanong sugpuin ang katiwalian sa hanay ng kapulisan o sa diretsahang salita ay kung huhulihin ba ang mga tiwaling pulis. Nakakabingi ang sinabi niya na kahit may napapansin silang hindi maganda sa kilos ng mga tiwaling pulis, hindi daw nila masasampahan ang mga ito ng kaso, hangga’t hindi nahuhuli sa akto! Kaya pala naglipana ang mga hulidap at kotongan na big time na! Kailangan pa palang lumaki ang mga kaso na pansin na sa tulong ng media tulad ng nangyari sa hulidap sa EDSA bago kumilos ang kapulisan. Paano kung walang netizen na nakapag-post sa facebook upang maging viral at mapansin ng publiko! Ang sinabi ni Purisima sa Senado ay parang hudyat sa mga nakangising tiwaling pulis na ituloy lang ng mga ito ang kanilang ginagawa – huwag lang pahuli sa media o netizen para hindi malagay sa diyaryo o sa facebook! Malinaw ang kutsabahan sa loob ng PNP! May isang concerned na grupo ang nanawagan na ang mga bagong graduate na pulis ay huwag i-partner sa mga senior na police – may malinaw na mensahe kahit pahapyaw.
  7. Wala si Escudero, ang future groom sa kasal niya sa isang artista na malaki ang agwat edad sa edad niya, at ang future Best Man ay ang Presidente. Naisipan kaya ni Escudero na huwag na lang siyang umatend sa hearing at baka magmukha siyang tanga dahil hindi siya magtatanong sa BFF ng future Best Man niya? Maraming nadisymaya dahil akala ay “matino” si Senator Escudero bilang senador, feeling “intelligent” daw kasi. Sa pagliban niya sa hearing, nakita na ang tunay niyang kulay. Kasama pala siya…!
  8. Si Senator Trillanes, kung magtanong halatang ingat na ingat din. May pinupuntirya kasing mas mataas na puwesto, kaya hanggang ngayon para pa siyang nagsa-shopping ng suporta – gumigitna, feeling safe muna. Kasama rin pala siya…!
  9. Sa tanong ni Senator Poe si Purisima kung ano sa palagay niya ang rating niya batay sa 1-10, walang kagatul-gatol na sinabi niyang 9. Siguro kung sa pagkakataong yon ay kumakain ang senadora, malamang na nabulunan siya! Pigil ang sarili sa paghalakhak, sinabi na lang niya ng diretsahan na “4 ka lang”. Sampal na hindi ininda ni Purisima!
  10. Sinisiraan daw siya (Purisima) upang ang mga naninira sa kanya ay patuloy na makagawa ng katiwalian. May sindikato raw sa Crame at hindi niya hahayaang pigilan siya sa pagpapatuloy ng mga reporma. Familiar ang linyang yan. Ilang beses nang sinabi sa mga pulong, paulit-ulit pa, parang sirang plaka, mabuti na lang hindi binanggit ang mga kapalpakan ng pinalitan niyang hepe. Ang himutok ng isang jeepney driver…haaaay nakwo…gets nyooooh????

Pagkatapos ng hearing sa Senado, kumpirmado na ang wholesale na sabwatan at takipan sa gobyerno…yon na! Kawawa naman ang Pilipinas!

Ang hearing ay gagamitin dawn a batayan sa paggawa ng mga batas upang matigil ang katiwalian sa kapulisan…kaya?

Sa isang banda, masigabo ang palakpakan ng mga nasa Malacaῆan! Diretsong sinabi na suportado nila si Purisima! Malamang ay nagtitilian sila sa isa na namang tagumpay na tinamo ng isang ka-apiran! BFF nga!


0

Ang Kayabangan ni "Little Brother"

Posted on Sunday, 28 September 2014



Ang Kayabangan ni “Little Brother”
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagpunta ni Presidente Pnoy sa Amerika, marami siyang mga ginawang hindi kaaya-aya para sa tingin ng maraming Pilipino. Inupakan na naman niya ang dating presidenteng Gloria Arroyo at pinuri ang kanyang mga cabinet secretaries lalo na si Allan Purisima ang PNP Chief, at nag-report ng mga kwestiyonableng mga proyekto. Ang mga Pinoy sa Amerika na audience niya sa mga talumpati ay pumalakpak ng masigabo, subali’t yong mg nakakaunawa ng tunay sa sitwasyon sa Pilipinas ay nagprotesta sa labas. Pero may isang nakalusot na babaeng estudyanteng ipinagsigawan sa harap ni Pnoy ang mga kamalian ng kanyang administrasyon, kuntodo pakita pa ng malaking papel na pinagsulatan ng kanyang protesta. Itong babaeng protester ang dapat palakpakan dahil sa kanyang katapangan!

Hindi pa nadala ang presidente, kaya sa isa namang pagpupulong, kahit hindi siya hinihingan ng commitment tungkol sa isyu ng ISIS, binoluntaryo naman niya ang tulong ng Pilipinas subali’t sa paraang hindi daw mangahuhulugan ng kamatayan ng mga volunteers na Pilipino. Isa na namang okasyon ito na dada lang ng dada ang pangulo ng hindi pinag-iisipan ang sasabihin. Ang isyu ng ISIS ay may kinalaman sa bakbakan kaya nangangahulugang maaaring mamamatay ang ipapadala doon. Ang iniisip yata niya ay maging tagaluto ng pagkain sa field mess halls ang mga sundalong Pilipino na ipapadala doon, o di kaya ay maging telephone operator, o di kaya ay maging driver ng mga opisyal! Buti na lang at hindi humagalpak ng tawa ang kanyang kausap o di kaya ay nagkamot ng ulo!

Hindi na naisip ni Pnoy na ang ating  bansa mismo ay may sariling problema sa terorismo, na kinasasangkutan ng Abu Sayyaf at BIFF. Kaya dapat ay dito nakatuon ang kanyang atensiyon. Hindi na siya dapat pang lumayo upang magyabang. Malaki ang budget ng military para sa intelligence kaya dapat alam ng gobyerno ang galaw ng dalawang grupong nabanggit. Limitado ang galaw ng mga teroristang ito sa mga lugar sa Mindanao na tukoy na. Bakit hindi ito ang trabahuhin ng mga kasundaluhan sa halip na gamitin sila sa kayabangan sa ibang bansa? Nabisto na pinasukan na rin ng anomalya ang sweldo ng mga pinapadala sa ibang bansa upang mapasama sa peace keeping forces ng United Nations. Ang turing pala dapat sa mga Pilipinong sundalo kapag nandoon na ay “pantay-pantay”, kaya ang sweldo ay dapat “pantay-pantay” rin. Subalit nabisto na dahil sa Pilipinas inire-release ang sweldo o allowance ng mga ito, ibinabatay pa rin ang halaga sa rangko! Sa laki ng allowance, saan napunta ang ibang halaga na kinaltas mula sa sweldo ng mga sundalong mababa ang rangko?

Nakakahiya at nakakabahala ang patuloy na pangingidnap ng Abu Sayyaf, na nitong mga huling araw ay hindi na rin pinatawad maski mga kapwa Muslim, basta mayaman. Ang BIFF naman, maya’t maya ang pagpapasabog ng bomba sa mga lugar na makursunadahan nila upang iparating sa gobyerno na buhay pa sila at malakas sumipa. Sa panig naman ng military, sasabihin lang nito na huwag mag-alala ang taong bayan dahil hindi makakarating sa Maynila ang terorismo. Sigurado ba sila? Sa palpak na seguridad sa mga airport at pantalan, huwag naman sanang may makalusot. At dapat isipin ng gobyerno na hindi lang ang mga regular na pantalan ang pwedeng daungan ng mga terorista kung gusto nilang lumusob ng paunti-unti. Mahaba ang baybayin ng Pilipinas dahil mga bumubuo sa bansa ay mga isla! Walang kapasidad ang Philippine Navy na proteksiyunan ang mga baybayin dahil sa bulok nitong mga barko! At isa pa, bakit Maynila lang ang inaalala? Paano ang mga nagdudusa na dahil sa mga nangyayaring terorismo sa Mindanao?

Pag-uwi, ipagyayabang ni Presidente Pnoy ang mga “nakupo” o “captured investors” sa kanyang pag-ikot sa Yuropa at Amerika. Ang mga ito ay “nangako” na maglalagak ng investment sa Pilipinas. Subalit madali ang hindi tumupad sa pangako lalo na kung may mabibigat na dahilan. At dito sa Pilipinas ay marami nitong mga dahilan…ang mga bulok na airport terminal, maiigsing mga runway at  kakulangan ng mga ito lalo na sa Maynila, ang matinding trapik sa himpapawid para sa mga eroplano at sa mga kalsada na tadtad din ng mga lubak, mga baha, ang red tapes na isa sa mga resulta ng corruption sa gobyerno, lalo na ang mga kidnapping. Ang mga pangakong ito ay ipamamana niya sa susunod na administrasyon kung bababa siya. Kung ibang tao ang uupo, wala nang pakialam si Pnoy kung matutuloy ang pangako o hindi. Samantala, pag-uwi niya ay may irereport siya sa madla…. mga nakasulat sa papel! At asahang bibitsenan niya ito ng pagbatikos kay Gloria Arroyo at pagpuri kay Purisima!


0

Nadadamay ni Purisima ang Buong Kapulisan

Posted on Tuesday, 16 September 2014



Nadadamay ni Purisima
Ang Buong Kapulisan
Ni Apolinario Villalobos

Sa ginagawa ni Purisima na animo ay asong bahag ang buntok nagsusumiksik sa isang sulok o di kaya ay batang nanginginig sa takot na ayaw lumabas mula sa pinagtataguang kabinet, ay nadadamay niya ang buong kapulisan. Bakit ayaw niyang “lumabas” at magsalita? Baka ang sinusunod niyang prinsipyo ay “less talk, less mistake”. Baka rin kaya takot siyang may masagasaan kung magsimula siyang magsalita,  at  magbubunyag ng kasiraan niya, tulad ng ginagawa sa ibang mga opisyal ng gobyerno, pati na mga artista! …na puro below the belt ang mga sinasabi, at personal na sumasaklaw na sa kasarian.

May mga tao kasing makasira lang ng ibang tao, ay kung anu-ano na ang sinisiwalat, bilang ganti kapag may nabulgar naman  tungkol sa kanila. Kaya ang dapat gawin ni Purisima ay mag-resign na bago umabot sa ganitong punto dahil siguradong hindi na siya makakabawi kung may magsimula nang siraan siya – dahil ibabandera sa lahat ng sulok ng bansa, pati pangalan ng pamilya ay damay! Kaliwa’t kanan na ang panawagan na mag-resign siya, subali’t pinalaki lang ng Presidente ang loob niya nang purihin pa niya ito. Dahil sa ginawang ito ng Presidente, malakas ang loob niyang bastusin ang Senate hearing na pinatawag ni Senator Poe.

Mismong mga volunteer against crime ay nagsusulong din ng panawagan na mag-resign si Purisima dahil wala namang nagawa sa mga lalo pang namamayagpag na krimen tulad ng hulidap, kidnap for ransom, drugs, na kinasasangkutan na rin ng mismong mga pulis. Bilang pag-depensa, sinabi ni Pangulong Pnoy na hindi lang naman daw ngayon may ganoong klaseng mga krimen. Huh??????!!!!!! Noon sinabi ni Pnoy na nanghuhuli naman daw ang mga pulis ng mga tiwaling pulis. Huh?????!!!!!!...eh, trabaho nilang manghuli, may sweldo sila para dito, kaya hindi sila dapat purihin sa pagtupad ng kanilang trabaho!

Kaya itinalaga si Purisima bilang chief ng PNP ay dahil INASAHAN siyang may magawa sa pagsupil ng krimen sa bansa. Pero dahil lagapak na lagapak ang pagbagsak niya sa inaasahan o expectation, dapat lang nag bumaba siya…ganoon lang! Hindi siya kawalan ng PNP dahil maraming magagaling na hindi na nga dapat i-compare sa kanya dahil wala namang batayan. Ang mga nalaktawan niya ay matatapang, may lakas ng loob, matikas kung magbitaw ng mga salitang may laman bilang babala sa mga kriminal at tiwaling pulis, at lalong higit…nirerespeto ng mga kapwa pulis, kapantay man o nasa mababang hanay! Nahawa na rin yata siya sa iba pang mga opisyal ng gobyerno na kapit-tuko sa pwesto sa kabila ng kanilang mga kapalpakan…at dinadaan na lang ang lahat sa pakapalan ng mukha!

Sabi ng isang radio broadcaster, “sayang talaga kung hindi muna niya i-enjoy ang bagong gawa na “magandang” tirahan…kaya bakit nga naman siya magre-resign?”


0

May Problema Kaya ang Namumuno ng Philippine National Police (PNP)?

Posted on Friday, 12 September 2014



May Problema Kaya
Ang Namumuno ng Philippie National Police (PNP)?
Ni Apolinario Villalobos

Sobrang halata na ang kahinaan o kalamyaan ng liderato ng PNP, kaya marami ang nagtatanong kung may problema ang namumuno nito na si Allan Purisima. Hindi tulad noong mga nakaraang administrasyon ng PNP, palaging naririnig at nakikita ang mga namumuno kaya conscious na conscious ang mga nasasakupan na palagi silang binabantayan. Nirerespeto ang mga nakaraang namuno. Matapang at brusko o macho ang dating sa pagbitaw ng mga salita lalo na ng mga babala sa mga kapulisan. Mabilis din ang aksiyon sa mga kaso ng mga pulis na nagkasala kaya marami ang nasuspindi at natanggal. Subalit ngayon, kahit may malaking kaso nang hinahawakan, wala pa ring naririnig kay Purisima. Nabibisto din sa pamamagitan ng media na marami palang pulis na patung-patong ang mga kaso subalit nagdo-duty pa rin…hindi man lang nasususpindi at lalong walang natatanggal.

Sa paghugas-kamay ng PNP, itinuturo nito ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa mahinang pag-usad ng mga kaso. Bakit hindi sila gumawa ng follow-up action upang masigurong naipapatupad ang desisyon, at tuloy ay magamit nilang accomplishment nila na pwedeng banggitin sa mga press conference para malaman ng mga Pilipino? Iniisip tuloy ng mga Pilipino na may sabwatang nangyayari dahil yong  dapat na natanggal na ay nasa serbisyo pa rin. Yong iba, “floating”, walang ginagawa pero may sweldo! Yong dalawang sangkot sa EDSA hulidap, mismong ang dating hepe ng PDEA ang nagsiwalat na may kaso na sila tungkol sa droga at dapat ay natanggal na, subalit nagulat siya nang malamang andiyan pa pala at nasangkot uli sa hulidap!

Pinagkakaisahan kaya si Purisima ng mga nakakababa sa kanyang mga opisyal? Bakit hindi yata siya nirerespeto ng hanay ng kapulisan? Malakas ang usapan na may dinismis daw siyang pulis na may kaso, subalit nakabalik din sa serbisyo. Kung totoo man, ilan ang ganitong kasong dismiss-balik na pagpapakita ng kawalan ng respeto sa kanya? Maaalala na galing siya sa Presidential Security Group (PSG) at isa sa mga security officers na nagbantay sa dating Cory Aquino, kaya noong itinalaga itong Chief ng PNP ay maraming mga karapat-dapat na aspirants at talagang sa field ang exposure ang nagulat dahil nalaktawan…sumama man ang loob ay hindi na kumibo. Sabi pa ng iba, “tanaw utang na loob na naman”!  Marami rin ang nakakahalata na kung magsalita daw si Purisima ay “parang wala lang”, hindi nakikitaan ang mukha ng tapang o determinasyon kaya ang mga sinasabi ay walang epek, walang dating. Paano nga bang rerespetuhin ang ganitong hepe na kung minsan daw ay mas marami pa ang ngiti kaysa mga babala sa mga tiwaling pulis?

Pinagtatanggol ng Presidente si Purisima sa pagsabing hindi lamang daw sa pamumuno nito nagkaroon ng katiwalian ang kapulisan at ang nakakahuli naman daw ng mga pulis na tiwali ay kapwa nila pulis. May mali yata doon. Una, sa panahon pa man ng unang presidente ng Pilipinas ay mga mga tiwaling pulis na, subali’t inaasahan na ang namumuno ay sasawata nito. Nang umupo si Purisima, inasahan siyang gagawa ng mga hakbang upang matigil ang katiwalian, subalit hindi niya nagawa, nabigo siya. Pangalawa, hindi na naman maganda ang ginawa ng pangulo sa pagbalik- tanaw sa mga nakaraan na may halong paninisi, dahil ang inaasahan ng Pilipino ay ang mga nagagawa o gagawin ng kasalukuyang nakaupo. Ginagawa niya ito kay Gloria Aroroyo na binabato ng mga paninisi, pagdating sa mga problemang hinaharap niya sa kasalukuyan. Sinasabing magaling siya…patunayan niya! Huwag idaan sa paninisi ang tila desperasyon dahil sa kawalan ng paraan upang masawata ang korapsyon na kita namang namamayagpag sa administrasyon niya! Pangatlo, bakit ituturing niyang parang espesyal ang ginagawa ng pulis sa paghuli ng mga nagkasala, eh trabaho naman nila talaga ito? Ang dapat niyang sabihin ay kung ilan ang mga natanggal na pulis dahil sa pangongotong, drug pushing, hulidap at rape.  At kung ilan ding mga “tunay” na drug lords ang nahuhuli kung may raid na gagawin sa mga drug laboratories, na halos ay wala, sa kabila ng kung ilang buwang surveillance! Puro nakatakas, kaya ang inaabutan ay mga tauhan lamang! Marami pa ang nagtatanong kung saan galing ang drogang binibenta ng mga tiwaling pulis, na dapat masagot.

Mahilig ang pangulong magtakip  sa mga hindi magandang performance ng kanyang mga tao. Sa mga nagkakabulukang donations na hawak ng Department of Social Welfare (DSW) na dapat ay noon pa naipamudmod sa mga biktima ng bagyong Yolanda, pagpupuri pa ang mga sinabi para kay Dinky Soliman. Sa ahensiyang naitalaga upang mangasiwa sa pagbigay ng mga construction materials sa mga biktima ng kalamidad, na nabistong mahinang klase, wala rin siyang sinabing babala. Noong nakaupo pa si Vitangcol sa pamunuan ng MRT, sa kabila ng mga problema at panawagan na paalisin na niya ito, wala rin siyang nagawa hanggang ibang tao pa ang nagsabi kay Vitangcol na mag-resign na nga. At sa katagalan ay nag-resign na nga, subalit ang resulta naman ay ang tuluyan nang pagkawarat ng sistema ng MRT kaya sunud-sunod ang problema. Ngayon ay sa kaso naman ng PNP…

Sa pananaw ng nakararami, hindi bagay kay Purisima ang mabruskong trabaho tulad ng sa PNP na nangangailangan ng kamay na bakal at matatalim na salita kung kinakailangan. Kung sa pang-unawa at kabaitan, malamang umaapaw ang mga ito sa kanyang puso. Kung sa talino, malamang halos mamaga ang utak niya dahil sa pag-aalagwa nito. Kung sa ngiti, hindi ito nawawala sa kanyang mga labi. Pero iba sa PNP, dahil hindi lang sibilyan ang kakaharapin ng namumuno, kundi kaparehong mga pulis na nakauniporme at may mga armas , na nakapagsanay din, kung hindi sa Philippine Military Academy (PMA) ay sa PNP Academy kung saan ay napapag-aralan ang iba’t ibang klaseng krimen, kaya siguro ang iba ay natuto at nagkaroon ng utak-kriminal kaya nasangkot at nasasangkot pa rin sa droga, hulidap, rape at kung anu-ano pa. Kung nararamdaman ni Purisima na baka pinagkakaisahan siya ng mga ka-uniporme niya, at lalong higit kung naiisip na niya ngayong hindi siya bagay sa field, dapat bumaba na siya sa pwesto. Habang may self-respect pa siya, dapat magmuni-muni siya kung paanong ang natirang ito ay hindi mawala sa kanya. Pero, sabi naman ng iba, sayang yatang iwanan niya basta ang bagong gawang tirahan niya na ginastusan ng milyones kaya hanep sa ganda!

Ang nahahalata ng mga Pilipino ngayon ay tila parang synchronized na pagtatakip sa kahinaan ng liderato ng PNP sa pamamagitan ng pagdepensa ng Presidente kay Purisima, may dagdag pang salitang bumaba daw ang krimen na napakasakit sa tenga… ang palaging pakiusap naman ng Secretary ng DILG Mar Roxas sa mga sangkot sa krimen na sumuko, na ang pinakahuli ay tungkol sa EDSA hulidap… at ang pananahimik naman na parang kordero ng mismong pinuno ng PNP. Kaya sa tingin ng Malakanyang at ni Secretary Mar Roxas, “mapayapa talaga” ang Pilipinas sa pamumuno ni Purisima!