0

Nadadamay ni Purisima ang Buong Kapulisan

Posted on Tuesday, 16 September 2014



Nadadamay ni Purisima
Ang Buong Kapulisan
Ni Apolinario Villalobos

Sa ginagawa ni Purisima na animo ay asong bahag ang buntok nagsusumiksik sa isang sulok o di kaya ay batang nanginginig sa takot na ayaw lumabas mula sa pinagtataguang kabinet, ay nadadamay niya ang buong kapulisan. Bakit ayaw niyang “lumabas” at magsalita? Baka ang sinusunod niyang prinsipyo ay “less talk, less mistake”. Baka rin kaya takot siyang may masagasaan kung magsimula siyang magsalita,  at  magbubunyag ng kasiraan niya, tulad ng ginagawa sa ibang mga opisyal ng gobyerno, pati na mga artista! …na puro below the belt ang mga sinasabi, at personal na sumasaklaw na sa kasarian.

May mga tao kasing makasira lang ng ibang tao, ay kung anu-ano na ang sinisiwalat, bilang ganti kapag may nabulgar naman  tungkol sa kanila. Kaya ang dapat gawin ni Purisima ay mag-resign na bago umabot sa ganitong punto dahil siguradong hindi na siya makakabawi kung may magsimula nang siraan siya – dahil ibabandera sa lahat ng sulok ng bansa, pati pangalan ng pamilya ay damay! Kaliwa’t kanan na ang panawagan na mag-resign siya, subali’t pinalaki lang ng Presidente ang loob niya nang purihin pa niya ito. Dahil sa ginawang ito ng Presidente, malakas ang loob niyang bastusin ang Senate hearing na pinatawag ni Senator Poe.

Mismong mga volunteer against crime ay nagsusulong din ng panawagan na mag-resign si Purisima dahil wala namang nagawa sa mga lalo pang namamayagpag na krimen tulad ng hulidap, kidnap for ransom, drugs, na kinasasangkutan na rin ng mismong mga pulis. Bilang pag-depensa, sinabi ni Pangulong Pnoy na hindi lang naman daw ngayon may ganoong klaseng mga krimen. Huh??????!!!!!! Noon sinabi ni Pnoy na nanghuhuli naman daw ang mga pulis ng mga tiwaling pulis. Huh?????!!!!!!...eh, trabaho nilang manghuli, may sweldo sila para dito, kaya hindi sila dapat purihin sa pagtupad ng kanilang trabaho!

Kaya itinalaga si Purisima bilang chief ng PNP ay dahil INASAHAN siyang may magawa sa pagsupil ng krimen sa bansa. Pero dahil lagapak na lagapak ang pagbagsak niya sa inaasahan o expectation, dapat lang nag bumaba siya…ganoon lang! Hindi siya kawalan ng PNP dahil maraming magagaling na hindi na nga dapat i-compare sa kanya dahil wala namang batayan. Ang mga nalaktawan niya ay matatapang, may lakas ng loob, matikas kung magbitaw ng mga salitang may laman bilang babala sa mga kriminal at tiwaling pulis, at lalong higit…nirerespeto ng mga kapwa pulis, kapantay man o nasa mababang hanay! Nahawa na rin yata siya sa iba pang mga opisyal ng gobyerno na kapit-tuko sa pwesto sa kabila ng kanilang mga kapalpakan…at dinadaan na lang ang lahat sa pakapalan ng mukha!

Sabi ng isang radio broadcaster, “sayang talaga kung hindi muna niya i-enjoy ang bagong gawa na “magandang” tirahan…kaya bakit nga naman siya magre-resign?”


Discussion

Leave a response