Ang Pakumbaba ni Mayor Erap Estrada...may gagaya kaya?
Posted on Thursday, 18 September 2014
Ang
Pagpakumbaba ni
Mayor
Erap Estrada…may gagaya kaya?
Ni Apolinario Villalobos
Ang pagtanggal ng truck ban sa Maynila ay
hindi karuwagan sa panig ni Mayor Erap Estrada. Sa pagpatupad niya ng truck
ban, nais lamang niyang pairalin ang batas sa loob ng lunsod ng Maynila upang
mailagay sa ayos ang trapiko, na dahil sa pagkabuhol-buhol nito ay nakaapekto
sa kalakaran ng negosyo at sa bandang huli, ng ekonomiya. Hindi biro ang tindi
ng nagresultang trapik. Nabulabog na ang lahat ng sector ng Philippines dahil nagkaroon
na rin ng matinding epekto nito sa ekonomiya ng bansa sa kabuuhan. Sa simula, nagturuan ang mga sector kung sino
ang may kasalanan, hanggang sa matumbok na ang lahat pala ay nag-ugat sa
pagsisikip ng mga container vans sa pantalan, may laman o wala, at isang
concern na pang-nasyonal.
Malinaw na may nagpabaya na ahensiya dahil
hindi nasubaybayan na mabuti ng ahensiyang nakatoka sa pantalan para sa
masistemang pagpapatakbo nito. Lumutang pa ang bulung-bulungan na kaya daw
hinayaang matengga ang libo-libong container van, ay dahil pinagkikitaan daw
ito. Imbistigasyon na naman! …may kahahantungan kaya? ….sino ang mga kumita?
Maganda ang istratehiya ni Estrada, dahil
hindi niya diretsong sinisisi ang gobyernong nasyonal, bagkus ay nagpatupad
lang siyang ng batas na limitado sa Maynila. Dahil sa kawing-kawing na epekto,
natumbok ang may kasalanan – ang ahensiya o mga ahensiya sa ilalim ng
gobyernong nasyonal. Naipaabot niya ang kanyang mensahe, kasabay ng buong
pagpakumbabang pagsuspinde ng panukala sa pagpapatupad ng truck ban. Simpleng
sampal ang kanyang ginawa!
Sino kaya ang gagaya sa pagpapakumbabang
ginawa ni Estrada? May magre-resign kayang mga opisyal ng gobyerno? …sila na
matagal ang pinagbibitiw dahil sa pagka-inutil sa pagpapatupad ng responsibilidad?
Discussion