0

Mga Kuwentong Pang-Indie Film

Posted on Sunday, 28 September 2014



Mga Kwentong Pang-Indie Film
Ni Apolinario Villalobos

May kaibigan akong retired pulis na mataas ang katungkulan noon. Inamin niya ang tungkol sa “quota system” na nadanasan niya noong bago pa lang siya, pati ang halos paghalik sa puwit ng nakakataas sa kanya upang makakuha lang magandang “impression” na kailangan niya sa promotion. Todo-todo ang kanyang paglangis at paglagay sa pamamagitan ng mga regalo. Ang mga ginawa niya ay nakatulong sa pagkamit ng pangarap niyang ma-promote pagkalipas ng ilang taon. Ibig sabihin, walang pinag-iba sa sistema ng ibang ahensiya – palakasan.

Nang mag-retire na siya, dinagdagan niya ang kanyang na-confide sa pagsabi na totoong may mga pulis at mga opisyal na nakakaduda ang kasarian. Kaya yong ibang na-promote sa mataas na pwesto, hirap sa paglabas-labas sa TV upang magsalita dahil marami silang kilalang sibilyan  na nakakaalam ng tunay nilang pagkatao. Baka daw may masabi silang hindi magustuhan ng mga sibilyang ito, at ibisto’t siraan siya ng below the belt sa media. Inamin nga niya na ilan sa mga senyor niyang pulis noon ay nagpahapyaw ng pagkagusto sa kanya subalit hindi niya pinansin. Ang tinutukoy kong pulis ay may hitsura at dahil health conscious, alaga niya ang katawan sa pagdi-gym na regular. Ang nakakatawa sa sinabi niya, noon ay marami daw pulis na mahilig din magpa-facial, kaya hangga’t maaari ay ayaw lumabas sa initan!

Yong nabanggit ko noong kaibigan sa isang blog tungkol sa Arranque, na umaming huldaper, at ang sideline ay sumayaw sa gay bar, nagsabi na may mga kostumer daw siyang umaming pulis, mga baguhan nga lang. Marami na rin daw siyang naging kostumer na pulis at yong isa ay nagsustento pa sa kanya. Yong isang naging masyadong malapit sa kanya ay nag-confide na kung minsan daw basta day off, ay pumapasok ito (pulis) sa mga sinehang may mga callboy na nagsi-service, at muntik pa daw madamay nang ma-raid ang sinehan! Nahihiya daw siya (kaibigan ko) kung nasasalubong niya noon ang mga kostumer niya na naka-unipormeng pulis kung araw. Malaking bagay ang pakipagmabutihan niya sa mga mga pulis dahil napo-proteksiyunan din daw siya kahit paano, kaya hindi naman niya inabuso. Maliban daw sa problema nila sa kasarian na pilit nilang tinatago, wala daw siyang alam na naging kostumer niyang pulis na nangotong. Masuwerte daw siya’t mababait ang mga naging kaibigan niyang pulis.

Isang  araw, may nasakyan akong jeep na walang laman, kaya upang hindi antukin at mabagot, ang driver ay tumirada ng kwento, hanggang mabanggit niya ang isang mataas na opisyal sa gobyerno na kapitbahay raw nila noon kaya kilalang –kilala niya. May problema daw ito sa kasarian. Nagulat ako dahil wala pang nanira sa opisyal na hindi naman maangas kung interbyuhin sa TV at radyo. Mabait nga ito at masipag pa. 

Yong isa namang nagkwento, nagsabi na may taga-northern city raw na dumadayo pa sa Maynila upang maghanap ng call boy dahil sa kanilang lugar, mataas ang pwesto niya sa isang national agency, kaya hindi pwedeng doon siya kumuha, lalo’t alam ng mga taga-roon na marami na siyang anak. Ang nagkwento ay  call boy na nagsi-service sa taga-norte. Siya din ang nagsi-service noon sa isang artistang nagpipilit magpaka-macho, na kung maghanap ng kaligayahan sa gabi ay naka-cap at naka-dark glass kaya napapagkamalan daw itong adik kung minsan. Dagdag pa ng call boy, karamihan daw sa mga naging kostumer niya ay taga-showbiz, at may mga direktor din – karamihan din daw ay barat! Yong dating matinee idol na tinitilian, hanggang ngayon, at na-link sa mga magagandang artista, nakakasabay daw niya sa pag-istambay sa Cubao noon, pero hindi para maghanap ng kostumer, kundi upang mangursunada ng mga estudyanteng lalaki na nagsa-sideline bilang call boy.

Yan ang problema ngayon ng ibang may sensitibong puwesto sa pamahalaan at pati na ng mga popular na artista, dahil hindi sila ligtas sa pagbatikos at paninira. Kaya ang sabi nga ng iba, kung ayaw daw ng isang tao na mabulatlat ang pagkatao niya, dapat iwasan niya ang showbiz at pulitika.

Discussion

Leave a response