0

Ang Harap-harapang Pagsisinungaling...daw ni Purisima sa Senado

Posted on Tuesday, 30 September 2014



Ang Harap-Harapang Pagsisinungaling
…Daw ni Purisima Sa Senado
Ni Apolinario Villalobos

Nabunyag na nakipagkita muna si Purisima sa Presidente, pagdating na pagdating niya mula sa Colombia, bago siya humarap sa Senado kahapon. Dahil sa nabistong miting ng dalawa, marami na ang nag-speculate na walang mangyayari sa hearing “in aid of legislation”. Sigurado daw kasing naturuan ng Presidente kung paanong sumagot sa mga tanong at malamang binigyan ang assurance na anuman ang mangyari suportado pa rin niya ito. Ganyan ang sistema ng bagong administrasyon –takipan ng mga mali.

Taas-noong humarap si Purisima at pangiti-ngiti pa, hindi lang mawari kung ngiting aso o ngiting pusa. Sumagot naman sa mga tanong, walang pinalampas, halatang ready, subali’t halatang ang mga ito ay puro hinabi sa mga hibla ng kasinungalingan.

Ang mga isyu at obserbasyon:
  1. Mansyon sa Nueva Ecija. Tama ang sagot niya noon Hulyo sa tanong kung may “pinapagawa” siyang mansion sa Nueva Ecija – wala daw, at pinipilit niya kahapon. Dati na nga namang may nakatayo nang mansion noon pang panahon na yon. Subali’t sumemplang siya sa pagsagot kung paano niya nabili ang property at kung magkano ito dahil hindi angkop sa kinikita nilang mag-asawa. Prime property ito batay sa location at ang mababang presyo ay balot ng mga pagdududa. Ang mansion ay nasa San Leonardo, Nueva Ecija at kumpirmadong pugad o sentro ng huweteng. Ang naisip tuloy ng mga tao ay kung may kapalit bang “goodwill” ang bahay. Matunog ang tanong kung bakit sa kabila ng pagkaroon niya ng mansion sa pugad ng huweteng ay namamayagpag pa rin ito.
  2. Sasakyan na nabili raw sa halagang 1.5M pesos. Marami ang napanganga dahil hindi bababa sa 6Mpesos ang halaga ng nasabing sasakyan. Nabigyan daw siya ng malaking discount. Kaya pinaalalahanan siya ni Senator Grace Poe na ito ay katiwalian. Parang walang epek ang sinabi ng senador. Nakasandal nga naman siya sa pader…Presidente ba naman.
  3. Mga “donasyon” para sa “White House” sa Crame. Kahit nabistong hindi kapani-paniwala dahil sa kawalan ng Deed of Donation mula sa mga donors, hindi pa rin siya natinag, kahit pa na nadagdag sa duda ang huli nang paggawa ng mga Deed of Donation. Sa diretsahang sinabi ni Senator Osmea na hindi kapani-paniwala ang sinabi niya, maaliwalas pa rin ang mukha na talagang nakikitaan ng self-confidence. Sa sinabi ng senador na kung mga donasyon ang tinanggap ng PNP dapat ay ginamit ang mga ito sa PNP Hospital na mas nangangailangan ng tulong, sa halip na ginugol sa “White House”. Ang expression sa mukha ay “parang wala lang”, na animo ay nagsasabi ng “pakialam ko sa ospital”. Wala rin daw siyang design ng “White House”, dahil ang inaasahan lang daw niya ay isang “quarters”. Kaya nang sabihin ng nagtanong na si Senator Osmea na “I don’t believe you”, at dinagdagan pa na kung dog house ang nagawa, okey lang pala sa kanya. Wala pa ring epek sa kapal ng apog ni Purisima! Talagang epektibo ang “pagturo” sa kanya ng kanyang BFF. May binanggit pa siyang “build and transfer” na akala mo ay tumutukoy siya sa isang infrastructure tulad ng MRT at LRT. Nahawa siya sa kahibangan ng nagturo sa kanya!
  4. Ang trucking business. May mga nagsabi na hindi maaaring walang kapalit ang pagkaroon niya ng mga truck na milyones ang halaga. Sabi ng mga reporters, naalala nilang may panahon daw noon na maraming mga truck ang “nahuli” at na-impound dahil kung hindi puslit, ay maraming question sa mga papeles. Pero sa Senado, hindi malinaw ang sagot ni Purisima tungkol sa kung paano siyang nagkaroon ng mga truck. Sa isang banda, ang mga “maalam” na reporters ay maraming “alam”, ayaw lang magsalita dahil wala silang proteksiyon. Binasura kasi ng Presidente ang Freedom of Information Bill!
  5. Ang targeted na satisfied population sa serbisyo nila na 65% lang. Sa tanong ni Senator Poe na bakit hindi gawing 95% man lang, ang depense niya ay, “ibinigay” lang daw sa kanya ang target. Halatang spoon-fed siya bilang hepe ng PNP. Kung hindi nabunyag, pagdating sa singilan na may kinalaman sa performance ng PNP, at ang inabot lang ay 65% o 70%, ay lalabas na successful nga naman sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang pulis. Halatang ang ganitong pananaw o takbo ng diwa ay pinapairal ng “isang tao” na masyadong bilib sa sarili…doon sa itaas!
  6. Ang inaabangang commitment niya kung paanong sugpuin ang katiwalian sa hanay ng kapulisan o sa diretsahang salita ay kung huhulihin ba ang mga tiwaling pulis. Nakakabingi ang sinabi niya na kahit may napapansin silang hindi maganda sa kilos ng mga tiwaling pulis, hindi daw nila masasampahan ang mga ito ng kaso, hangga’t hindi nahuhuli sa akto! Kaya pala naglipana ang mga hulidap at kotongan na big time na! Kailangan pa palang lumaki ang mga kaso na pansin na sa tulong ng media tulad ng nangyari sa hulidap sa EDSA bago kumilos ang kapulisan. Paano kung walang netizen na nakapag-post sa facebook upang maging viral at mapansin ng publiko! Ang sinabi ni Purisima sa Senado ay parang hudyat sa mga nakangising tiwaling pulis na ituloy lang ng mga ito ang kanilang ginagawa – huwag lang pahuli sa media o netizen para hindi malagay sa diyaryo o sa facebook! Malinaw ang kutsabahan sa loob ng PNP! May isang concerned na grupo ang nanawagan na ang mga bagong graduate na pulis ay huwag i-partner sa mga senior na police – may malinaw na mensahe kahit pahapyaw.
  7. Wala si Escudero, ang future groom sa kasal niya sa isang artista na malaki ang agwat edad sa edad niya, at ang future Best Man ay ang Presidente. Naisipan kaya ni Escudero na huwag na lang siyang umatend sa hearing at baka magmukha siyang tanga dahil hindi siya magtatanong sa BFF ng future Best Man niya? Maraming nadisymaya dahil akala ay “matino” si Senator Escudero bilang senador, feeling “intelligent” daw kasi. Sa pagliban niya sa hearing, nakita na ang tunay niyang kulay. Kasama pala siya…!
  8. Si Senator Trillanes, kung magtanong halatang ingat na ingat din. May pinupuntirya kasing mas mataas na puwesto, kaya hanggang ngayon para pa siyang nagsa-shopping ng suporta – gumigitna, feeling safe muna. Kasama rin pala siya…!
  9. Sa tanong ni Senator Poe si Purisima kung ano sa palagay niya ang rating niya batay sa 1-10, walang kagatul-gatol na sinabi niyang 9. Siguro kung sa pagkakataong yon ay kumakain ang senadora, malamang na nabulunan siya! Pigil ang sarili sa paghalakhak, sinabi na lang niya ng diretsahan na “4 ka lang”. Sampal na hindi ininda ni Purisima!
  10. Sinisiraan daw siya (Purisima) upang ang mga naninira sa kanya ay patuloy na makagawa ng katiwalian. May sindikato raw sa Crame at hindi niya hahayaang pigilan siya sa pagpapatuloy ng mga reporma. Familiar ang linyang yan. Ilang beses nang sinabi sa mga pulong, paulit-ulit pa, parang sirang plaka, mabuti na lang hindi binanggit ang mga kapalpakan ng pinalitan niyang hepe. Ang himutok ng isang jeepney driver…haaaay nakwo…gets nyooooh????

Pagkatapos ng hearing sa Senado, kumpirmado na ang wholesale na sabwatan at takipan sa gobyerno…yon na! Kawawa naman ang Pilipinas!

Ang hearing ay gagamitin dawn a batayan sa paggawa ng mga batas upang matigil ang katiwalian sa kapulisan…kaya?

Sa isang banda, masigabo ang palakpakan ng mga nasa Malacaan! Diretsong sinabi na suportado nila si Purisima! Malamang ay nagtitilian sila sa isa na namang tagumpay na tinamo ng isang ka-apiran! BFF nga!


Discussion

Leave a response