Ang
Harap-Harapang Pagsisinungaling
…Daw
ni Purisima Sa Senado
Ni Apolinario Villalobos
Nabunyag na nakipagkita muna si Purisima sa
Presidente, pagdating na pagdating niya mula sa Colombia, bago siya humarap sa
Senado kahapon. Dahil sa nabistong miting ng dalawa, marami na ang
nag-speculate na walang mangyayari sa hearing “in aid of legislation”. Sigurado
daw kasing naturuan ng Presidente kung paanong sumagot sa mga tanong at
malamang binigyan ang assurance na anuman ang mangyari suportado pa rin niya ito.
Ganyan ang sistema ng bagong administrasyon –takipan ng mga mali.
Taas-noong humarap si Purisima at
pangiti-ngiti pa, hindi lang mawari kung ngiting aso o ngiting pusa. Sumagot
naman sa mga tanong, walang pinalampas, halatang ready, subali’t halatang ang
mga ito ay puro hinabi sa mga hibla ng kasinungalingan.
Ang mga isyu at obserbasyon:
- Mansyon
sa Nueva Ecija. Tama ang sagot niya noon Hulyo sa tanong kung may
“pinapagawa” siyang mansion sa Nueva Ecija – wala daw, at pinipilit niya
kahapon. Dati na nga namang may nakatayo nang mansion noon pang panahon na
yon. Subali’t sumemplang siya sa pagsagot kung paano niya nabili ang
property at kung magkano ito dahil hindi angkop sa kinikita nilang
mag-asawa. Prime property ito batay sa location at ang mababang presyo ay
balot ng mga pagdududa. Ang mansion ay nasa San Leonardo, Nueva Ecija at
kumpirmadong pugad o sentro ng huweteng. Ang naisip tuloy ng mga tao ay
kung may kapalit bang “goodwill” ang bahay. Matunog ang tanong kung bakit
sa kabila ng pagkaroon niya ng mansion sa pugad ng huweteng ay
namamayagpag pa rin ito.
- Sasakyan
na nabili raw sa halagang 1.5M pesos. Marami ang napanganga dahil hindi
bababa sa 6Mpesos ang halaga ng nasabing sasakyan. Nabigyan daw siya ng
malaking discount. Kaya pinaalalahanan siya ni Senator Grace Poe na ito ay
katiwalian. Parang walang epek ang sinabi ng senador. Nakasandal nga naman
siya sa pader…Presidente ba naman.
- Mga
“donasyon” para sa “White House” sa Crame. Kahit nabistong hindi
kapani-paniwala dahil sa kawalan ng Deed of Donation mula sa mga donors,
hindi pa rin siya natinag, kahit pa na nadagdag sa duda ang huli nang
paggawa ng mga Deed of Donation. Sa diretsahang sinabi ni Senator Osmeῆa
na hindi kapani-paniwala ang sinabi niya, maaliwalas pa rin ang mukha na
talagang nakikitaan ng self-confidence. Sa sinabi ng senador na kung mga
donasyon ang tinanggap ng PNP dapat ay ginamit ang mga ito sa PNP Hospital
na mas nangangailangan ng tulong, sa halip na ginugol sa “White House”.
Ang expression sa mukha ay “parang wala lang”, na animo ay nagsasabi ng
“pakialam ko sa ospital”. Wala rin daw siyang design ng “White House”,
dahil ang inaasahan lang daw niya ay isang “quarters”. Kaya nang sabihin
ng nagtanong na si Senator Osmeῆa na “I don’t believe you”, at
dinagdagan pa na kung dog house ang nagawa, okey lang pala sa kanya. Wala
pa ring epek sa kapal ng apog ni Purisima! Talagang epektibo ang “pagturo”
sa kanya ng kanyang BFF. May binanggit pa siyang “build and transfer” na
akala mo ay tumutukoy siya sa isang infrastructure tulad ng MRT at LRT.
Nahawa siya sa kahibangan ng nagturo sa kanya!
- Ang
trucking business. May mga nagsabi na hindi maaaring walang kapalit ang
pagkaroon niya ng mga truck na milyones ang halaga. Sabi ng mga reporters,
naalala nilang may panahon daw noon na maraming mga truck ang “nahuli” at
na-impound dahil kung hindi puslit, ay maraming question sa mga papeles.
Pero sa Senado, hindi malinaw ang sagot ni Purisima tungkol sa kung paano
siyang nagkaroon ng mga truck. Sa isang banda, ang mga “maalam” na
reporters ay maraming “alam”, ayaw lang magsalita dahil wala silang
proteksiyon. Binasura kasi ng Presidente ang Freedom of Information Bill!
- Ang
targeted na satisfied population sa serbisyo nila na 65% lang. Sa tanong
ni Senator Poe na bakit hindi gawing 95% man lang, ang depense niya ay,
“ibinigay” lang daw sa kanya ang target. Halatang spoon-fed siya bilang
hepe ng PNP. Kung hindi nabunyag, pagdating sa singilan na may kinalaman
sa performance ng PNP, at ang inabot lang ay 65% o 70%, ay lalabas na
successful nga naman sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang pulis.
Halatang ang ganitong pananaw o takbo ng diwa ay pinapairal ng “isang tao”
na masyadong bilib sa sarili…doon sa itaas!
- Ang
inaabangang commitment niya kung paanong sugpuin ang katiwalian sa hanay
ng kapulisan o sa diretsahang salita ay kung huhulihin ba ang mga tiwaling
pulis. Nakakabingi ang sinabi niya na kahit may napapansin silang hindi
maganda sa kilos ng mga tiwaling pulis, hindi daw nila masasampahan ang
mga ito ng kaso, hangga’t hindi nahuhuli sa akto! Kaya pala naglipana ang
mga hulidap at kotongan na big time na! Kailangan pa palang lumaki ang mga
kaso na pansin na sa tulong ng media tulad ng nangyari sa hulidap sa EDSA
bago kumilos ang kapulisan. Paano kung walang netizen na nakapag-post sa facebook
upang maging viral at mapansin ng publiko! Ang sinabi ni Purisima sa
Senado ay parang hudyat sa mga nakangising tiwaling pulis na ituloy lang
ng mga ito ang kanilang ginagawa – huwag lang pahuli sa media o netizen
para hindi malagay sa diyaryo o sa facebook! Malinaw ang kutsabahan sa
loob ng PNP! May isang concerned na grupo ang nanawagan na ang mga bagong
graduate na pulis ay huwag i-partner sa mga senior na police – may malinaw
na mensahe kahit pahapyaw.
- Wala si
Escudero, ang future groom sa kasal niya sa isang artista na malaki ang
agwat edad sa edad niya, at ang future Best Man ay ang Presidente.
Naisipan kaya ni Escudero na huwag na lang siyang umatend sa hearing at
baka magmukha siyang tanga dahil hindi siya magtatanong sa BFF ng future
Best Man niya? Maraming nadisymaya dahil akala ay “matino” si Senator
Escudero bilang senador, feeling “intelligent” daw kasi. Sa pagliban niya
sa hearing, nakita na ang tunay niyang kulay. Kasama pala siya…!
- Si
Senator Trillanes, kung magtanong halatang ingat na ingat din. May
pinupuntirya kasing mas mataas na puwesto, kaya hanggang ngayon para pa
siyang nagsa-shopping ng suporta – gumigitna, feeling safe muna. Kasama
rin pala siya…!
- Sa tanong
ni Senator Poe si Purisima kung ano sa palagay niya ang rating niya batay
sa 1-10, walang kagatul-gatol na sinabi niyang 9. Siguro kung sa
pagkakataong yon ay kumakain ang senadora, malamang na nabulunan siya!
Pigil ang sarili sa paghalakhak, sinabi na lang niya ng diretsahan na “4
ka lang”. Sampal na hindi ininda ni Purisima!
- Sinisiraan
daw siya (Purisima) upang ang mga naninira sa kanya ay patuloy na makagawa
ng katiwalian. May sindikato raw sa Crame at hindi niya hahayaang pigilan
siya sa pagpapatuloy ng mga reporma. Familiar ang linyang yan. Ilang beses
nang sinabi sa mga pulong, paulit-ulit pa, parang sirang plaka, mabuti na
lang hindi binanggit ang mga kapalpakan ng pinalitan niyang hepe. Ang
himutok ng isang jeepney driver…haaaay nakwo…gets nyooooh????
Pagkatapos ng
hearing sa Senado, kumpirmado na ang wholesale na sabwatan at takipan sa
gobyerno…yon na! Kawawa naman ang Pilipinas!
Ang hearing ay
gagamitin dawn a batayan sa paggawa ng mga batas upang matigil ang katiwalian
sa kapulisan…kaya?
Sa isang banda,
masigabo ang palakpakan ng mga nasa Malacaῆan! Diretsong
sinabi na suportado nila si Purisima! Malamang ay nagtitilian sila sa isa na
namang tagumpay na tinamo ng isang ka-apiran! BFF nga!