Pumalpak na naman si VP Binay!
Posted on Thursday, 18 September 2014
Pumalpak
Na Naman si VP Binay!
Ni Apolinario Villalobos
Ang pinakaaabangang talumpati ni Binay na
nadeliber din niya sa wakas, hapon ng September 18, Miyerkules ay
palpak!...ampaw!...kumbaga sa paputok ay supot! Akala ng mga nag-abang ay malakas
na bomba ang pasasabugin niya sa talumpati niyang “punto por punto” daw na
sasagot sa mga binibintang sa kanya. Maraming nagsisi kung bakit nakinig pa
sila. Walang putok na narinig. Sabi ng isang kaibigan ko, malakas pa nga raw
ang utot ng pusa niya! Kung baga sa mga kwento, ang mga sinabi ay puro mga
title lang, walang laman o synopsis man lamang. Nasayang ang panahon ng mga
taong nag-abang sa walang kwentang talumpati niya. Yong iba, nangangalahati pa
lang, nagpatay na ng TV. Ang talumpati niya ay hindi pang-senado, kaya pala
bantulot siyang doon ito i-deliver, kaya nagkasya na lamang siya sa harap ng
kamera.
Pinagbabanggit pa niya ang mga proyekto
niya sa Makati, eh, obligasyon naman niya talagang magkaroon ng mga proyekto
para sa mga tao, lalo na sa mga mahihirap. Maraming lunsod at bayan na ang
halos ay may mga kaparehong proyekto, maliban lang sa keyk at libreng sine para
sa mga senior citizens. ANG ISYU AY HINDI MGA PROYEKTO, KUNDI ANG ALEGASYON NA
MALAKI ANG MGA PORSIYENTO NIYA O NILA NA DAPAT NIYANG PATUNAYANG HINDI TOTOO!
Kung sa simpleng paghahambing sa halaga ng
pera ang gagawin, ang binibintang sa kanya ay ito: Sa halaga halimbawang isang
libong pisong pondo, ang ginastos niya sa mga proyekto ay tatlong daang piso
lang at ang napunta sa kanya ay pitong daang piso…yan ang bintang sa kanya –
NAPAKALAKI ANG NAKAMKAM NIYA! …NA, DAPAT AY PATUNAYAN NIYANG HINDI TOTOO!
Pinagyabang niyang pumunta daw siya sa
norte, sa mga binagyo, upang dumamay at upang asikasuhin ang housing project
daw na para sa mga nasalanta, pero namigay lang pala ng mga t-shirt na may
pangalan niya. Maagang nangampanya! Bakit ngayon lang niya ginawa ang
“pagdamay” sa mga nasalanta, eh…ang daming bagyo na ang dumaan at ilang libong
di- hamak ang mga nasalanta na?
Nagsosolisit ba siya ng awa o simpatiya dahil lubog siya na sa mga
kontrobersiyang pagnanakaw ng pera ng bayan! Pero ang pinakamalinaw ay ang
pangangampanya niya. Kung talagang pinangangatawan niya ang pagiging housing
czar, bakit hindi niya tutukan ang mga pabahay para sa mga taga-Zamboanga at
mga Tacloban na hanggang ngayon ay nasa tents at evacuation center pa rin?
Pupunta pa siya sa norte eh, yong nasa Maynila lang na mga squatters na
nakatira sa tabi ng mga estero, ay hindi niya maalis-alis at mailipat sa MAAYOS
na resettlement areas na may mapagkikitaan, may mga poso at kuryente man
lamang!
Hindi niya pwedeng ipagyabang na ang ginawa
niya sa Makati ay gagawin din niya sa buong Pilipinas bilang presidente kung
sakali. Dapat niyang isipin na nakaya niya dahil MALIIT LANG MAKATI, at
madaling magpa-release ng pondo para sa mga proyekto kuno, lalo’t hawak niya
ang konseho. Hindi pwedeng kung ano ang maisipan niyang proyekto ay agad na mai-implement
dahil may involved na Senado at Kongreso. Ang proposal para sa mga proyekto ay
manggagaling sa mga mambabatas at hindi sa kanya. Kung bibilhin siguro niya ang
suporta ng mga mambabatas, may posibilidad, pero dahil mulat na ang mga mata ng
mga Pilipino sa mga talamak na pagnanakaw ng mga opisyal sa kaban ng bayan, ang
tingin sa lahat halos ng mga mambabatas ay magnanakaw. Papasok pa siya sa
eksena! Kaya ang sabi ng iba, Makati pa nga lang daw ay bilyong piso na ang
naiisyung nakawan, paano na kung siya na ang maging presidente? Kung ang DBM
ngayon ay tuliro dahil hindi maipaliwanag ang mga nawalang pera, baka daw kung
siya na ang presidente, ang uupo sa ahensiyang ito (DBM) ay magkakadaduling na
sa sakit ng ulo kung paanong mag-isip ng mga dahilang “bago” sa hangarin nitong
makalusot sa mga madadagdag pang mga bintang!
Ang hindi mapatawad ng mga taga-Makati sa
mga ginawa niya ay ang pagtatak niya ng letrang “B” sa kabuuhan ng lunsod.
Gusto daw yata niyang palabasin na kung hindi dahil sa kanya ay hindi umunlad
ang Makati kaya karapatan niyang tatakan ito ng initial niya! Yong nakikita sa
TV na mga suporters niya ay mga empleyado ng city hall! Mga nakinabang ng
grasya galing sa kanya. Ang mga taga-Makati mismo, kung interbyuhin sa TV, puro
sama ng loob ang sinasabi dahil ang inalagaan lang daw naman niya ay ang Ayala
Avenue, Greenbelt Commercial Center at mga subdivision ng mga mayayaman. Ang
ibang bahagi ay pinabayaan.
Finally, ang Makati, ilang oras lang,
maiikot na, pero ang Pilipinas ay binubuo ng mga isla na dahil sa distansiya
nila sa isa’t isa, kadalasan palpak pa nga ang koordinasyo ng mga ahensiya! Dapat
gumising siya sa katotohanan na may mga dapat pa siyang sagutin na hindi niya
puwedeng palusutan ng dahilang pinupulitika lamang siya! Kung nakaya niyang
bilugin ang ulo ng ilang mga taga-Makati, hindi ang Pilipinas sa kabuuhan nito!
May kwento ang isang taga-Makati na isa sa
dahilan ng hindi magandang pagtitinginan nila noon ng dating Mayor Yabut ay ang
walang humpay niyang pagpuna sa matagal na panunungkulan nito (Yabut) bilang meyor
ng Makati. Subali’t nang siya (Binay) naman ang nakatikim ng ginhawa sa
malambot na upuan para sa meyor,
naka-ilang term ba siya?...at hindi pa nakuntento, pinaupo din niya ang asawa
niya at anak! …may anak din siya sa kongreso, pati sa senado! Noon mag-isa lang
si Mayor Yabut sa pulitika, at hanggang pagka-meyor lang siya, ang mga anak
naman nito ay hindi nakialam, subali’t pinuna siya ni Binay ng todo, yon pala,
mas masahol pa ang ginawa nito…at balak yatang mas lalong pasasahulin pa dahil
gustong hawakan ay buong Pilipinas na…na ngayon ay halos nakahandusay na sa
hirap!
Opinyon lang ito ng hindi taga-Makati, pero
Pilipinong nababahalang baka may mangyayaring hindi maganda sa Pilipinas! Kaya
humihikayat sa kapwa Pilipino na lalo pang paigtingin ang pagmatyag!...huwag
padadala sa tamis ng keyk!
Discussion