Showing posts with label Mar Roxas. Show all posts

0

Ang Mga Bagay-bagay tungkol sa Mamasapano Masaker

Posted on Tuesday, 3 February 2015



Ang Mga Bagay-bagay
Tungkol sa Mamasapano Masaker
Ni Apolinario Villalobos

Ang mga malinaw:

  1. Matagal na pala ang teroristang bomb maker sa “teritoryo” ng MILF at ang kasama nito kaya siguradong alam ng MILF.
  2. Apatnapu’t-apat ang minasaker at marami pang SAF members ang nasugatan.
  3. Maraming sibilyan ang nadamay.
  4. Nasa “teritoryo” ng MILF ang BIFF kaya lumalabas na para itong kinakanlong, at ang dahilan ay magkakamag-anak daw ang mga miyembro ng MILF at BIFF.
  5. Bago pa masuspinde si Purisima ay alam na nito ang mga detalya tungkol sa kinaroroonan ng mga terorista subalit hindi naibahagi sa hukbong sandatahan ng Pilipinas.
  6. Hindi napagsabihan si Mar Roxas bilang kalihim ng DILG.
  7. Hindi napagsabihan ang mismong OIC ng PNP.
  8. Hindi nakipag-coordinate ang SAF sa MILF sa ginawa nilang operation.
  9. Maglulunsad pa ng mga pag-atake ang BIFF na nagsabing hindi sila sasali sa imbestigasyon.

Ang mga katanungan:

  1. Bakit hindi hinuli ng MILF at isinurender sa pamahalaan ang mga terorista?
  2. Bakit hindi pinapaalis ng MILF ang BIFF na itinuturing ding teroristang grupo, sa “teritoryo nila kahit magkakamag-anak pa ang mga miyembro nila? May ginagawa na bang plano, bilang paghahanda kung napirmahan na ang Bangsamoro Basic Law?
  3. Paanong naputol ang koordinasyon na “dapat” sana ay ginawa ng nasibak na hepe ng SAF bago sila nag-operate, kaya tuloy walang alam ang hukbong sandatahan, ang OIC ng PNP at ang kalihim ng DILG?
  4. Sino o sinu-sino ang “pumutol” ng koordinasyon?
  5. May maganda bang pinangako ang mga “pumutol” sa namumuno ng SAF, kaya ganoon na lang ang sobra-sobrang self-confidence ng nasibak na hepe ng SAF sa interview na ginawa makalipas ang maraming araw pagkatapos ng masaker? Bakit ganoon ka-delay ang interview? Pinag-usapan ba muna ang mga ibibigay na sagot upang may mapagtakpan?
  6. Anong ibig sabihin ng ininterbyung taga-sandatahang hukbo ng Pilipinas na parang may kulang sa sinasabi ng “ibang grupo”?...na parang may itinatago?
  7. Bakit hindi lumulutang si Purisima upang makatulong sa pagpalinaw ng mga isyu dahil malakas ang ingay sa pagbanggit ng pangalan niya?


Ang mga kawawa:

  1. Ang mga pamilya ng mga apatnapu-t apat na miyembro ng SAF at mga nasugatan…ang mga asawang buntis, ang mga batang paslit, ang mga sanggol, etc – lahat sumisigaw sa paghingi ng hustisya.
  2. Ang mga nadamay na sibilyan sa pinangyarihan ng masaker.


Ang mga nagmukhang tanga:

  1. Si Mar Roxas na kalihim ng DILG.
  2. Ang mga taga-hukbong sandatahan ng Pilipinas dahil sinisisi na.
  3. Ang OIC ng PNP.

Ang pinagmumukhang tanga ay ang taong bayan….at ang masaya ay MNLF!

0

Mga Trayduran at Sisihan sa Gobyerno...at ang paghugas-kamay na naman ni Pnoy

Posted on Wednesday, 28 January 2015



Mga Trayduran at Sisihan sa Gobyerno
…at ang paghugas-kamay na naman ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos

Ang massacre ng mga pulis sa Mamasapano, Maguindanao, ay nagpapakita nang kaampawan ng liderato ni Pnoy. Hindi buo…hindi matatag…walang laman – puro hangin…ampaw! Mismong kalihim ng DILG at OIC ng PNP ay hindi alam ang isang malaking operasyon na gagawin ng SAF ng PNP dahil ang target ay isang foreign terrorist na wanted din sa ibang bansa. Ang pagsilbi ng mga naipong warrant of arrest ay isang immediate actionable na responsibilidad na may kaakibat na tactical operation, subalit dahil hindi ito pangkaraniwan, dapat pinaalam din kay Mar Roxas bilang kalihim ng DILG at pati sa OIC ng PNP bilang respeto.

Putok ang balitang ang nagmani-obra ay ang suspendidong hepe ng PNP na si Purisima kaya lalong naging naging kwestiyonable ang lahat dahil ginawang tanga ang itinalagang OIC. Kahit wala pang imbestigasyong ginagawa ay malakas tuloy ang hinala ng lahat na ang tagumpay ng operasyon ay magsisilbi sanang “personal vindication” ni Purisima mula sa mga paratang sa kanya. Ang problema, nag-boomerang kaya lalo siyang nadiin…lalong nalubog sa kahihiyan, kung totoo nga ang mga pumutok na balita na ang pinagmulan naman ay isang heneral. Sa nangyari, dawit uli ang BFF ni Purisima na si Pnoy...na may kakambal yatang kamalasan!

Tulad ng inaasahan, tila may sacrificial lamb na umamin – ang director ng SAF. Subalit bakit hindi niya ginawa ito agad upang maiwasan ang mga ispekulasyon? Pwede namang magpatawag siya ng press conference. Ang ginawang paghintay muna ng director na makapagsalita ang pangulo ay nakakapagduda, dahil gusto yata niyang magkaroon sila ng iisang “tono” ng pangulo – walang conflicting statements. Ibig sabihin, magsi-second the motion na lamang ang SAF Director sa anumang sasabihin ng pangulo, na nangyari nga.

Ang nagmukhang tanga na sina Roxas at OIC ng PNP ay nagkakamot ng ulo, ganoon din ang iba pang mga opisyal ng PNP na hindi rin napagsabihan tungkol sa operasyon. Ang masakit, sila ang pinapaharap sa mga press con kaya sisinghap-singhap habang naghahagilap ng isasagot sa mga katanungan. Malinaw pa sa sikat ng araw na sila ay natraidor! Daig pa nila ang taong binaril at duguan na, ay sinisipa pa, dahil siguradong sila ang babagsakan ng sisi. Magastos na naman sa tubig at sabon dahil sa mga hugasan ng kamay sa Malakanyang! Samantala, ang pag-amin ng direktor ng SAF ay hindi pinaniniwalaan.

Dahil malakas ang pagputok ng pangalan niya sa media, dapat kusang lumabas si Purisima at itanggi ang paratang kung walang katotohanan. Pero wala yatang takot at kaba dahil alam niyang as usual, ay ipagtatanggol siya ng kanyang best friend na si Pnoy! Nakakasakit din sa loob na marinig sa pangulong ituring ang massacre na isang “incident” lamang.

Kung may natitira pang pride o pagmamahal sa sarili si Mar Roxas, ang pinakamaganda niyang gawin ay mag-resign, dahil binibitin din lang siya ni Pnoy kahit sa suporta na kailangan niya (Roxas) pagdating ng eleksiyon sa 2016. Kung magbibitiw siya, baka madagdagan pa ang mga supporters niya dahil sa awa.

0

Ang Mga Senaryo ng Pulitika sa Pilipinas

Posted on Monday, 6 October 2014



Ang Mga Senaryo ng Pulitika Sa Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

May naglalabas na ng paid advertisement sa radyo na nagpaparating ng mensaheng dapat na ipagpatuloy ni Pnoy ang kanyang panunungkulan bilang Presidente. Wala daw kinalaman dito ang Malakanyang sabi ng mga tagapagsalita. Iyan ang sabi nila…

Nag-uumpisa na ang senaryo para kay Pnoy. Sa kabila ng kabi-kabilang panawagan upang tuldukan na niya ang mga espekulasyon, pabali-baligtad ang sinasabi niya…isang araw sasabihin niyang hindi na siya hihingi ng extension, sa mga susunod na mga araw, uulitin niya ang pudpod nang monologue na: “pakikinggan ko ang mga boss ko…”

Ang isang survey kamakailan lamang, malinaw ang mensahe ng mga Pilipino…ayaw na nila kay Pnoy. Ang mga kaparian sa Cebu, nagpadala rin ng mensahe na bumaba na siya sa puwesto sa 2016, binasura din ito ng Malakanyang. Kamakailan pa rin, sinabi ni Pnoy na kailangang maipagpatuloy daw ang mga “reporma” ginawa niya. Anong mga reporma? – yan ang tanong mga Pilipino.

Dahil ipinagpipilitan talaga ng partido ni Pnoy na kailangan niyang ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan, inilutang naman nila ang posibilidad na tatakbo siya ngunit bilang Bise ni Mar Roxas. Kung ito ay kakagatin, malamang na ganito na ang mangyayari dahil wala nang poproblemahin pa sa pagbago ng Saligang Batas. Magtutulungan ang dalawa, hindi na rin gagalawin pa sa puwesto ang mga dati nang naitalaga na tulad nina Abad sa DBM at Abaya sa DOTC.

Walang nakikitang lakas sa personalidad ni Roxas at sabi pa ng karamihan, pati na ang mga taga-media, puro lang daw salita at paporma, subalit pagdating naman sa kalinisan ng pagkatao, may puntos na siya. Kung silang dalawa ni Binay ang pagpipilian, malamang madugo ang labanan dahil malakas pa rin ang hatak ni Binay kahit na hayag na ang mga anomaly sa Makati noong kapanahuna nito.

Si Allan Peter Cayetano naman, noon pa man, maingay na sa pagpapahiwatig ng kanyang ambisyon na maging presidente at idiniin pa ng salitang, “sino ba ang ayaw ng mas mataas na puwesto?”. May bahid man ng katiwalian, kung ikukumpara sa ibang mga senador, mantsa lang ang nakulapol sa kanya. At upang masiguro ang kanyang exposure sa mga tao, nagpapalabas ang kampo niya ng mga ads sa TV subalit ang sinasangkalan ay ang baluwarteng Taguig. Kinukumpara niya ito sa Makati at tahasang pinapakita ang kaibahan ng paggastos sa mga proyekto…na para bang sinasabi na ang mga proyekto sa Taguig ay nagawa pero hindi pinagkitaan, hindi tulad ng mga sa Makati na malalaki nga subalit pinagkitaan naman. Idiniin ang mensahe ng mga salitang, “pwede naman pala…”. Problema lang ni Cayetano kung sino ang bibitbiting Bise, dahil malabo si Trillanes dahil wala naman itong malakas na hatak sa mga tao.

Kung ang magka-tandem na Roxas/Aquino ay wala nang problema sa ngayon pa lang, dapat si Binay ay kailangan nang magpalutang din ng posible niyang ka-tandem bilang Bise, na ang inaasahan ng marami ay si Pacquiao naman. Kung ambisyon ang paiiralin ni Pacquiao, malamang tatanggapin niya ang alok…without thinking. May dahilan si Pacquiao na kagatin ang alok ni Binay kung sakali, at ito ay ang hinanakit niya sa administrasyon na hindi man lang siya tinulungan sa kanyang kaso laban sa BIR na naghahabol sa kanyang mga kinita. Sa hanay ng mga senador, wala nang makukuha si Binay, kahit nandiyan ang posibilidad na maaaring mapilitang tumakbo sa pagka-Bise si Grace Poe. Ang popular na kasabihan ngayon sa Senado at Kongreso ay, parang nagpahalik daw sila kay Hudas kung dumikit sila kay Binay.

Si Miriam Defesor Santiago naman, sana ay magbago na ang isip at huwag na lang tumakbo sa kahit anong puwesto, Presidente man o Bise, dahil sa kanyang kalusugan. Sa mga hearing pa nga lang sa Senado, halos himatayin na siya dahil sa mga pasaway na mga kasama, lalo na siguro kung buong Pilipinas na ang hahawakan niya. Marami siyang magagawa bilang consultant o adviser ng kung sinong uupo na may tiwala sa kanya. Ang galit lang naman sa kanya ay si Enrile, kaya wala siyang dapat ipangambang mawawala siya sa eksena ng pulitika.