0

May Galing si de la Rosa Pero mas Marami siyang Kahinaan

Posted on Thursday, 26 January 2017

May Galing si de la Rosa
Pero Mas Marami Siyang Kahinaan
Ni Apolinario Villalobos

Hindi dahilan ang pagiging para-militaristic na pagkapulis upang sabihing hanggang katapangan lang ang dapat ipakita ni de la Rosa. Mali ang pinagpipilitan niyang ibalik ang militaristic training ng mga pulis upang maging disiplinado. Ang disiplina ay nasa pagkatao. Bakit ang mga Hapon na hindi naman nadisiplina ng military ay disiplinado?

Ang mga napansin ko kay de la Rosa kaya ko nasabing marami siyang kahinaan:

  • Masyado siyang ma-PR at masosyal. Nagkaroon siya ng imahe na respetado kaya hindi na niya kailangang magpa-OA sa pakikipagsosyalan dahil hindi naman siya artista. Mas okey sana kung ang pinapakita niya ay ang pagiging approachable niya pero dapat ay business-like ang kanyang stance, hindi palakuwento ng mga bagay na hindi naman itinatanong sa kanya dahil pati si Duterte ay nalalagay sa alanganin.

·        Matapang siya sa mga adik pero hindi sa mga kasama niyang pulis maski alam na pala niyang mga tiwali, kaya wala siyang ginawa. Unti-unti nang nakikita ang epekto ng hindi pagtanggal sa mga tiwaling pulis na lalo pang nagkaroon ng mas malakas na loob dahil sa paulit-ulit na pagsabi nila ni Duterte ng suporta sa mga tiwaling ito.

·        Hindi tanga ang taong bayan upang hindi malaman na talagang may mga pulis na nangongotong at nagtatanim ng ebidensiya, pero hanggang sa hearing sa pagpatay sa Koreano ay kunwari pang nagulat si de la Rosa nang sabihan siya nito. Pero, inamin din niya bandang huli na alam niyang mga mga tiwaling pulis sa kanilang hanay. Sa kabila niyan ay hindi niya pinagtatanggal.

·        Sobra ang pakisama niya sa LAHAT ng mga pulis pati sa mga alam na pala niyang tiwali upang ipakita ang suporta nila ni Duterte sa kabuuhan ng PNP. Ang pinapakita nila ang nagpapalakas ng loob ng mga tiwali kaya sinasabayan nila ang ginagawang “operation tokhang” na nasira na at hindi pinapaniwalaan ng taong bayan, kahit may maganda itong layunin.

·        Palagi niyang ginagamit ang hindi na pinapaniwalaang “isolated case” bilang dahilan tuwing may pulis na nireklamo. Itigil na niya dapat ito dahil ginagawa niyang tanga ang taong bayan.

·        Hindi magandang pakinggan ang sinasabi niyang wala pang 1% ng kabuuhan ng PNP ang bilang ng mga masasama o tiwaling pulis. Ganoon pala kaliit, bakit hindi niya pagtatanggalin dahil obvious na hindi naman pala makakaapekta sa operasyon ng PNP.

·        Hindi rin magandang pinaparatang niya sa mga “rookies” o baguhang pulis ang mga katiwalian dahil kitang-kita naman na hindi bababa sa rangkong “PO2” ang mga iniimbistigahan ngayon.

·        Puro siya salita at pasosyal wala siyang “management skill” na kailangan para sa isang namumuno ng ahensiya ng gobyerno, military man o civilian….ang ganyang skill ay nangangailangan ng talino.

Marami akong alam na mga taong naging manager pero kulang sa talino kaya apektado ang kanilang management skill….pero dahil marunong makisama sa mga tauhan at sumipsip sa mga nakakataas sa kanila, tuloy pa rin ang kanilang promotion. Ang teknik nila ay kumuha ng mga marurunong na tauhan upang asahan sa paggawa ng analysis at pag-interpret nito sa mga memo at project studies. Magaling sila sa PR kaya mahal sila ng mga nakakakilala sa kanila….yon lang.

Ang mga suggestion ko:
·        Magtrabaho siya ng tahimik at pukpukin ang NAPOLCOM upang bilisan ang mga pagsisiyasat.

·        Magbigay siya ng deadline kung kaylan dapat matanggal ang mga pulis na tiwali.

·        At, huwag ipatapon sa Mindadano ang mga tiwaling pulis dahil hindi nito kailangan ang mga basura ng Maynila!


Discussion

Leave a response