0

Ang Kapit-tuko sa Puwestong si Aguirre ng DOJ

Posted on Thursday, 26 January 2017

ANG KAPIT-TUKO SA PUWESTONG SI AGUIRRE NG DOJ
Ni Apolinario Villalobos

Hindi na kailangan pang banggitin ang kawalan ni Aguirre ng nagawa noong naging DOJ secretary siya sa ilalim ng administrasyon ng isang nakaraang presidente. Sa hindi malamang dahilan ay napabilib niya si Duterte, o dahil lang mayroon silang “common enemy”… si de Lima. Sa excitement ni Aguirre at ni Duterte ay nangako silang matutuldukan ang mga kasong inupuan ni Pnoy Aquino, lalo na ang mga massacre sa Maguindanao at Mamasapano. Sa pag-upo in Duterte nang-agaw ng eksena ang mga problema sa Bilibid na kinasangkutan ni de Lima. Nakalimutan ang iba pang mabibigat na kaso. Si Aguirre, parang walang pakialam. Iniisip niya siguro na pagkalipas ng 6 na taon, okey lang maski wala siyang ginawa tulad din ng mga nakaraang administrasyon.

Ngayon, dobleng boldyak ang inabot niya sa magkahiwalay na kaso ni Lam at ni Sta. Isabel. Sa kaso ni Lam, ang mga sinasabi ng mga saksi ay tumuturo sa kanya na sangkot sa bayaran. At ang kawawang Aguirre ay nagmukhang tanga dahil mismong mga senador ay nagsabing hindi sila naniniwala sa mga sinasabi niya. Dahil diyan, tumalsik ang natirang respeto sa kanya!

Sa kaso ni Sta. Isabel, pilit pinapalabas ni Aguirre na wala itong kasalanan kundi ginamit lang na “fall guy”, at pilit na itinuturo ang iba pa tulad ni Dumlao na siyang “kumukumpas” daw sa operasyon.  Paanong mapapaniwalaan ang sinasabi ni Aguirre at ni Sta. Isabel dahil kung talagang wala siyang (Sta. Isabel)  kasalanan, dapat ay dumiretso na siya kay de la Rosa sa halip na magtago sa NBI kung saan ay sinasabing may mga kaibigan siya at kung saan ay gumawa siya ng notarized statements bago magpa-detain sa Crame. Tulad ng inaasahan, sa hearing sa Senado, naglitawan ang mga magkasalungat na testimonya. May kasalanan diyan si Aguirre na dapat ay hindi na muna sumawsaw at hinayaang umusad ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa halip na makatulong ay pinagulo niya ang mga imbestigasyon. Kahit kaylan ay talagang wala siyang nagawang makabuluhan sa administrasyon ni Duterte….DAPAT SIYANG PATALSIKIN.           

Sa nangyayari kay Aguirre, nakangiti si de Lima at sa isipan ay maaaring naglalaro ang mga katagang, “oh, ano ngayon?”…na ang tinutukoy ay si Duterte dahil sa kapalpakan ng pinagkatiwalaan niyang tao na mamuno sa isang sensitibong ahensiya, ang Department of Justice.



Discussion

Leave a response