Ang Hirap sa Ibang Mga Moralista Daw....hindi "pangtao" ang kanilag pananaw
Posted on Sunday, 22 May 2016
Ang Hirap Sa Ibang Mga Moralista Daw
…hindi “pangtao” ang kanilang pananaw
Ni Apolinario
Villalobos
Mahirap intindihin
ang ibang mga moralista dahil sa pagtanggi nilang ibalik ang hatol na
kamatayan. Para sa kanila, ito daw ay labag sa utos ng Diyos. Nandoon na ako sa
utos ng Diyos na bawal ang pumatay pero ito ay kung para sa pansariling
kapakanan tulad ng pagnanakaw kaya dapat litisin ang pumatay, lalo na ang
pumatay dahil sa pagdepensa sa sarili lamang.
Subalit sa isa
pang kautusang huwag pagnasahan ang kapwa o “asawa ng kapitbahay” na literal na
translation ng “thou shall not covet thy neighbor’s wife” kaya humahantong sa
rape o panggahasa…na sa panahon ngayon ay palagi nang ginagawa dahil sa droga,
kaya pati nanay o lola ay nagagahasa na ng addict….ANO ANG MASASABI NG MGA
MORALISTANG ITO? NGINGITI NA LANG BA O DI KAYA AY MAGTAAS NG MGA KAMAY SA
LANGIT, SABAY SIGAW NG “PRAISE THE LORD!”?
NGINGITI NA LANG
BA ANG ISANG INA O AMA O MGA KAPATID KUNG MASALUBONG NILA ANG NANGGAHASA SA
KANILANGANG ANAK O KAPATID NA HINDI NALILITIS GANOONG ALAM NA NG BUONG BAYAN
ANG KANYANG GINAWA, PERO NAKAKALAYA DAHIL ANAK O PAMANGKIN NG MAYOR O MAYAMANG
NEGOSYANTENG MADALAS MAG-DONATE SA SIMBAHAN AT KUNG MAY PISTA SA BAYAN? AT KUNG
MAKASUHAN MAN KUNO KAYA NAKULONG KUNO AT MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN AY NAKALAYA
AT NANGGAHASA ULI DAHIL TALAGANG BISYO NA NIYA ITO, LALO PA AT ADDICT PALA….ANO
ANG MASASABI NG MGA MORALISTA?...”PRAISE THE LORD?”
ISANG TANONG:
MAKATARUNGAN BA ANG “DIYOS” NG MGA MORALISTANG ITO?
ANG GUSTO YATA
NILANG MANGYARI AY GAYAHIN NG TAO ANG ASO NA PAGKATAPOS MAGKASTA O
MAKA-PANGANGKANG SAAN MANG LUGAR – GITNA NG BASKETBALL COURT O KALSADA O PLAZA
O HARAP NG SIMBAHAN O LABAS NG GATE NG BAHAY, ETC. AY PARANG WALA LANG NA AALIS
NA, AT BABALIK ULI SA PANAHON NG TAGLIBOG UPANG MAGKASTA O MANGANGKANG ULI NG
IBANG ASO!!!
Discussion