Ika-9 ng Mayo Eleksiyon 2016...at tulong ng BJ Volunteer Team ng Real Dos (Bacoor City)
Posted on Tuesday, 10 May 2016
Ika-9
ng Mayo Eleksiyon 2016
…at
tulong ng BJ Volunteer Team ng Real Dos (Bacoor City)
Ni Apolinario Villalobos
Tulad ng dati inagahan ko ang pagpunta sa
presinto ng botohan para sa barangay Real Dos sa Real Elementary School, upang
magmasid. Di tulad ng nakaraang mga eleksiyon na may mga upuan sa labas ng mga
kuwarto, nitojg nakaraang eleksiyon ay wala ni isa mang magamit ang mga botante
lalo na ang mga senior citizens. Nang magkomento ako, tiyempong may dumaang
titser at nagsabing, “hindi pa ho inilalabas”. Subalit sa oras na yon,
mag-aalas otso na imposible nang maglabas pa sila ng mga upuan dahil
nagdadatingan na ang mga botante. Upang ma-check kung naglabas ng mga upuan,
bumalik ako bandang alas-diyes…wala pa rin. Inunawa ko na lang ang mga titser
na talagang hindi magkandaugaga sa pag-asikaso sa mga botante.
Ang masaklap ay iisang listahan lang ang
inilagay sa labas ng bawat kuwarto bilang batayan ng mga botante kung saang
cluster sila nakatalaga. In fairness sa mga titser, may ginawa silang numbering
system pero hindi rin nasunod dahil sa biglang pagdagsa ng mga botante kaya
kawawa ang volunteer na na-assign sa listahan dahil sa sabay-sabay na mga
tanong.
Mainit sa labas ng mga presinto dahil
walang tolda at marami na rin ang nairita dahil hindi makita ang pangalan nila
sa listahan. Sa puntong ito, kumilos na ang mga volunteers ng Barangay Real Dos
sa pamumuno ng kapitan, si BJ Aganus. Sa labas ng eswelahan na malayo sa mga
presinto alinsunod sa batas ng COMELEC, nagtayo ng tolda sa bakuran ng mga Guerrero
na nagpaunlak sa paggamit pati ng kuryente para sa laptop.
Ang mga taga-Real Dos na nalilito ay
ginabayan papunta sa tolda ng Real Dos upang i-double check ang “kinaroroonan”
ng kanilang pangalan sa listahan na binigay ng COMELEC. Dahil sa nangyari,
hindi na nila kailangang makipagtulakan pa sa labas ng mga voting precinct ang
mga botante upang malaman kung saan sila assigned. Ito ang official list na
pinamahagi sa mga barangay kung saan ay nakalagay ang pangalan ng mga botante
at kanilang presinto. Dahil sa ginawa nina Kapitan BJ, napabilis ang pagboto ng
mga taga-Real Dos. Hindi na nila kailangan pang tumayo sa ilalim ng init ng
araw habag naghihintay ng pagkakataong matanong ang COMELEC volunteer kung
saang presinto nakalista ang kanilang pangalan.
Dahil sa ginawa nina Kapitan BJ, nabawasan
ang pagkainis ng mga botante. Nagpaliwanag din ang kapitan tungkol sa inasahang
dami ng mga botante na dapat ay nagpa-bio sa COMELEC pero hindi nila ginawa
kaya ang inasahang numero ay hindi inabot. Dahil sa ginawa niya ay kumalma ang
mga botante na kahit papaano ay naunawaan ang mga pangyayari. Nabawasan din ang
galit nila sa COMELEC.
Discussion