Mga Tanong sa Philippine Commission on Human Rights (CHR): Mga Kriminal lang ba ang may Dignidad at Karapatan? Ang mga Biktima ba ay Wala?
Posted on Thursday, 26 May 2016
MGA TANONG SA PHILIPPINE COMMISSION ON HUMAN RIGHTS
(CHR):
MGA KRIMINAL LANG BA ANG MAY DIGNIDAD
AT KARAPATAN? ANG MGA BIKTIMA BA AY WALA?
Ni Apolinario Villalobos
PALAGI NA LANG NA
BINABANGGIT NG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR) ANG KARAPATAN AT DIGNIDAD NG
MGA KRIMINAL, KAYA DAPAT DAW NA IDAAN SA TAMANG PROSESO ANG PAGLITIS SA MGA
KASO NILA. OKEY LANG SANA ITO KUNG SILA AY PINAGBIBINTANGAN PA LANG, SUBALI’T PAANO
KUNG HULING-HULI SA AKTO AT MARAMI ANG NAKASAKSI SA GINAWA NILANG KRIMEN…SASABIHIN
PA RIN BA NG CHR NA INOSENTE ANG MGA ITO
AT KAILANGANG PROTEKSIYUNAN ANG KANILANG DIGNIDAD? …WALA BANG DIGNIDAD AT
KARAPATAN ANG MGA BIKTIMA NILA?
SA NABANGGIT NA
SITWASYON SANA AY TUMAHIMIK NA LANG ANG CHR DAHIL TALAGA NAMANG MAGKAKAROON NG
PAGLILITIS SUBALIT HINDI MAIIWASANG PAGDUDUDAHAN ANG RESULTA DAHIL HALOS WALA
NA RING NAGTITIWALA SA JUSTICE SYSTEM NG
PILIPINAS. PAANO KUNG MAYAMAN ANG MGA
KRIMINAL AT MARAMING PERANG PAMBAYAD SA MAGALING NA ABOGADO? TATANGGAPIN NA LANG BA ANG HAYAGANG ANIMO AY
“PAGBILI” NILA NG HUSTISYA? DAPAT TANDAANG MARAMI ANG NAGREREKLAMO SA
PAGLABAS-MASOK NG MGA KRIMINAL SA KULUNGAN DAHIL SA PIYANSA. DAPAT MAGHINAY-HINAY ANG CHR SA PAGBABANGGIT
NG “DIGNIDAD” NG KRIMINAL.
TULAD HALIMBAWA SA
MGA NAHULI SA AKTONG MGA DRUG PUSHER NA PINAPARUSAHAN SA PAMAMAGITAN NG “WALK
OF SHAME” NA GINAGAWA NG ISANG MAYOR SA BATANGAS. KAHIT SINABI PA NG MGA
OTORIDAD DOON NA HULI SA AKTO ANG MGA PINARUSAHAN, PARA PANG PINANIGAN NG CHR
ANG MGA ITO SA PAGBANGGIT NG DIGNIDAD DAW NILA….PAANO ANG SINIRANG BUHAY NG MGA
BIKTIMA NILA NA MALAMANG AY MGA KABATAAN? DIGNIDAD LANG BA NG MGA KRIMINAL ANG
MAY HALAGA, AT ANG NASIRANG BUHAY NG MGA BIKTIMA AY WALA?
MAY DINEPENSAHAN
NA BANG MGA BIKTIMA NG KRIMEN ANG CHR, AT KUNG MERON MAN, HANGGANG SAAN INABOT ANG PAGMAMAGALING NITO? MAY MGA BIKTIMA
NA BANG PINANIGAN SILA AT NAKAKAMIT NG HUSTISYA?
SA TINGIN NG CHR,
PANG-AAPI BA ANG PAGPAPARUSA SA MGA KRIMINAL DAHIL SA MGA KASALANANG GINAWA
NILA? ANO ANG TAWAG NG CHR SA MGA NAGING
DRUG ADDICT NA MGA KABATAANG BIKTIMA NG MGA DRUG PUSHER?...NG MGA NAGAHASA
NG MGA ADDICT NA RAPIST, AT ANG IBA AY MISMONG INA O KAPATID NILA?....NG MGA
PINATAY NG MGA BAYARANG MAMATAY-TAO?…NG MGA BIKTIMA NG MGA ILLEGAL RECRUITER?...ETC.?
ANO ANG GINAWA NG
CHR SA MGA BIKTIMA NG MGA AMPATUAN SA MAGUINDANAO NA HANGGANG NGAYON AY HINDI
PA NAKAKAMIT NG HUSTISYA?...SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG YOLANDA NA HINDI NAAMBUNAN
NG MGA DONASYON DAHIL SA KAPABAYAAN NG MGA AHENSIYA?...SA MGA BATANG YAGIT NA DINADAAN SA PAGSINGHOT NG RUGBY ANG PAGPAWI
SA GUTOM?...SA MGA BADJAO NA NAGKALAT SA KALYE NA NAMAMALIMOS UPANG MABUHAY?....SA
MGA BIKTIMA NG DEMOLITION NA WALANG RELOKASYON KAYA NGAYON AY NAKATIRA SA MGA
BANGKETA AT TABI NG ILOG SA IBA’T IBANG PANIG NG METRO MANILA?
SA TINGIN NG CHR,
MGA KRIMINAL LANG BA ANG “HUMANS” O MGA TAO, AT ANG MGA BIKTIMA NILA AY HINDI O HAYOP KAYA HINDI SILA SAKLAW
NG MGA RESPONSIBILIDAD NITO NA “PANGTAO”? ANG MGA BATANG YAGIT, MGA BADJAO, MGA
DISPLACED NA MGA PAMILYANG BIKTIMA NG PUWERSAHANG DEMOLITION, AT MARAMI PANG
IBA AY INIHAHALINTULAD NA LANG BA NITO
SA MGA ASO AT PUSANG KALYE? MAY NAGAWA NA BA SILA PARA MAPAAYOS ANG BUHAY NG
MGA ITO O MAG-INGAY MAN LANG UPANG MAPANSIN NG GOBYERNO?
BAKIT HINDI ITO
MAKIPAG-COORDINATE SA IBANG AHENSIYA NG GOBYERNO UPANG MAGING EPEKTIBO AT MA-JUSTIFY
ANG TINATANGGAP NA SUWELDO NG MGA TAUHAN NITO? HANGGANG SA PAG-ABANG NA LANG BA
ITO NG MGA SENSATIONAL NA BALITA SA RADYO, TV, AT DIYARYO, TULAD NG RAPE JOKE
NI DUTERTE, NA EEKSENAHAN PARA MASABING MAY GINAGAWA ANG MGA TAUHAN NITO? WALA
NA KAYANG MAS MAHALAGANG MGA KASO KAYSA RAPE JOKE NI DUTERTE? KUNG MAY MGA
KAKULANGAN ITO SA MGA TAUHAN AT BUDGET BAKIT HINDI GUMAWA NG MGA KARAMPATANG
HAKBANG?
ANG PAGTATANONG AY
KARAPATAN KO BILANG ISANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS….AT NAGPAPASANA NA MASAGOT ANG
MGA ITO…UPANG MAGKAROON NG KALINAWAN AT TULOY AY MARESPETO NG LUBUSAN ANG
NASABING AHENSIYA, BILANG KARAPATAN DIN NITO, AT MATIGIL NA ANG MGA
PAGBABATIKOS DITO….SANA….SANA…SANA!!!
Discussion