0

Isang Simpleng Paalala tungkol sa "Diyos"

Posted on Sunday, 22 May 2016

ISANG SIMPLENG PAALALA
TUNGKOL SA “DIYOS”
ni Apolinario Villalobos


HINDI KAILANGANG KASAPI SA ISANG SIMBAHAN O GRUPO NG MANANALAMPALATAYA ANG ISANG TAO PARA LANG MAGKAROON NG PANINIWALA SA ISANG “PINAKAMAKAPANGYARIHAN” NA NAGLALANG O NAG-CREATE SA LAHAT NG BAGAY SA SANLIBUTAN, AT KUNG TAWAGIN NG MGA MORALISTA AT RELIHIYOSO AY “DIYOS”.

ANG “DIOS” NA SALITANG LATIN AY HANGO SA PANGALANG “ZEUS” NA LIDER NG MGA DIYOS-DIYOSAN NG MGA PAGANO SA ROMA AT IBA PANG ISLA NG MEDITERRANEAN. ANG ROMA AY DATING PAGANO KAYA MARAMING SEREMONYAS NA GINAGAMIT SA SIMBAHANG KATOLIKO ANG HANGO SA MGA GAWING PAGANO, PATI ANG MGA KAPISTAHAN AT MGA GINAGAMIT NA PANGALAN NG MGA ARAW AT BUWAN SA KALENDARYO NG KRISTIYANO.

GINAMIT ANG MGA INOOBSERBAHANG KAPISTAHAN AT SEREMONYAS NG MGA PAGANO UPANG DUMAMI ANG MGA CONVERTS SA ROMANO KATOLIKO. DAHIL PA RIN DITO AY ANIMO NAG-IMBENTO NG MGA KAPISTAHAN ANG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO UPANG MAIPAGPATULOY LANG NG MGA PAGANONG CONVERTS ANG DATI NA NILANG GINAGAWA TULAD NG “SATURNALIA” NA GINAWANG “CHRISTMAS” NG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO AT GINAWA PANG DAHILAN ANG BIRTHDAY DAW NI HESUS GANOONG HINDI PA TALAGA NAPAPATUNAYAN ANG TUNAY NA ARAW, SUBALIT AYON NAMAN SA MGA MAPAPAGKATIWALAANG MANANALIKSIK AY TUMAPAT DAW SA UNANG LINGGO NG BUWAN NG ABRIL.

ANG MGA NAGISING SA KATOTOHANANG MGA ROMANO KATOLIKO NAMAN NA NAKAPAG-ISIP NA PARA LANG SILANG GINUGUYO, AY NAGTATAG NG MGA SIMPLENG GRUPO KUNG SAAN AY TALAGANG MGA SALITA GALING SA BIBLIYA ANG PINAG-UUSAPAN UPANG MAGAMIT SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY. DAHIL DIYAN NAGSULPUTAN ANG MGA “CHRISTIAN GROUPS” AT IBA’T IBANG LOKAL NA SEKTA NG ROMANO KATOLIKO NA LALO PANG LUMALAGO HABANG NAKIKITAAN NG KAHINAAN ANG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO.

ANG ROMANO KATOLIKO AY NAGKAROON NG “SANTO PAPA” NA ANG PUWESTO AY DATING “BISHOP” LAMANG SUBALIT SA KAGUSTUHAN NG MGA BISHOP NA TAGA-ROMA NA KILALANING PINUNO NG IBA PANG MGA OBISPO DAHIL NASA VATICAN SILA NA TINUTURING NILANG SENTRO NG KATOLISISMONG ROMANO, IPINILIT NILA ANG GANITONG TITULO O “TITLE” HANGGANG BANDANG HULI, ANG PAGPILI AY IDINAAN NA RIN SA BOTOHAN NG IBANG MGA OBISPO – ISANG URI NG PULITIKA SA LOOB NG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO. SINO NGAYON ANG NAGSASABING WALANG PULITIKA SA SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO?

ANG PAGRERESPETO SA LAKAS NG KALIKASAN TULAD NG KAHOY, ILOG, BUNDOK, ETC. AY ISANG “PAYAK” NA URI NG PAGRESPETO SA “LAKAS” NA ANG IBA AY NAGBIBIGAY NG BUHAY TULAD NG TUBIG, AT GINAGAWA NAMAN NG MGA KATUTUBO. ANG MGA “LAKAS” NA ITO AY MGA PAKITA O PRUWEBA O MANIFESTATION NG ISA PANG LAKAS, ANG “PINAKAMAKAPANGYARIHAN” SA LAHAT. IBIG SABIHIN, HINDI MAN KASAPI SA SIMBAHAN O KUNG ANONG GRUPO ANG MGA KATUTUBONG ITO, NANINIWALA PA RIN SILA SA “PINAKAMAKAPANGYARIHANG LAKAS” NA HINDI NILA KAILANGANG TAWAGING “DIYOS” O “DIOS”. SUBALI’T PARA SA IBANG MORALISTA AT RELIHIYOSO, DAHIL HINDI KASAPI ANG MGA KATUTUBO SA ANUMANG SIMBAHAN AY WALA NA SILANG KARAPATAN UPANG “MAKALIGTAS” PAGDATING NG ARAW NG PAGHUKOM NA ISANG KAHANGALAN!...SIGURADO BA SILANG MAKAKALIGTAS GANOONG ANG IBA SA KANILA AY NAMUMULAKLAK ANG BIBIG SA PAGMUMURA KAHIT KALALABAS LANG NG SIMBAHAN, O ENJOY NA ENJOY SA PANINIRA SA NANANAHIMIK PERO KINAIINGGITANG KAPITABAHAY?

SA PAGIGING “CORNY” NG MGA MORALISTA AT MGA RELIHOYOSO KUNO, SA HALIP NA MAKAHIKAYAT O MAKAAKIT SILA NG MGA TAO UPANG SUMAPI SA KANILA, LALO PA NILANG INIINIS ANG MGA TAONG ANG GUSTO LANG AY SIMPLENG PAGHIKAYAT – SA PAMAMAGITAN NG MGA MAKATAONG GAWA AT HINDI NG MGA KAHANGALANG SALITA!


PARA SA AKIN AY WALANG MASAMANG RELIHIYON, ANG NAGPAPASAMA SA KANILA AY ANG MGA BULAG SA KATOTOHANAN AT MGA “CORNY” NA NAMUMUNO AT MGA KASAPI. KAWAWA ANG MGA NADADAMAY NA KASAPING  TALAGANG BUKAL SA KALOOBAN ANG PANANAMPALATAYA. DAPAT MAKINIG SA MGA SINASABI NG BAGONG SANTO PAPA ANG MGA ROMANO KATOLIKO DAHIL ANG GUSTO NIYA AY MABAGO ANG MGA NAKASANAYANG MALING GINAGAWA NG MGA KASAPI.

Discussion

Leave a response