Showing posts with label Roman Catholic. Show all posts

0

Ang "Love Offering" sa Misa ng Romano Katoliko

Posted on Wednesday, 8 February 2017

Ang “Love Offering” sa Misa ng Romano Katoliko
(with translation)
By Apolinario Villalobos

May mga parish priest na hindi alam kung anong mga barangay o subdivisions ang sakop nila. Ang tawag nila sa mga Multi-purpose Hall na pinagdadausan nila ng misa  ay “chapel” upang makontrol nila. Pinalagyan ng santo ang Multi-purpose Hall, patron daw, kaya dapat tawagin na itong “chapel”…ibig bang sabihin ba ay “chapel” din ang bahay na may malaking rebulto ng santo? Iyan ang kabulastugan na animo ay pangangamkam ng mga ungas na paring ito sa mga Multi-purpose Hall na pinaghirapang itayo ng mga homeowners!

Ang masama pa, pagkatapos mag-misa sa mga Multi-purpose Halls, wala man lang iniiwang pera para sa pondo ng asosasyon na mgagamit sa maintenance. Lahat ng perang ibinigay ng mga dumalo sa misa ay tinatawag na “love offering”, ganoong “quota” naman talaga. Kapag mahina ang koleksiyon, nagpaparinig sila na hindi maka-Diyos ang mga dumadalo sa misa!

May kaibigan akong pari na umaming ang maliit niyang electric car ay hinuhulug-hulugan niya ng perang galing sa “love offering”. Walang masama diyan, basta huwag lang maging ipokrito kaya dapat nilang aminin na sila ay taong may mga pangangailangan…. kaya kailangan nila ng pera. Huwag na nilang sabihing ang pera ay “offering” ng mga tao na nagla-“love” sa Diyos! KUNG TAPAT SILA AT HINDI SINUNGALING, ITO ANG AMININ NILA SA MISA SA HALIP NA MAGBASA NG PASTORAL LETTER TUNGKOL SA MGA PATAYANG BINIBINTANG KAY DUTERTE ….BIBILIB PA SA KANILA ANG MGA TAGA-SUNOD NILA!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

There are parish priests who do not even know the barangays and subdivisions that are within their “territory”. They call the Multi-purpose Halls where they hold Mass as “chapel” with the ulterior motive of controlling them. They require the local parishioners to display a statue of their patron in the Multi-purpose Hall to  qualify it as a chapel…does it mean that homes with big statues of saints should also be called “chapels”? That is how deceitful some of these priests are in their effort to snatch the Multi-purpose Halls from the homeowners who painstakingly built them!

Worse, after the Mass, the priests do not even leave any amount for the fund of the homeowners to be used for future repairs. All of the money shelled out by those who attended the Mass, they call “love offering” which in reality, is “quota”. If the collection is meager, the priest chides the attendees as not faithful enough.

I have a priest-friend who admitted that the money he uses for the monthly installment of his small electric car is from the “love offering”. Nothing is wrong with that, for as long as priests should do away with hypocrisy and admit that as human beings they also have needs…hence, they need money. They should stop insisting that the “offering” is from those who “love” God! IF THEY ARE HONEST AND NOT LIARS, THEY SHOULD BOLDLY ADMIT THAT DURING THE MASS INSTEAD OF READING THE PASTORAL LETTER ABOUT THE KILLINGS BEING ATTRIBUTED TO DUTERTE….AND, THEIR FOLLOWERS WILL SURELY ADMIRE THEM!



0

Isang Simpleng Paalala tungkol sa "Diyos"

Posted on Sunday, 22 May 2016

ISANG SIMPLENG PAALALA
TUNGKOL SA “DIYOS”
ni Apolinario Villalobos


HINDI KAILANGANG KASAPI SA ISANG SIMBAHAN O GRUPO NG MANANALAMPALATAYA ANG ISANG TAO PARA LANG MAGKAROON NG PANINIWALA SA ISANG “PINAKAMAKAPANGYARIHAN” NA NAGLALANG O NAG-CREATE SA LAHAT NG BAGAY SA SANLIBUTAN, AT KUNG TAWAGIN NG MGA MORALISTA AT RELIHIYOSO AY “DIYOS”.

ANG “DIOS” NA SALITANG LATIN AY HANGO SA PANGALANG “ZEUS” NA LIDER NG MGA DIYOS-DIYOSAN NG MGA PAGANO SA ROMA AT IBA PANG ISLA NG MEDITERRANEAN. ANG ROMA AY DATING PAGANO KAYA MARAMING SEREMONYAS NA GINAGAMIT SA SIMBAHANG KATOLIKO ANG HANGO SA MGA GAWING PAGANO, PATI ANG MGA KAPISTAHAN AT MGA GINAGAMIT NA PANGALAN NG MGA ARAW AT BUWAN SA KALENDARYO NG KRISTIYANO.

GINAMIT ANG MGA INOOBSERBAHANG KAPISTAHAN AT SEREMONYAS NG MGA PAGANO UPANG DUMAMI ANG MGA CONVERTS SA ROMANO KATOLIKO. DAHIL PA RIN DITO AY ANIMO NAG-IMBENTO NG MGA KAPISTAHAN ANG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO UPANG MAIPAGPATULOY LANG NG MGA PAGANONG CONVERTS ANG DATI NA NILANG GINAGAWA TULAD NG “SATURNALIA” NA GINAWANG “CHRISTMAS” NG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO AT GINAWA PANG DAHILAN ANG BIRTHDAY DAW NI HESUS GANOONG HINDI PA TALAGA NAPAPATUNAYAN ANG TUNAY NA ARAW, SUBALIT AYON NAMAN SA MGA MAPAPAGKATIWALAANG MANANALIKSIK AY TUMAPAT DAW SA UNANG LINGGO NG BUWAN NG ABRIL.

ANG MGA NAGISING SA KATOTOHANANG MGA ROMANO KATOLIKO NAMAN NA NAKAPAG-ISIP NA PARA LANG SILANG GINUGUYO, AY NAGTATAG NG MGA SIMPLENG GRUPO KUNG SAAN AY TALAGANG MGA SALITA GALING SA BIBLIYA ANG PINAG-UUSAPAN UPANG MAGAMIT SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY. DAHIL DIYAN NAGSULPUTAN ANG MGA “CHRISTIAN GROUPS” AT IBA’T IBANG LOKAL NA SEKTA NG ROMANO KATOLIKO NA LALO PANG LUMALAGO HABANG NAKIKITAAN NG KAHINAAN ANG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO.

ANG ROMANO KATOLIKO AY NAGKAROON NG “SANTO PAPA” NA ANG PUWESTO AY DATING “BISHOP” LAMANG SUBALIT SA KAGUSTUHAN NG MGA BISHOP NA TAGA-ROMA NA KILALANING PINUNO NG IBA PANG MGA OBISPO DAHIL NASA VATICAN SILA NA TINUTURING NILANG SENTRO NG KATOLISISMONG ROMANO, IPINILIT NILA ANG GANITONG TITULO O “TITLE” HANGGANG BANDANG HULI, ANG PAGPILI AY IDINAAN NA RIN SA BOTOHAN NG IBANG MGA OBISPO – ISANG URI NG PULITIKA SA LOOB NG SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO. SINO NGAYON ANG NAGSASABING WALANG PULITIKA SA SIMBAHANG ROMANO KATOLIKO?

ANG PAGRERESPETO SA LAKAS NG KALIKASAN TULAD NG KAHOY, ILOG, BUNDOK, ETC. AY ISANG “PAYAK” NA URI NG PAGRESPETO SA “LAKAS” NA ANG IBA AY NAGBIBIGAY NG BUHAY TULAD NG TUBIG, AT GINAGAWA NAMAN NG MGA KATUTUBO. ANG MGA “LAKAS” NA ITO AY MGA PAKITA O PRUWEBA O MANIFESTATION NG ISA PANG LAKAS, ANG “PINAKAMAKAPANGYARIHAN” SA LAHAT. IBIG SABIHIN, HINDI MAN KASAPI SA SIMBAHAN O KUNG ANONG GRUPO ANG MGA KATUTUBONG ITO, NANINIWALA PA RIN SILA SA “PINAKAMAKAPANGYARIHANG LAKAS” NA HINDI NILA KAILANGANG TAWAGING “DIYOS” O “DIOS”. SUBALI’T PARA SA IBANG MORALISTA AT RELIHIYOSO, DAHIL HINDI KASAPI ANG MGA KATUTUBO SA ANUMANG SIMBAHAN AY WALA NA SILANG KARAPATAN UPANG “MAKALIGTAS” PAGDATING NG ARAW NG PAGHUKOM NA ISANG KAHANGALAN!...SIGURADO BA SILANG MAKAKALIGTAS GANOONG ANG IBA SA KANILA AY NAMUMULAKLAK ANG BIBIG SA PAGMUMURA KAHIT KALALABAS LANG NG SIMBAHAN, O ENJOY NA ENJOY SA PANINIRA SA NANANAHIMIK PERO KINAIINGGITANG KAPITABAHAY?

SA PAGIGING “CORNY” NG MGA MORALISTA AT MGA RELIHOYOSO KUNO, SA HALIP NA MAKAHIKAYAT O MAKAAKIT SILA NG MGA TAO UPANG SUMAPI SA KANILA, LALO PA NILANG INIINIS ANG MGA TAONG ANG GUSTO LANG AY SIMPLENG PAGHIKAYAT – SA PAMAMAGITAN NG MGA MAKATAONG GAWA AT HINDI NG MGA KAHANGALANG SALITA!


PARA SA AKIN AY WALANG MASAMANG RELIHIYON, ANG NAGPAPASAMA SA KANILA AY ANG MGA BULAG SA KATOTOHANAN AT MGA “CORNY” NA NAMUMUNO AT MGA KASAPI. KAWAWA ANG MGA NADADAMAY NA KASAPING  TALAGANG BUKAL SA KALOOBAN ANG PANANAMPALATAYA. DAPAT MAKINIG SA MGA SINASABI NG BAGONG SANTO PAPA ANG MGA ROMANO KATOLIKO DAHIL ANG GUSTO NIYA AY MABAGO ANG MGA NAKASANAYANG MALING GINAGAWA NG MGA KASAPI.

0

Ang Nahihibang Na Pari

Posted on Thursday, 21 August 2014



Ang Nahihibang Na Pari
ni Apolinario Villalobos

Sa puntod ni Ninoy Aquino, isang pari ay animo nagdasal na sana ay palawigin pa ang termino ni Pnoy. Marami ang nagulat sa sinambit ng pari, pati na ang mga umatend sa misa bilang pag-alala sa kamatayan ni Ninoy Aquino. Iisa ang nasabi nila…nahihibang ang pari!

Unang-una, siya ay pari na dapat ay naninimbang bago magsalita dahil dala niya sa kanyang mga balikat ang responsibilidad na ispiritwal. Pangalawa, mismong mga kasama niya sa simbahang Katoliko, mga Obispo pa ang iba ay nananawagan na walang makialam sa ganitong isyu dahil napakasensitibo. Pangatlo, bulag yata siya sa mga nangyayari sa kanyang paligid na iisa ang panawagan…kung hindi ang impeachment ay paglisan ni Pnoy sa Malakanyang pagkatapos na pagkatapos ng kanyang termino.

Hindi ko na inalam ang pangalan ng pari dahil nang mapanood ko siyang  nagdadasal na sana ay palawigin ang termino ni Pnoy, pinatay ko na ang TV, sumaglit ako sa CR upang sumuka dahil naduwal ako bigla! Hindi rin ako nag-check sa mga diyaryo dahil baka tumaas ang presyon ko at baka makita ko pang nakahambalang ang retrato ng pari, mamatay pa ako sa panggagalaiti!

Ang narinig ko lang sa radyo, chaplain daw ang pari ng PSG sa Malakanyang. Ibig sabihin, kung sa Malakanyang madalas ang pari, ang hanging nalalanghap niya sa loob ng compound, ay pumasok na rin sa kanyang sistema, nasipsip ng kanyang utak, kaya lumabas sa bibig niya kung ano ang nandoon. Hindi nakapagtataka, dahil lahat ng mga nagsasalita na taga-roon ay kwestiyonable na rin ang sinasabi.

Hindi maaaring sabihin ng pari na pansarili niyang pananaw ang kanyang sinabi dahil may responsibilidad siya at alam niya ito mula pa noong unang araw na pagpasok niya sa seminary, at bago pa nga yan, mayroon pang orientation at nakasentro sa mga responsibilidad na ispiritwal ang mga binabahagi. Kung hindi niya kayang pangatawanan ang sinumpaan niyang nakadipa at nakadapa pa sa harap ng altar, dapat maghubad na siya ng sotana at kalabanin ang mga maaayos ang isip na nasa kalye at humihingi ng katarungan. Magdala na lang siya ng placard na nagsasabing pahabain ang termino ng presidente, maraming kaalyado pa ang bibiloib sa  pagsipsip niya!
 
Yong isang dating pari na kaibigan ko, bilib ako. Dahil napagmuni-muni niyang hindi niya kayang balikatin ang mga responsibilidad at kawalan ng kasagutan sa mga katanungan niya tungkol sa mga ginagawa nila, ay umalis na lang at nag-asawa pero patuloy pa rin niyang nirerespeto ang simbahang Katoliko. Maingat din siya sa pagsalita tungkol sa simbahan at Bibliya kahi’t na sabihin pang otoridad na siya, dahil sa bago niyang kinalalagyan bilang isang ordinaryong mamamayan na lang at hindi na naka-sotana. Saludo ako sa kanya, lalo na’t kung mag-post siya sa facebook ay mga nakakatuwa at mga bagay na may pagka-ispiritwal pero para sa pangkalahatan, walang kinikilingang relihiyon o sekta. Ganyan dapat.


Kung ang mga Pilipino ay gutom dahil inagawan ng pagkain ng mga ganid na pulitiko at mga opisyal sa gobyerno, paano na ang kagutuman nilang ispiritwal na dapat ay maibsan man lamang ng mga salita ng Diyos, kung may iba pang pari na tulad ng hibang na nagsalita sa puntod ni Ninoy, na naglilipana sa bansa?

Mag-ingat sa mga ganitong klaseng mga paring mapagkunwari!