Ang "Love Offering" sa Misa ng Romano Katoliko
Posted on Wednesday, 8 February 2017
Ang “Love Offering” sa Misa ng Romano
Katoliko
(with translation)
By Apolinario Villalobos
May mga parish priest na hindi alam kung
anong mga barangay o subdivisions ang sakop nila. Ang tawag nila sa mga Multi-purpose
Hall na pinagdadausan nila ng misa ay
“chapel” upang makontrol nila. Pinalagyan ng santo ang Multi-purpose Hall,
patron daw, kaya dapat tawagin na itong “chapel”…ibig bang sabihin ba ay
“chapel” din ang bahay na may malaking rebulto ng santo? Iyan ang kabulastugan
na animo ay pangangamkam ng mga ungas na paring ito sa mga Multi-purpose Hall
na pinaghirapang itayo ng mga homeowners!
Ang masama pa, pagkatapos mag-misa sa mga
Multi-purpose Halls, wala man lang iniiwang pera para sa pondo ng asosasyon na
mgagamit sa maintenance. Lahat ng perang ibinigay ng mga dumalo sa misa ay
tinatawag na “love offering”, ganoong “quota” naman talaga. Kapag mahina ang
koleksiyon, nagpaparinig sila na hindi maka-Diyos ang mga dumadalo sa misa!
May kaibigan akong pari na umaming ang
maliit niyang electric car ay hinuhulug-hulugan niya ng perang galing sa “love
offering”. Walang masama diyan, basta huwag lang maging ipokrito kaya dapat
nilang aminin na sila ay taong may mga pangangailangan…. kaya kailangan nila ng
pera. Huwag na nilang sabihing ang pera ay “offering” ng mga tao na nagla-“love”
sa Diyos! KUNG TAPAT SILA AT HINDI SINUNGALING, ITO ANG AMININ NILA SA MISA SA
HALIP NA MAGBASA NG PASTORAL LETTER TUNGKOL SA MGA PATAYANG BINIBINTANG KAY
DUTERTE ….BIBILIB PA SA KANILA ANG MGA TAGA-SUNOD NILA!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
There are parish priests who do not even
know the barangays and subdivisions that are within their “territory”. They
call the Multi-purpose Halls where they hold Mass as “chapel” with the ulterior
motive of controlling them. They require the local parishioners to display a
statue of their patron in the Multi-purpose Hall to qualify it as a chapel…does it mean that homes
with big statues of saints should also be called “chapels”? That is how
deceitful some of these priests are in their effort to snatch the Multi-purpose
Halls from the homeowners who painstakingly built them!
Worse, after the Mass, the priests do not
even leave any amount for the fund of the homeowners to be used for future
repairs. All of the money shelled out by those who attended the Mass, they call
“love offering” which in reality, is “quota”. If the collection is meager, the
priest chides the attendees as not faithful enough.
I have a priest-friend who admitted that
the money he uses for the monthly installment of his small electric car is from
the “love offering”. Nothing is wrong with that, for as long as priests should
do away with hypocrisy and admit that as human beings they also have needs…hence,
they need money. They should stop insisting that the “offering” is from those
who “love” God! IF THEY ARE HONEST AND NOT LIARS, THEY SHOULD BOLDLY ADMIT THAT
DURING THE MASS INSTEAD OF READING THE PASTORAL LETTER ABOUT THE KILLINGS BEING
ATTRIBUTED TO DUTERTE….AND, THEIR FOLLOWERS WILL SURELY ADMIRE THEM!
Discussion