Kahangalan ang Paglagay ng Sticker o Seal sa mga Bahay na Walang Adik o Drug Pusher
Posted on Wednesday, 15 February 2017
KAHANGALAN ANG PAGLAGAY NG STICKER O SEAL
SA MGA BAHAY NA WALANG ADIK O DRUG PUSHER
Ni Apolinario Villalobos
ISANG KAHANGALAN ANG GUSTONG MANGYARI NG
DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) NA LAGYAN NG SELYO O SEAL
ANG MGA BAHAY NA ANG MGA NAKATIRA AY WALANG KINALAMAN O HINDI SANGKOT SA DROGA.
AT, ANG PINAKAMATINDI AY ANG PAGBIGAY NG UTOS SA MGA BARANGAY.
MGA PANANAW KO KUNG BAKIT HINDI ITO
EPEKTIBO:
·
MISMONG MGA OPISYAL NG ILANG
BARANGAY O MGA VOLUNTEER NILA ANG SANGKOT SA DROGA.
·
NAILILIPAT ANG MGA STICKER
DAHIL NAKADIKIT LANG.
·
PWEDENG LUMIPAT ANG MGA ADDICT
AT PUSHER SA MGA BAHAY NA MAY STICKER.
HIGIT SA LAHAT, PAGKIKITAAN LANG NG MGA
TIWALING LOCAL OFFICIALS ANG PAGPAPAGAWA NG MGA STICKER. MALAKING HALAGA ANG
KIKITAIN DAHIL SA DAMI NG MGA BAHAY NA PWEDENG LAGYAN, LALO NA SA MGA SQUATTERS
AREAS….MILYON-MILYON!
HUWAG MAGING BULAG ANG NAGMAMAGALING NA
KALIHIM NG DILG DAHIL LANG ITINIGIL ANG “OPERATION TOKHANG”. MARAMING DAPAT
GAWIN ANG DILG KUNG MAKIKIPAG-COORDINATE LANG ITO NG MAAYOS SA IBA PANG
AHENSIYA TULAD NG DOH, DSW, AT DPWH, TULAD NG:
·
CONSISTENT NA PAGLINIS AT
PAGTANGGAL NG KUMAPAL NA PUTIK SA MGA DRAINAGE
·
PAGTAPAL NG MGA LUBAK SA MGA
KALYE NG MGA BARANGAY.
·
PAGPAPAAYOS NG MGA STREET
SIGNS/NAMES NA KARAMIHAN AY SINIRA NG MGA KABATAANG WALANG MAGAWA.
·
PAGPAPABAWAL SA PAGGAMIT NG
PRESERVATIVES SA MGA GULAY AT ISDA NA BINEBENTA SA MGA PALENGKE.
·
PAGPAPATUPAD NG CURFEW PARA SA
MGA KABATAAN.
·
PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMANG
PAGKIKITAAN SA MGA DEPRESSED AREAS.
·
PAG-CHECK NG MGA PALPAK NA
REPAIR SA MGA PROVINCIAL HIGHWAYS NA HALATANG PINAGKITAAN.
KUNG TUTUUSIN, DILG ANG MAY MAGANDANG MGA
OPORTUNIDAD UPANG MAKATULONG SA MGA TAO NANG DIRETSAHAN, HINDI TULAD NG IBANG
AHENSIYA NA LIMITADO SA ILANG SEKTOR AT PROGRAMA.
ANG DILG DAPAT ANG ITURING AN “UMBRELLA
AGENCY” NG LAHAT NG AGENCY DAHIL LAHAT NG MGA PANGYAYARI SA BUHAY NG MGA
PILIPINO AY NAGSISIMULA SA LOOB NG KOMUNIDAD NA GINAGALAWAN NIYA, MULA SA
KALUSUGAN, DROGA, HUSTISYA, EDUKASYON, AT MARAMI PANG IBA.
Discussion