Mindanao
Posted on Saturday, 4 February 2017
Mindanao
By Apolinario B Villalobos
Itinuring na lupang ipinangako -
Ng mga Pilipinong dito ay napadako
Mga naglakas-loob na makipagsapalaran
Hindi inalintana panganib na madadatnan.
Maraming kuwento ang aking nalaman -
May mga kulay ng lungkot at kaligayahan
Nguni’t lahat ay puno ng hangarin, ng
pag-asa
Sa lupang ipinangako’t magigisnang bagong
umaga.
May mga Pangasinense, Kapampangan, Ilocano
Mayroong Bicolano, Bulakeño, Caviteño,
Batangueño
Mga taga-Luzon silang dala ay lakas ng
loob, kasipagan
Hindi ininda ang init sa pagbungkal ng tigang na kabukiran.
Mayroon ding galing sa Antique, Negros,
isla ng Cebu
Sumunod ang mga taga-Leyte, Antique,
Guimaras at Iloilo
Ano pa nga ba’t sa malawak, mayaman at
luntiang Mindanao
Magkaiba man ang mga salita, pagkakaisa ay
pilit nangingibabaw.
Hitik sa kwentong makulay ang buong isla ng
Mindanao
Unang tumira’y mga kapatid nating sa
relihiyon, iba ang pananaw
Silang mga
taal na katutubo, makukulay, matatapang at mahinahon
Tanging hangad ay mabuhay ng matiwasay, tahimik,
sa lahat ng panahon.
Ang mga
Kristiyano, Muslim, Lumad – lahat sila ay nagkakaisa
Nagtutulungan, nagbibigayan, mga paniwala
man nila ay magkaiba
Nguni’t dahil sa makasariling hangad ng
ilang gahaman sa kapangyarihan
Animo kristal na nabasag, iningatang
magandang samahan at katahimikan.
Nguni’t tayo ay Pilipino, iba tayo –
lumalaban na may masidhing pag-asa
Sa harap ng masalimuot na mga problema,
matatatag na kalasag ay nakaamba
Ito’y ang masidhing paniniwala sa Maykapal,
malalim at marubdob na kapatiran
Ugaling nagbuklod sa mga taga-Mindanao,
magkaiba man ang pananaw at kaugalian.
Ating isigaw-
Mabuhay ang Mindanaw!
Mabuhay ang Pilipinas!
Discussion