Ang Mga Sakim
Posted on Wednesday, 22 February 2017
ANG MGA SAKIM
Ni Apolinario Villalobos
Ang mangarap ay bahagi na ng ating buhay
Subali’t upang makamit ang nais, dapat
maghinay-hinay
Baka may masagasaang ibang karapatan
Dahil sa sobrang kasakiman.
Upang mabuhay kailangan nating magsikap
Nang hindi nang-aapak ng iba, maabot lang
ang pangarap
Maaari din namang pairalin ang katapatan
Na may dagdag pang kasipagan.
May mga tao nga lang na sa panahon ngayon
Na ang gusto yata ay halos ga-bundok ang
perang maipon
Kaya’t lahat ng paraan ay kanilang gagawin
Masunod lang, sakim na damdamin.
May mga nakakuha ng tiwala ng taong-bayan
Kaya naluklok sila sa iba’t ibang ahensiya
ng pamahalaan
May mga naluklok dahil sa ginawang botohan
At may naitalaga dahil sa palakasan.
Ang ibang sakim, gumamit ng kanilang yaman
Pangangamkam naman ang kanilang pinagdidiskitahan
Dating mga pataniman, kanilang pinaghuhukay
Nilason pa kaya nangawalan ng saysay.
Notes:
Sakim- greedy
Kasakiman-greed
Maghinay-hinay – slowly, carefully
Naluklok – placed in position
Naitalaga- appointed
Pangangamkam- grabbing
Saysay- use, usefulness
Discussion