0

Ang Mga Akala na Pwedeng Mali Pala....

Posted on Wednesday, 8 February 2017

ANG MGA AKALA NA PWEDENG MALI PALA…
Ni Apolinario Villalobos

Dahil palaging nagsisimba ang isang tao, mabait siya sa kapwa.

Dahil palaging may hawak na Bibliya ang isang tao, malawak na ang kaalaman niya dito.

Dahil may Bibliyang naka-display sa bahay, ito ay binabasa.

Dahil may Encyclopedia na naka-display sa bahay, ito ay binabasa.

Dahil pari o Obispo, hindi na masisilaw sa salapi o tahimik na maniac.

Dahil nagtapos sa unibersidad ang isang tao, matalino na siya.

Dahil nagmumura ang isang tao kapag galit, siya ay masama na.

Dahil naka-shorts at t-shirt lang ang isang tao, siya ay naghihikahos na.

Dahil maganda ang isang babae, siya ay walang anghit o bad breath.

Dahil guwapo ang isang lalaki, siya ay walang eczema o anghit.

Dahil magandang tingnan ang pagkaayos ng pagkain, ito ay masarap na.

Dahil mahal ang isang pagkain, ito ay masustansiya na.

Dahil malinis sa paningin ang gulay, ito ay ligtas nang kainin.

Dahil hindi namumula ang mata ng isda, ito ay sariwa.

Dahil nakatira sa ibang bansa ang isa tao, siya ay mayaman na.

Dahil matangkad ang isang tao, magaling na siyang mag-basketball.

Dahil maganda ang balat ng prutas, wala na itong uod.

Dahil kaibigan ang isang tao, siya ay mapagkakatiwalaan na.

Dahil doctor, hindi na magkakasakit

Dahil dentista, walang sirang ngipin.

Dahil pulis, matapang na.

Dahil pangit, masama ang ugali.

Dahil walang makapal na ulap, hindi na uulan.

Dahil kumikinang at kulay dilaw, ginto na.

Dahil mayaman, galante na.


Dahil may tag ng kilalang brand, original na.

Discussion

Leave a response