Ang Napariwarang Yamang Likas ng Pilipinas
Posted on Thursday, 23 February 2017
Ang
Napapariwarang Yamang Likas
Ng
Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos
Ang mga Pilipino ay matatalino
At sa likas na yaman ay sagana tayo
Mga karagatan natin ay umaapaw sa laman –
Isda, kabebe, perlas, at iba’t ibang
gulaman.
Mga gubat, tahanan ng mga ibon
Pati ng mga hayop, alaga ng panahon
Mga punong namumutiktik ng mga prutas –
At sa mga sakit ay nakakapagbigay ng lunas.
Mga ilog, sapa, lawa, pati baybayin
Mga palanas, burol, at luntiang bukirin
Ang dulot nila sa mga talagang masigasig -
Masaganang buhay na pawis ang nagdilig.
Noon yan….
Dahil ngayo’y sadyang nakakalungkot
Mga pangyayari na napakamasalimuot
Mga biyayang likas na bigay ng Maykapal
Napariwarang lahat….mistulang ginahasa
Na animo ay babae na nawalan ng dangal!
Discussion