Ang "Kahalagahan" ni Napoles bilang Ugat ng Pork Barrrel Scandal
Posted on Wednesday, 15 February 2017
ANG “KAHALAGAHAN” NI NAPOLES
BILANG UGAT NG PORK BARREL SCANDAL
Ni Apolinario Villalobos
UNETHICAL ANG GINAWA NI SOLICITOR GENERAL
NA PAGSALITA TUNGKOL SA KASO NI NAPOLES DAHIL SINABI NITONG ABSUWELTO SI
NAPOLES SA KASONG ILLEGAL DETENTION KAY LUY, PARA NA RIN NIYANG SINABI NA
WALANG KASALANAN SI NAPOLES. SA ISANG BANDA, MAAARING MAY MABIGAT NA DAHILAN.
ANG ILLEGAL DETENTION CASE AY PWEDENG PATIKIM LAMANG SA IBA PANG FAVORS NA
PWEDENG IBIGAY KAY NAPOLES BASTA “IKANTA” NIYA ANG MGA “KLIYENTE” NIYANG MGA SENADOR
AT KONGRESISTA, AT IBA PANG MGA OPISYAL NG MGA NAKARAANG ADMINISTRASYON.
PWEDENG GAMITIN SI NAPOLES NA STATE WITNESS
DAHIL SIYA LANG ANG MAY KARAPATANG MAGTUTURO KUNG SINO SA MGA SENADOR AT MGA
CONGRESSMAN, AT IBA PANG OPISYAL, NA
NAKIPAGKUTSABA O NAKIPAG-CONNIVE SA KANYA TUNGKOL SA PORK BARREL ANOMALIES. YAN
ANG PINAKAMABISANG PARAAN UPANG MAKASUHAN ANG MGA TIWALI SA GOBYERNO DAHIL ANG
MGA INFORMATION NA MAKUKUHA KAY NAPOLES AY MAITUTURING NA “FIRST HAND”….ANG
MULA KAY LUY AY “SECOND HAND” LANG.
KUNG IDADAAN SA MATHEMATICS, SIMPLE LANG
NAMAN ANG IPAPAKITA: ISANG NAPOLES NA ANG KATUMBAS AY NAPAKARAMING MGA SENADOR
AT KONGRESISTA, AT KUNG SUWERTIHIN PA AY MGA NAGING KALIHIM O MGA OPISYAL NG
MGA AHENSIYA.
HINDI NA ISYU ANG PERANG NAWALDAS DAHIL
GINAMIT NA NG MGA SENADOR AT KONGRESISTA….WALA NA….LUSAW NA! PERO ANG NANDIYAN
PA AY ANG MGA TAONG SANGKOT NA DAPAT MAPANAGOT….AT, ANG IBA AY NAKAUPO PA SA
MGA BULWAGAN NG MGA MAMBABATAS AT NAGMAMALINIS.
ANG TAWAG KO SA MOVE NA YAN NG GOBYERNO AY
ANG “PAG-UGAT”, O PAGDUKAL, O PAGHUKAY UPANG MATANGGAL ANG UGAT NG ISANG KASO.
KAILANGANG TUMBUKIN ANG UGAT NA SI NAPOLES.
KUNG MATALINO ANG MGA ABOGADO NG GOBYERNO,
LALO NA ANG SOLICITOR GENERAL, MADYIKIN NILA O GAWAN NG PARAAN KUNG PAANONG
MAIPAKITA NA “GINAMIT” LANG SI NAPOLES O “PINILIT” NG MGA TIWALING MGA SENADOR AT KONGRESISTA UPANG
MAGLABAS NG PERANG PAMBILI NG PROJECT FUNDS. PALABASIN NILANG LEAST GUILTY SI
NAPOLES UPANG MA-QUALIFY BILANG STATE WITNESS.
Discussion