Ang Mga Dilaw at Disintunado (Out of Tune) na Mga Opisyal ng Pilipinas
Posted on Friday, 24 February 2017
Ang Mga Dilaw at Disintunado (Out of Tune)
Na Mga Opisyal ng Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos
De Lima
Hindi siya political prisoner. Siya ay
pulitikong may mga kaso kaya na-preso….droga at pakikiapid! Dapat nga ay
na-disbar siya dahil sa immorality, subalit walang ginawa ang senado at mga
grupo ng mga abogado kahit nabahiran ng putik ang kanilang image. Sa mailing
salita, inaakusahan si de Lima na drug cuddler at immoral hindi bilang pulitiko
na may magagandang layunin para sa bayan. Mahiya siya sa pagsabing political
prisoner siya!
Wala siyang karapatang purihin ang sarili
niya. Kung nakatingin siya sa salamin
habang ginagawa ito, siguradong sasabog ang salamin dahil hindi ma-take ang mga sinasabi niya.
Karangalan daw niya ang makulong….fine! Gawing habang buhay ang karangalang
ito! Bigyan
siya ng certificate, plaque, at trophy para
mahimas-himas habang pinupuri ang sarili niya sa ob-lo (inside) ng kulungan.
Robredo
Wala sa tono si Robredo sa pagbanat kay
Duterte tungkol sa mga issue ng kahirapan at extra-judicial killings. Kung puro
siya salita at hindi tutulong bilang vice-president dahil pinagkatiwalaan ng
mga botante, talagang mahihirapan si Duterte. Kung hindi kayang gawin ni
Robredo ang trabaho niya, mag-resign na siya.
Bilang vice-president, dapat ay tumutulong
siya sa presidente at ang mga pagbatikos ay dapat niyang hayaan sa mga senador
at mga kongresman at iba pang opisyal na may kinalaman sa droga. Dapat ay
asikasuhin niya ang pagpapatapos sa mga housing projects para sa mga biktima ng
Yolanda at pagpapaayos sa mga resettlement areas na malapit sa Manila, na
inirereklamong kulang ng facilities dahil pinagkitaan lang….yan ang dapat
niyang gawin bilang housing czarina.
Trillanes
Halata pa rin ang sama ng loob ni Trillanes
dahil hindi siya napiling ka-tandem bilang vice-president ni Duterte noong
eleksiyon. Ang nararamdaman niya ay parang “fatal attraction” dahil sa matindi
niyang kagustuhang masira si Duterte na hindi niya nagamit o napakinabangan
para sa kanyang ambisyon. Ganyan ang taong naka-develop ng fatal attraction sa
babae o lalaki….papatayin niya kung hindi siya magustuhan kaya hindi niya
makukuha, kaya dapat lang mamatay kaysa makuha ng iba!
May mga panukala na kayang nagawa si
Trillanes? Baka killing time na lang ang ginagawa niya dahil palalayasin na
siya sa Senado pagkatapos ng kanyang termino. Kung meron man siyang mga
nagawang mga panukala mula pa noon, sana ay i-publish niya maski sa facebook
man lang.
Discussion