Unawain sina Trillanes at de Lima
Posted on Wednesday, 22 February 2017
Unawain Sina Trillanes at de Lima
Ni Apolinario Villalobos
Hindi ako kaalyado ng dalawa. Naaawa lang
ako sa kanila dahil sa sunud-sunod na kamalasang nangyayari sa kanilang buhay.
Si Trillanes ay mawawalan ng trabaho dalawang taon mula ngayon dahil hindi na
siya senador. Si de Lima ay sukol na sukol o sa Ingles ay “cornered” kaya ang
mga litrato niyang kumakalat sa social media ay talagang mabalasik, ganyan din
ang asong nasusukol. Unawain na lang sila…
Pero hindi dapat isama sa pag-unawa ang
pagpapatawad. Para rin yang pagtanggap sa apology ng isang criminal pero hindi
nangangahulugang siya ay pinatawad na sa krimeng ginawa niya. Kung ayaw pa rin
nilang tumigil sa pagbatikos kay Duterte dahil mamamatay-tao daw ito, ang
tanong ay- ano bang uri ng mga tao ang
pinapatay?....di ba mga sangkot sa droga?...ang mga ganitong uri yata ng mga
tao ang ayaw nina Trillanes at de Lima na mawala sa mundo, kahit sila ay mga
salot sa lipunan! Unawain pa rin sila dahil ang ugali, mabuti man o masama kung
talagang “tumigas” na ay mahirap palambutin…by the way, hindi ko sinasabing
sila ay mabuti.
Karapatan nilang bumatikos ng kahit sinong
tao. Karapatan nila yan bilang botanteng mamamayan ng Pilipinas. Kahit sino ay
may karapatan ding gumawa ng masama, huwag lang pahuhuli. Kung ang isang tao na
walang konsiyensiya ay nakikipag-ugnayan sa mga drug lords sa Bilibid, upang
yumaman, hanggang sa nagkaroon ng kulukadidang (kabit) na nagtanim ng gulay
upang may makain sa pinagtaguan…karapatan niya yan. Kung may taong mahilig
gumamit ng ibang tao para palabasing “witness”, pero bandang huli ay
napapahamak lang, karapatan din yan ng taong mayabang. Unawain ang dalawa dahil
sila ay nilalang din ng Maykapal kaya may karapatan silang mabuhay, kahit pa
sabihing wala silang pakialam sa buhay ng ibang sinira nila o gusto pa nilang
sirain. By the way, hindi ko sinasabing may kabit si de Lima o mayabang si
Trillaners….wala akong binabanggit na pangalan.
Malaking indulgence ang makukuha ng isang
taong maunawain. Ang katumbas yata ng indulgence ay bigat ng taong
inuunawa….kung malaki ang kasalanan o katarantaduhang ginawa ng inuunawa, mas
malaki rin ang katumbas na indulgence….kaya ang uunawa sa dalawa ay sigurado
nang may malaking indulgence na “kikitain”.
Discussion