0

Ang Pagmumura at Blasphemy

Posted on Thursday, 15 September 2016

ANG PAGMUMURA AT BLASPHEMY
Ni Apolinario Villalobos


Ang pagmumura tulad ng “putang ina”, “gi-atay”, “belatibay”, “yodiputa”,  “okenayo”, “okenanam”, “Shit”, etc. ay tumutukoy sa tao. Samantalang ang, “Oh, my God”, “Hesusmaryahusep”, “Jesus”, “Jesus Christ”, etc. ay pagbabanggit ng yon na….Diyos, at mga kapamilya niya. Malinaw sa Bibliya na hindi dapat binabanggit ang pangalan ng Diyos sa mga walang katurya-turyang bagay o basta-basta na lang, dahil ito ay itinuturing na blasphemy.

Kailangan bang banggitin ang pangalan ng Diyos kung ang isang tao ay nakakita ng babaeng baliw na naglalakad sa kalye ng hubad?...o kung nakakita ng sinasabing video ni de Lima na ang sabi ay hindi naman totoo kuno?

Kailangan bang banggitin ang “hesusmaryosep” na ang ibig sabihin ay “Jesus, Maria, y Joseph” kung nakita ng isang lola ang apo niya na tumae sa sala ng bahay?...o kung biglang kumulog o kumidlat, na sinasabayan pa ng sign of the cross?

Kailangan bang banggitin ng isang tao ang “Oh, my God” dahil nakatikim lang napakasarap na pagkain? ….at may dugtong pang “this is heaven”?

Akala ng iba, dahil hindi sila nakapagmura kahit isang beses man lang, malinis na ang pagkatao nila kung ikumpara sa mga taong nagmumura. Ang iba pang hangag na nagpapakasanto ay nagsa-sign of the cross pa kapag nakarinig ng pagmumura ng isang tao. Hindi ko ini-encourage ang pagmumura subalit dapat unawain ang mga taong nagmumura na wala namang tinutukoy na ibang tao, at ang tanging hangad ay mapaluwag lang ang naninikip na dibdib dahil sa inis at galit. Hindi kasi nila kayang magkunwari tulad ng iba na hindi nga narinig na nagmura, ang utak at puso ay halos umalagwa naman sa mga galit subalit ayaw lang nilang ilabas dahil nakakahiya daw at masabi pa ng iba na hindi sila “cultured” o “refined”….pweehhh! Para sa akin, kung ayaw nilang magmura, huwag nilang bigyan ng dahilan ang iba upang magmura!



Discussion

Leave a response