Mga Blessings in Disguise na Nangyayari sa Pilipinas Ngayon
Posted on Thursday, 22 September 2016
MGA “BLESSINGS IN DISGUISE” NA NANGYAYARI
SA PILIPINAS NGAYON
Ni Apolinario Villalobos
- Hindi nanalo bilang bise-presidente si Cayetano, kaya balik siya sa Senado upang ipagtanggol si Duterte. Kung wala siya sa Senado, baka noon pa na-convict ni de Lima ang bagong presidente.
- Hindi tinanggap ni Pacquiao ang imbitasyon noon ng Liberal Party. Mabuti na lang, dahil baka nahawa siya ng “political virus”.
- Nanalo si Pacquiao bilang senador. Siguro, dahil siya ang pinaka-neophyte na senador, sa kanya naitalaga ng mga kaalyado ang panawagan o paggawa ng motion na buwagin ang Justice and Human Rights Committee na pinangungunahan ni de Lima. Sa paningin kasi ng karamihan, siya lang ang bukod-tanging wala pang bahid ng kulay-pulitika. Dahil sa kanyang motion, na-knock out si de Lima!
- Inilabas ni de Lima si Matobato bilang witness daw laban sa “extrajudicial killings” na ang pasimuno ay si Duterte…kaya ang batong ipinukpok niya sa kanyang ulo ay nasundan ng knock-out jab ni Pacquiao. Kung hindi dahil kay Matobato ay hindi nadiin at napatunayan na meron ngang mga “fairy tales” na kuwento laban kay Duterte.
- Si de Lima ay naitalaga bilang chairperson ng senate Committee on Justice and Human Rights kaya bago napalitan ni Gordon ay nakita ng taong-bayan ang tunay niyang kulay mula sa kanyang mga colorful adventures at long-ranged plan na pagtakbo bilang senador noon pa palang 2013. Kaya pala, ang moro-morong imbestigasyon na ginawa ng DOJ sa ilalim niya tungkol sa operasyon ng droga sa Bilibid ay bigla niyang binitiwan at muntik nang makalimutan kung hindi nanalo si Duterte.
- May maingay na namumuno sa simbahang Katoliko kaya lalo lang nakita ng mga naguguluhang kapanalig kung anong uring pinuno meron sila, na nagtulak upang lumipat sila sa mga nagsulputang New Christian Groups na ayon sa kanila ay mas kapani-paniwala bilang taga-pamahagi ng mga Salita ng Diyos. Kung ang namumuno ng isang grupo ay parang kabayong humihila sa karetela, na diretso lang ang tingin, paano siyang magiging kapani-paniwala kung hindi niya nakikita ang buong paligid?
- May makulit na reporter nagtanong kay Duterte tungkol sa “extra judicial killings”, bago siya lumipad patungong Laos upang dumalo ng ASEAN conference kaya nagkaroon ng dahilang ilabas ni Duterte ang mga saloobin niya tungkol sa patuloy na pakikialam ng Amerika sa Pilipinas.
Dahil sa mga nabanggit, naniniwala akong
may dahilan ang lahat ng mga pangyayari sa mundo.
Discussion