Dapat Tanggalin ang Sangguniang Kabataan at Bawasan ang mga Barangay Kagawad
Posted on Saturday, 3 September 2016
DAPAT TANGGALIN ANG SANGGUNIANG KABATAAN
AT BAWASAN ANG MGA BARANGAY KAGAWAD
Ni Apolinario Villalobos
HINDI DAPAT MANGGALAITI SA INIS ANG MGA
GRUPO AT TAONG DISMAYADO DAHIL SA BALITANG HINDI MATUTULOY ANG ELEKSIYON PARA
SA MGA BARANGAY OPISYAL. ALAM NAMAN NILANG MAKAKAAPEKTA ANG ELEKSIYON SA
MOMENTUM NG MGA HAKBANG NA GINAGAWA NG GOBYERNO LABAN SA DROGA. ANG PINAPAKITA
NILA AY PARANG PAGPAPAHIWATIG TULOY NG KAWALAN NILA NG SUPORTA SA PAGSUGPO SA
SALOT NA DULOT NITO.
KUNG MAY PROBLEMA SA MGA OPISYAL NG BARANGAY
NA PALPAK ANG PERFORMANCE, PWEDE NAMAN NILANG IREKLAMO SA SANDIGANBAYAN. ALAM
NAMAN SIGURO NG DILG KUNG ANO ANG GAGAWIN SAKALING MAUBOS ANG MGA OPISYAL NG
MGA BARANGAY NA NAGSASABWATAN SA PAGGAWA NG KATIWALIAN.
SA GANANG AKIN, KUNG MATULOY ANG ELEKSIYON,
SANA AY HUWAG NANG ISAMA ANG SANGGUNIANG KABATAAN (SK) DAHIL HINDI NAMAN ITO EPEKTIBO. ANG MGA
NABOBOTO, KALIMITAN AY ESTUDYANTE KAYA HINDI SULIT ANG SUWELDO SA KANILA DAHIL
KAHIT WEEKEND AY HINDI NAGRI-REPORT PARA MAG-TRABAHO, KAHIT MAGWALIS SA PALIGID
NG BARANGAY HALL MAN LANG. ANG IBA NAMAN AY MGA ANAK O KAPATID O KAMAG-ANAK NG
MGA NAKAUPO SA BARANGAY. ANG MGA PROJECT NA GINAGAWA NILA AY KAYA NAMANG GAWIN
NG KAHIT SINONG KAGAWAD, DAHIL ANG MGA ITO AY TUNGKOL LANG NAMAN SA PIYESTA AY
SA PALIGA NG BASKETBALL.
HINDI DAPAT IDAHILAN ANG “PAGSASANAY”
BILANG PAGHANDA SA MAS NAKATATAAS NA PUWESTO KAPAG SILA AY UMABOT NA SA TAMANG
GULANG. BINIBIGYAN TULOY NG MASAMANG KAHULUGAN ITONG LAYUNIN, DAHIL AYON SA IBA, BATA PA LANG AY SINASANAY NA
SILANG MAGING KORAP. HINDI KO NILALAHAT ANG MGA BARANGAY DITO DAHIL MAY MGA
BARANGAY NA ANG MGA OPISYAL AY MATITINO AT MASIGASIG.
KUNG PAKIKIPAG-UGNAYAN DIN LANG SA MGA
KAPWA NILA KABATAAN ANG PINAPAGAWA SA SK, ITO AY PWEDE NAMANG I-ASSIGN SA ISANG
KAGAWAD DAHIL NOON PA MANG WALA PANG SK, DATI NANG GINAGAWA ITO NG ISANG
KAGAWAD. NAGKAROON LANG NG GANITO SIMULA NOONG PANAHON NI MARCOS UPANG ANG ANAK
NIYANG SI IMEE AY MAGKAROON DIN NG BAHAGI SA GOBYERNO.
KAPAG TINANGGAL ANG SK, ANG BUDGET NA
NAKALAAN DITO AY MAGAGAMIT NG BARANGAY SA MAS MAKABULUHANG PROYEKTO. AT, LALONG MADADAGDAGAN ANG BUDGET NG
MALILIIT NA BARANGAY KUNG BAWASAN DIN ANG MGA BARANGAY KAGAWAD.
Discussion