Edgar Matobato....witness ng desperadong tao
Posted on Friday, 16 September 2016
EDGAR MATOBATO…WITNESS NG DESPERADONG TAO
Ni Apolinario Villalobos
Historical ang mga sinabi ni Matobato sa
Senado, nangyari noong mayor pa lang si Duterte ng Davao. Ang mga pangyayari ay
noong panahong DOJ secretary din si de Lima, kaya ibig sabihin ay nagpagpabaya
si de Lima dahil noon pa man ay dapat na niyang inilabas ang witness…pero hindi
niya ginawa. Kung ginawa ni de Lima ang trabaho niya noon bilang DOJ secretary,
at SAKALING totoo ang sinasabi ng witness, eh, di sana hindi naging presidente
si Duterte…na magpapasaya sa Liberal Party. Tuloy din sana ang masayang bentahan
ng droga dahil walang mapapatay na drug pushers na siyang gusto yata ng mga
maka-Diyos, kahit pa marami na ang nabubulid sa bisyong ito….buong Pilipinas
pa, dahil maraming magulang, pati mga propesyonal, at mga opisyal sa gobyerno
ang nabulid na sa bisyong ito….at ang nakakapanghilakbot ay maski mismo sa loob
ng National Bilibid Prison ay may mga transaksyon!
Ang pinag-uusapan sa Senado ngayon ay
extra-judicial killings ngayong presidente na si Duterte, hindi ang mga
pangyayari noong siya ay mayor pa lang. Dahil diyan, lumalabas na out-of-tune
si Matobato….kawawa naman dahil ginamit lang para sa kapakanan ng iilan,
samantalang hindi nila inalintana ang dami ng mga kabataang magbubulid sa salot
na dulot ng droga…at sa buong bansa! Dapat sa Commission on Human Rights dinala
ni de Lima si Matobato….hindi sa Senado. Nasabugan tuloy uli si de Lima sa
mukha ng sarili niyang bomba!
Ngayong may kaso si de Lima tungkol sa drug
transactions sa loob ng Bilibid at kung kaylan umiinit dahil lahat ng mga
ebidensiya ay nagtuturo sa kanya, ay saka inilabas ang witness na si Matobato,
kaya malinaw ang layuning sapawan ang kaso sa Bilibid drugs na nagsasangkot sa
kanya (de Lima)….na ang tinutumbok ay ang paggamit daw ng perang galing sa
Bilibid para sa kampanya niya noong nakaraang eleksiyon.
Ang maging desperado nga naman!
Discussion