0

Kuwentong Abogado

Posted on Tuesday, 6 September 2016

KUWENTONG ABOGADO
Ni Apolinario Villalobos

Sa isang bayan, may isang abogadong magaling na ang gustong hawakang ay mga kaso ng mayayamang kontrobersiyal, kahit pa obvious na guilty. Malaki ang bayad dahil mahirap daw ipagtanggol. Palaging panalo dahil sa sobrang talino ay maraming nasisilip na butas sa mga batas na tinatapatan ng mga “technicalities. Lalo pang “in the bag” na ang panalo ang kaso kapag nakuhang  maambunan ang mga piskal na tiwali….ang mga tinatawag na “hoodlums in robe”.

Sa dami ng mga kasong idinaan sa teknikal palaging nadi-delay ang karamihan sa mga hearing, kaya tuloy-tuloy ang pag-ambon ng kanyang attorney’s fee. Lahat ng mga anak ay napatapos niya dahil sa kanyang “kagalingan”. Ang bunsong anak ay pinilit niyang maging abogado…na nakatapos at nakapasa naman sa bar. Tamang-tama lang ang kanyang pag-retire dahil sinalo ng anak ang pinakahuling kasong hawak niya na may kinalaman sa droga.

Kaso ng big time na drug lord ang hawak ng magaling na abogadong sinalo ng anak. Halos umabot na sa kung ilang milyong piso ang kinikita ng ama noong siya ang may hawak nito. Nang hawakan ng anak ang kaso, pagkatapos lang dalawang hearing ay tinuldukan na ang kaso….panalo ang drug lord! Nagalit ang ama. Bakit daw pinanalo AGAD ang kaso kaya, ayon, tigil na rin ang dapat sana ay lingguhang professional/consultancy fee!

Ang leksyon: huwag ipanalo agad ang kaso, upang tuloy-tuloy ang dating ng datung, lalo na kung big time ang kliyente tulad ng drug lord na kayang magbayad ng milyones!



Discussion

Leave a response