Ang Sobrang Sexual Attraction ay Nakamamatay o Nakawawala ng Katinuan ng Pag-iisip
Posted on Wednesday, 28 September 2016
ANG SOBRANG SEXUAL ATTRACTION AY
NAKAMAMATAY
O NAKAWAWALA NG KATINUAN NG PAG-IISIP
Ni Apolinario Villalobos
May pelikulang Ingles noon na ang title ay
“Fatal Attraction”. Hindi ko napanood dahil nanghinayang ako sa pambayad pero
sa mga kuwento ng mga kaibigan kong nakapanood, ito ay tungkol sa ugali ng tao
na nawawala sa sarili dahil sa sobrang nararamdamang pagmamahal sa iba, kaya
kung tatagalugin ang titulo, ito ay magiging, “Nakakamatay na Pagka-akit”. Maaaring
ito ay magreresulta sa kamatayan ng nagmamahal o sa minamahal. Maaaring
magpapakamatay ang desperadong nagmamahal kapag siya ay iniwan. Maaari ding
patayin ng isang tao ang sobra niyang minamahal na balak siyang iwanan upang
pumunta sa iba.
Ang nakakabahala ay ang epekto din nitong
damdamin na nagpapawala sa katinuan ng taong nagmamahal….nawawala siya sa
sarili dahil iniwan ng minamahal. Yong iba ay nakakalimutan na ang pag-ayos sa
sarili, nalululong din sila sa alak o droga, at ang iba pa ay nagiging baliw.
May alam akong natanggal sa trabaho dahil iniwan ng nobyo….palagi na kasing
late kung pumasok at amoy alak pa. Yong isang babae rin ay pansamantala o
temporarily na nawalan ng katinuan sa pag-iisip ng mamatay ang lalaking sobra
niyang minahal…mabuti na lang at medyo nakaka-recover na ngayon dahil
nililibang ko sa pamamagitan ng pagturo sa paggawa ng tula. Yong isa namang
hindi naka-recover ay naging baliw na talaga kaya kung minsan ay naghuhubad sa
kalye…patay na siya ngayon. Pero noong buhay pa at natitiyempuhan kong
naghuhubad sa kalye ay nagtatakip na lang ako ng mga mata.
Maraming pelikula, na ang tema ay tungkol
sa paggamit ng seksuwalidad upang makapangalap ng mga impormasyon ng ibang
bansa at ang pinaka-popular ay ang kuwento ni “Mata Hari”, isang seksing
espiya. Okey lang sana kung ang paggamit ng seksuwalidad ay upang makatulong sa
ibang tao o bansa…ibig sabihin ay nagsakripisyo ang nagsangkalang ng kanyang
puri dahil sa magandang layunin. Subalit ang hindi maganda ay ang basta na lang
ma-attract ang isang babae, halimbawa, sa mga lalaki dahil lang sa nararamdaman
niyang kati sa katawan at higit sa lahat ay kung naggamitan sila ng mga
kaulayaw niya upang makapanloko ng iba. Ito yong sinasabi na “scratch mine and
I will scratch yours”, opps! “Scratch my back, and I will scratch yours”, pala….sorry!.
Sa nasabing sitwasyon, ang mga nagkamutan ay pare-parehong nakarating sa glorya,
superduper pa ang kinitang limpak-limpak na kadatungan!...abangan ang susunod
na mga kabanata….
Note: kadatungan – plenty of money
Discussion