Ang Imahen ng "Lady of Guadalupe" ng Barangay Real 2 (Bacoor City, Cavite)....simbolo ng matibay na pananampalataya at pagkakaisa
Posted on Thursday, 15 September 2016
Ang
Imahen ng “Lady of Guadalupe”
ng
Barangay Real 2 (Bacoor City, Cavite)
…simbolo
ng matibay na pananampalataya at pagkakaisa
Ni Apolinario Villalobos
Ang imahen ng Birhen ng Guadalupe ang
itinuturing na isa sa mga may naipamalas na milagro sa mga mananampalatayang
Kristiyano. Ang imahen ay unang nakilala
sa Guadalupe, Mexico dahil sa mga milagrong ipinamalas niya sa mga katutubo
kaya ang mga Mehikanong kasama sa mga paglalayag ng mga galleon mula noong
1400s ay nagdadala nito upang maging “tagapagligtas” nila kung magkaroon sila
ng sakuna sa karagatan.
Sa Pilipinas, ang unang nakilalang imahen
ng Guadalupe ay ang nakaluklok sa Guadalupe Church, sa Guadalupe Nuevo, Makati
City. Itinuturing din itong mapaghimala kaya maraming debotong dumadayo sa
nasabing simbahan upang ito ay hingan ng tulong. Ang pinakapiyesta ng “Lady of
Guadalupe” ay tuwing ika-12 ng Disyembre.
Sa Cavite, may imahen ng nasabing Birhen sa
Barangay Real Dos, Bacoor City, sa maliit na subdivision ng Perpetual Village 5
at nakaluklok sa Multi-purpose Hall nito, na itinuturing nang “chapel” dahil
dito rin nakaluklok ang iba pang imahen ng Birheng Maria at Hesus. Ang imahen
ay donasyon ng mag-asawang Glo at Ed de Leon noong 2013 nang italaga ng
parukyang San Martin de Porres ang nasabing birhen bilang patron ng nabanggit
na barangay. Bukod sa imahen ng nasabing Birhen, ang mag-asawa ay nag-donate
din ng imahen ng Itim na Nazareno, Christ the King, at mga gamit pang-Misa ng
pari. Ang mag-asawa din ang nagpa-ayos ng mga sirang bahagi ng “chapel” at
nagpalit ng pintura nito noong nabanggit na taon. Payak ang nasabing “chapel”,
may kaliitan din subalit hindi hadlang ang mga kapintasang ito upang umigting ang pananampalataya ng mga
taong taga-barangay at mga karatig lugar na dumadalo sa Misa tuwing Linggo.
Mula nang mailuklok ang birhen sa nasabing
barangay, kapansin-pansin ang pagkaroon ng dagdag sa bilang ng mga dumadalo sa
Misa tuwing Linggo. Nagkaroon din ng dagdag- inspirasyon kaya lalong sumigla
ang pagkilos ng mga religious crusaders ng Holy Face of Jesus na namamahala sa
imahen. Ang grupong ito ang nagbubuklod sa mga mananampalatayang Katoliko na
taga- loob at labas ng barangay dahil sa pinapakita ng mga miyembro na walang
kapagurang pagdasal sa mga lamay sa pakiusap ng namatayan, pamumuno sa pagdasal
ng novena at rosaryo sa kapilya tuwing Huwebes ng dapithapon, at pakikiisa sa
mga pagtitipong ispiritwal sa parukya ng San Martin de Porres tulad ng
paghahatid ng imahen ng Birheng Maria sa mga bahay na gustong magpabisita sa
kanya. Ang lahat ng mga nabanggit ay ginagawa ng grupo sa ngalan ng sakripisyo
dahil lahat sila ay nagkakanya-kanyang gastos kung may lakad o tuwing may prusisyon sa parukya. Ang grupo ay
pinangungunahan ngayon ni Lydia Libed, bilang Presidente. Nakikipag-ugnayan si
Gng. Libed sa namumuno ng Pastoral Council ng Real Dos na si Emma Duragos, na
nagsisilbi namang kinatawan ng parukya sa barangay.
Nakadagdag ng lakas na ispiritwal ng
barangay ang chorale group ng mga kabataan at young adults na kumakanta tuwing
may okasyon para sa patron at tuwing Linggo na araw ng Misa. Ang grupong ito na
pinamumunuan ni Arianne Lorenzana ay madalas ding maimbita sa mga Misang
idinadaos sa labas ng barangay. Ang tumatayo namang mother/adviser nila ay si
Norma Besa na bukod sa nagpapakain sa mga miyembro tuwing may practice ay
takbuhan din nila upang hingan ng payo. Hindi rin nagpapabaya si Norma sa
pagkukusa ng tulong sa pagpalit ng mga bulaklak na alay sa patron at iba pang
pangangailangan nito.
Umaagapay sa mga grupong nabanggit si Louie
Eguia, presidente ng Perpetual Village 5 Homeowners Association, na ang
pinagkakaabalahan sa kasalukuyan ay ang proyektong pagpapasemento ng harapan ng
kapilya dahil sa dumadaming maninimba tuwing Linggo na umaapaw hanggang sa
labas, bukod pa sa pagpapaayos ng bubong nito. Ayon kay ginoong Eguia, ang
donasyon sa pagpasemento ng harapan ng kapilya ay manggagaling sa gobernador ng
Cavite na si Jonvic Remulla, at ang pagpapaayos ng bubong ay manggagaling naman
sa gaganaping “bingo social” na proyekto ng PV5 Homeowners Association. At
tulad ng dapat asahan, ang maybahay niyang si Edna naman ang nagbibigay ng
hindi matawarang suporta sa kanya sa lahat ng kanyang mga ginagawa, kasama na
ang pag-follow up ng mga dokumento sa iba’t ibang opisina, para sa mga proyekto.
At
sa abot naman ng makakaya ng Barangay Real Dos, ang Chairman nitong si ginoong
BJ Aganus ay nakaalalay, mula sa pagbigay ng marshall tuwing magdaraos ng
prosesyon at seguridad naman para sa iba pang mga kahalintulad na okasyon. Ang
iba pang sakop ng patrong Lady of Guadalupe ng Real Dos ay ang Luzville
subdivision, Silver Homes 1 and 2, at ang Arevalo Compound.
Ang nais kong ipakita rito ay ang
maaliwalas na pakikipag-ugnayan sa isa’t isa ng mga grupo at opisyal sa Real
Dos sa ngalan ng patron na “Lady of Guadalupe”, patunay na ang nagkakaroon ng
pagkakaisa kung ang mga tao ay may matibay na pananampalataya na nagpapaigting
ng respeto sa isa’t isa.
Discussion