Ngayon, Hindi na Yuyuko ang Pilipino
Posted on Monday, 12 September 2016
NGAYON, HINDI HINDI NA YUYUKO ANG PILIPINO
Ni Apolinario Villalobos
Ang kasaysayan ng Pilipinas ay hitik sa mga
kuwentong may kinalaman sa pananakop ng ibang lahi. Nagawa ito dahil ang bansa
ay watak-watak…mga islang hindi buo. Nagtagumpay ang mga nagsulputang
misyonaryo – Arabo at Kristiyano, kaya nahubog sa panibagong paniniwalang
ispiritwal ang kaisipan ng mga ninuno nating pagano.
Sa simula pa lamang ay bukod-tanging
pananampalatayang Islam ang niyakap ng mga taga-Mindanao na ang katawagan ay
Moro. Hindi nagtagumpay ang mga prayleng Kastila na magupo ang mga Moro, na
kabaligtaran naman sa Visayas at Luzon kung saan sila ay nagtagumpay. Ang
tagumpay na ito ng mga Kastilang misyonaryo ang naging batayan upang palabasing
nasakop ng Espanya ang Pilipinas, dahil malaking bahagi ng Mindanao ay hindi
naman.
Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila,
ang mga katutubo ay tinawag na “Indio”, at ang mga tinuturing lamang na mga
“Pilipino” ay mga Kastilang hinakot sa Maynila at pinatira sa Intramuros. Indio
din ang tawag sa mga Mehikano na hinakot sa Pilipinas upang magtrabaho bilang
mga utusan at sundalo. Ang mga taga-India namang hinakot din sa Maynila upang
pandagdag sa dami ng mga sundalo ay tinawag na “Sepoy”. Ang nakatira sa labas
ng Intramuros ay mga Tsino, mga Hapon, at mga katutubo. Sa panahong yon, yumuko
ang mga tunay na Pilipino sa Kastila.
Kalaunan, ang mga mahihirap nga mga
Pilipino at ilang mga mestiso Kastila ay nagkaisa upang labanan ang mga
Kastila. Subalit magkaiba ang kanilang layunin. Ang gusto ng mga mayayamang
mestiso ay magkaroon lang ng pagbabao upang matanggal ang mapang-abusong
pamamalakad ng mga opisyal na itinalaga ng hari sa Maynila. Samantalang, ang
mga mahihirap na pinangunahan ni Andres Bonifacio, ang gusto ay kabuuang
kalayaan. Hindi sila nagtagumpay.
Nang pumalit ang mga Amerikano ay
pinaglaban pa rin ng ilang Pilipino ang layuning makaangkin ng lubusang
kalayaan sa pangunguna naman ni Aguinaldo…na hindi pa rin nagtagumpay.
Nang tuluyan namang bitiwan ng Amerika ang
Pilipinas, kahit mga Pilipino na ang namahala, hindi pa rin nakawala ang
Pilipino sa anino ng mga Amerikano. Naging tanyag ang tawag sa Pilipino na
“Little brown brother”, at sa mga Amerikano naman ay, “Big Brother”. Mula sa
panahon ni Manuel L. Quezon hanggang sa panahon ni Benigno Aquino III, ang
imahe ng Pilipinong yumuyuko sa mga Amerikano ay hindi nawala.
Ngayon, sa pagsulpot ni Rodrigo Duterte
bilang presidente ng Pilipinas, nagkaroon ng pagbabago dahil walang tapang
niyang binabanggit na isa sa mga paiiralin niya ay ang pagtayo ng mga Pilipino
sa sariling mga paa…. magkaroon ng sariling paninindigan at desisyon. Malaki
ang epekto ng sinambit ni Duterte na “who is he” na ang tinutukoy ay si Obama.
Sa headline ng isang diyaryo ay nakabandera ang sinabi din niyang, “I am no fan
of the US”. Dahil siya ang presidente ng Pilipinas, animo ay kinakatawan na rin
niya ang saloobin ng mga Pilipino.
Ngayon, taas-noo na nating masabing tuluyan
na tayong nakawala sa tanikalang nag-uugnay sa atin sa mga Amerikano. Ito ay
pagpapakitang kaya pala nating hindi yumuko sa Amerika!
Subali’t sa kabila ng bagong paninindigang
nabanggit, hindi nangangahulugang galit ang mga Pilipino sa mga Amerikano, at
kahit samahan ng dalawang bansa ay hindi basta mabubuwag dahil sa mga
pinirmahang tratado o treaty o kasunduan. Pinagdiinan lang natin ang sariling
prinsipyong nakaangkla sa lubos na kalayaan…kaya hindi na basta na lang
masisita o mapagsasabihan ang presidente ng Pilipinas ng presidente ng Amerika
pagdating sa paggawa ng desisyon.
Discussion