Ang Malaking "Dairy Farm" sa Pilipinas
Posted on Wednesday, 21 September 2016
ANG MALAKING “DAIRY FARM” SA PILIPINAS
Ni Apolinario Villalobos
Sa dalawang araw na pakikinig ko sa mga
sinabi ng mga Bilibid detainees sa Congress hearing tungkol sa illegal drugs na
nagsasangkot sa isang babae na ngayon ay senador na nagngangalang Laila de
Lima, ay hindi ko maiwasang ma-imagine ang isang malaking “dairy farm” kung
saan ay may matatagpuang mga patabaing baka upang gatasan. May mga maliit na
bakahan sa Masbate, Batangas at ilang bahagi ng Mindanao at ang mga baka ay
ginagatasan subalit kung malaking dairy farms ang pag-usapan, ang mga ito ay
matatagpuan sa New Zealand at Australia.
Dito sa Pilipinas, ang animo malaking dairy
farm ay ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa kung saan ay naroon ang mga
high-profile detainees na “ginagatasan” din pero hindi gatas kundi pera na ang
pinanggagalingan ay illegal na drogang ibebenta sa loob mismo ng Bilibid at sa
labas sa pamamagitan ng mga pusher nila. Kung magbanggit ng kaperahan sa
Congress hearing, ang mga milyones ay animo barya lang. Ang nanggagatas ay
itinuro ng mga “witness” na si senador de Lima na abot-langit ang pagtanggi.
Siyempre, natural lang yon dahil sino nga ba naman ang tatanggap ng kasalanan,
lalo pa at ang taong inaakusahan ay naturingang magaling na abogado.
Nakakagulat na sa loob ng isang linggo ay
napakadaling lumikom ng 3 milyong piso na pinapadala kay senador de Lima para
umano magamit sa kanyang pangangampanya para sa puwestong senador noong
nakaraang eleksiyon. At ang nakakagulat pa, ay mismong mga opisyal ng Bilibid
ang nagagamit bilang tagapamagitan sa mga high-profile detainees na ang isa ay
kilalang big-time drug lord. Kung totoo man, malinaw na ang nasabing pasilidad
ay animo pag-aari ni de Lima, kung saan ay nakakakuha siya ng pera anumang
halaga ang gusto niya.
Naalala ko noong malakas pa si sinador
Defensor at sumugod din sa Bilibid para mag-imbestiga sa mga anomalya, ang una
niyang hiningi ay ang “Operating Manual” pero walang naibigay sa kanya upang
malaman sana kung paanong “mag-operate” ang pasilidad. Subalit dahil sa mga
nakakagimbal na pangyayari, kahit meron pa nito, siguradong hindi rin
masusunod.
Ang nangyari kaya noon at sana ay hindi na
nangyayari na ngayon sa New Bilibid Prison, ay nangyayari rin sa iba pang
ahensiya ng gobyerno?...sana ay hindi.
Discussion