Mga Mahalagang Panawagan....
Posted on Saturday, 3 September 2016
MGA MAHALAGANG PANAWAGAN…
Ni Apolinario Villalobos
1.
SA MGA DRUG USERS……sana ay
magbago na kayo dahil inuuto lang kayo ng mga drug lords na ang gusto lang ay
kumita sa mga drogang pinapatulak nila sa mga galamay nila; kung naging adik na
adik na kayo, mapipilitan na rin kayong magtulak upang matustusan ang bisyo
ninyo.
2.
SA MGA DRUG PUSHERS…sana ay
magbago na rin kayo dahil itutumba lang kayo, kung hindi ng mga pulis na
nilalabanan ninyo ay mismong kasama ninyo sa sindikato.
3.
SA MGA DRUG LORDS….sana ay
maging whistle blower na lang kayo tulad ni Espinosa ng Samar, kaya hayon…buhay
pa siya, hindi tulad ng mag-asawang nabaril sa Caticlan. Kaya habang may
panahon, magturuan na lang kayo. Yong mga dayuhang Intsik…uwi na kayo sa Tsina.
4.
SA MGA PARI, AT IBA PANG GALIT
KAY DUTERTE…sana ay ipagdasal na lang ninyo ang tagumpay ng kampanya laban sa
droga. Nakakadagdag lang kayo ng sagabal sa ginagawa ng gobyerno dahil
nilalabusaw ninyo ang pananaw ng mga tao na ang gusto ay katahimikan at ligtas
na mga kalye, at walang adik na bigla na lang papasok sa bahay ng ibang tao
upang mang-hostage dahil “hinahabol daw sila ng demonyo”; kung gusto ninyong
maging isang Colombia ang Pilpinas sampung taon o higit pa mula ngayon tulad ng
sabi ni Duterte, sige….kontrahin ninyo siya….bahala na ang Diyos ninyo sa inyo!
5.
SA MGA OPISYAL NG GOBYERNONG
GALIT KAY DUTERTE….bawasan ninyo ang effort upang mapansin kaya panay ang
pa-interview upang ipaalam sa taong-bayan na ayaw ninyo ng mga karumal-dumal na
patayan…ganoong ang pinapatay ay mga kriminal lang naman! Kung inaakala ninyong
pang- media mileage ang “concern” na pinapakita ninyo dahil tatakbo pa kayo sa
susunod na eleksiyon, nagkamali kayo ng diskarte.
6.
SA MGA TRYING HARD NA NAMUMUNO
NG AHENSIYA NA MAY KINALAMAN SA DROGA….tigilan na ninyo ang pagpa-interview
dahil napapahiya kayo….nababalaho tuloy ang diskarte ng presidente; huwag
agawan si presidente ng eksena sa pag-exert ng effort na dinadaan sa mga
“sensational revelations”, sumasabog naman sa inyong mukha dahil sa pag-deny ng
sinasabi ninyong “witnesses” laban kay de Lima; huwag saluhin ang mga
statements ng presidente na bukod tanging siya lang ang nakaka-justify; hindi
ninyo kaya ang “style” niya….kaya huwag nang mag-trying hard, please lang!
7.
SA MGA NAMUMUNO NG MGA
AHENSIYANG INAASAHANG MAGPAPASABOG NG PAGBABAGO…..wake up!...ano na ang
nangyari sa inyong mga planong nasa diwa pa lang pala? Mauulit na naman ba ang
mga “ningas-kugon” na mga programa ng mga nakaraang administrasyon?
8.
SA BAGONG PINUNO NG PNP….we are
in your behind, eheste!...we are behind you….sana ay hindi kayo mapaikutan ng
mga palpak ninyong mga “commanders” at “chiefs” na inaasahan din ng mga taong
“kumikilos talaga”….pero, ang iba ay hindi pa yata!
9.
KAY PRESIDENTE DUTERTE….keep up
the good work!...gusto ko ang style mo sa pag-deliver ng speech na
“personalized” dahil ang feeling ng nakikinig maski sa radyo ay kinakausap mo
sila ng personal dahil sa madalas mong paggamit ng “mo” sa halip na “ninyo”
kahit sangkaterbang reporters na ang kaharap mo. Para ka lang nakikipag-usap sa
bawa’t isa over lunch…. I like it. Pinagdadasal ko ang tagumpay ng effort mo na
mabunot ng ugat ng salot na dulot droga sa bansa!
YAN ANG “LUCKY NINE” NA MGA PANAWAGAN
KO…PARANG BUHAY NG PUSA – SIYAM, NA SANA AY MAGKAROON SI DUTERTE AT DE LA ROSA!
Discussion