Dapat Bawasan na ng DOJ Secretary ang mga Sinasabi sa Interview
Posted on Sunday, 25 September 2016
DAPAT BAWASAN NA NG DOJ SECRETARY
ANG MGA SINASABI SA INTERVIEW
Ni Apolinario Villalobos
Dapat nang iwasan ng DOJ secretary ang
pagpapa-interview palagi upang hindi makompromiso ang mga hawak nilang
ebidensiya laban sa illegal drug trade sa Bilibid na nagdidiin kay de Lima.
Hindi siya dapat mag-alalang isipin ng mga taong wala siyang ginagawa tungkol
dito dahil mas malaking problema kung sa kasasalita niya ay may mabanggit
siyang mga impormasyong hindi pala dapat ibunyag. Halimbawa ay ang sinabi niya
pakikipag-ugnayan niya sa mga bangko tungkol sa mga deposito ng mga kaibigan ni
de Lima, pero inamin din niya na WALA PANG EBIDENSIYA na magtuturo sa mga ito
na may direktang kaugnayan kay de Lima. Bakit pa niya sinabi ito sa mga
reporter na alam naman niyang madalas nagmi-misquote sa kanila at kay pangulong
Duterte? Ang resulta niyan ay baka siya pa ang mademanda dahil sa pakikialam
niya sa mga bank deposits ng mga tao dahil wala naman pala siyang batayan.
Dapat, kung may mahalaga man siyang
impormasyon upang madiin si de Lima, ilabas na lang niya sa hearing upang hindi
ito makapaghanda ng karampatang buwelta o depensa pagdating ng araw ng hearing.
Sana ay gamitin nilang leksiyon si pangulong Duterte na habang dumadami ang mga
sinasabi ay kanda-habol din sila sa pag-“explain why” o pagpapaliwanag o di
kaya ay pagbawi sa mga sinasabi nito dahil ang iba ay offending at nakakaapekta
sa imahe niya bilang presidente ng bansa.
Dapat isaalang-alang ni Aguirre ang kasabihang, “less talk, less
mistake”.
Iwasan SANA ng mga cabinet officials ang
animo ay pakikipag-agawan sa mikropono upang marinig ng taong bayan ang
kanilang sasabihin. Ang kailangan nilang ipakita ay ang resulta na ng kanilang
mga pagkilos tulad ng pagpapaayos ng trapik sa kalsada at sa mga airport na may
kaugnayan sa paglapag at paglipad ng mga eroplano dahil pagdating ng bandang
tanghali ay nagsisimula na ang mga pagka-delay ng mga flights at umaabot
hanggang gabi.
Discussion