0

Lumiliit na ang Mundo ni de Lima

Posted on Wednesday, 28 September 2016

LUMILIIT NA ANG MUNDO NI DE LIMA
Ni Apolinario Villalobos

Kung tuluyan nang sampahan ng kaso si de Lima, magtutuluy-tuloy na rin ang pagsikip ng kanyang mundo. May dahilan na siya ngayong lumipat ng tirahan dahil marami daw banta sa kanyang buhay. Masama na rin daw ang kanyang pakiramdam dahil sa mga bantang ito. Yong iba naman kasing sumasakay sa isyu ay basta na lang nagpadala ng mga text sa kanyang cell phone pagkatapos ibunyag sa kongreso. Sa kasong ito, may mali ang pinanggalingan niyang departamento na Department of Justic (DOJ) dahil ang dapat ginawa ay kinansela ang numero ng cell phone niya nang mag-resign siya upang tumakbo sa eleksiyon. Dahil hindi nakansela, ang billing para sa cell phone ay pinapadala pa rin sa DOJ. Yan ang gobyerno ng Pinas….maraming butas! Napakasimpleng responsibilidad ay hindi ginagawa dahil sa katamaran ng mga taong sinuswelduhan ng taong bayan!

Dapat i-monitor ang kanyang kilos dahil baka biglang mawala at ang idahilan upang hindi lumabas sa pinagtataguan ay ang mga banta sa kanyang buhay kuno. Asahan din ang “hospital arrest” dahil sa pinahapyaw na niyang “masamang pakiramdam”. Hindi puwede ang LBM lang upang tumagal siya sa ospital. Upang magkaroon siya ng brace sa leeg dapat ay mahulog siya sa hagdanan una ang ulo. Pero ang pinakamaganda ay magkaroon siya ng schedule ng maraming operasyon sa katawan, na mangyayari kung may tatanggalin tulad ng matris, appendix, kidney, lapay, apdo, mga ngiping paisa-isang bunutin, puso upang palitan ng mechanical apparatus, tenga na namaga dahil napasukan ng higad o alupihan, mata na natusok na barbecue stick, lalamunan na natusok ng “kung anong bagay” na naisubo, mga daliring tatanggalin o buong braso, mga paa, etc.

As of 29September, nagsabi ang abogado ni BJ Sebastian na gusto nitong magsiwalat ng mga nalalaman niya tungkol sa kalakaran ng illegal drug trade sa loob at labas ng New Bilibid Prison dahil nalalagay na sa peligro ang kanyang buhay. Isa sa mga sinisisi ay si de Lima dahil sa pagsiwalat na government asset si Sebastia. Malamang nasabi yon ni de Lima bilang paliwanag kung bakit siya pumapasok sa kubol ni Sebastian….subalit walang gustong maniwala. Sinabi pa ni de Lima na isa sa panggigipit sa kanya ay ang pagkulong ng dati niyang security aide na si Sanchez at pinipilit na pumirma ng salaysay laban sa kanya, subalit pinabulaanan naman ito ng spokesperson ng military sa pagsabi na “confined to barracks” lang si Sanchez at ni isang dokumento ay wala itong pinirmahan.

Sa pagwawala ni de Lima noong nakaraang presscon niya sa senado, 28 September, ay binanggit niya ang suggestion ng kaibigan niyang maghanap na ng “asylum” dahil ipapakulong daw talaga siya ni Duterte. Kung gagawin niya ito ay dapat sa bansang extradition treaty sa Pilipinas…hindi ko lang sure, pero baka pwede ang Colombia.

Ngayon ay naniniwala na akong ang ibang composer ay nakakakita ng future kaya sila nakakagawa ng mga awit, tulad ng nag-compose ng “My Way” at “My World is Getting Smaller Everyday”. Kapag gumawa kasi sila ng kanta, hindi lang sila nakatingin sa kasalukuyan kundi pati sa mga araw na darating pa.

Pero ang da best na nagustuhan ko at palagi kong pinapaalala sa mga kaibigan ko ay ang kasabihang, “palaging nasa huli ang pagsisisi”, at ang palasak na pagsisising sinasabi sa death bed ng mga milyonaryo na, “aanhin ko pa ang yaman kung mamamatay na ako?”.


Discussion

Leave a response