0

Dadalhin ni Duterte ang Image niya Pagbaba sa Puwesto...Hindi Maiiwan sa Malakanyang

Posted on Wednesday, 7 September 2016

DADALHIN NI DUTERTE ANG IMAGE NIYA
PAGBABA SA PUWESTO…HINDI MAIIWAN SA MALAKANYANG
Ni Apolinario Villalobos


Hindi nakadikit na parang pagkit ang imahe ng isang presidente sa opisina nito sa Malakanyang kung siya at nakatapos na ng termino, yon nga lang ay bitbit niya pa rin ang nakasanayang tawag sa kanya na “presidente” kung ipapahintulot niya. Halimbawa, nang si Marcos ay pinatalsik bilang diktador, dala niya ang imaheng yan at hindi naiwan sa uri ng gobyerno ng Pilipinas ang pamamalakad niya mula sa Malakanyang noon. Kaya kung si Duterte na nakilalang presidenteng madaling uminit ang ulo at hindi nakakaiwas magmura, ang imaheng ito ay hindi maiiwan sa babakantehin niyang opisina sa Malakanyang. Madadala niya ito hanggang sa kanyang libingan at sigurado pang maitatala sa kasaysayan ng Pilipinas. Ganyan ang nangyari kay presidente Quezon na nalamang nagmura din pala noon sa Kastila pa, dahil may nababasa tungkol dito sa mga pahina ng kasaysayan ng bansa. Hindi rin ito itinuring na negative factor ng kanyang pagkatao dahil naunawaan kung bakit niya ginawa ang pagmumura.

Mababaw ang dahilan ng ilang Pilipino na dahil nagkaroon ng presidenteng nagmumura ang Pilipinas, ang matatanim na imahe sa isip ng mga taga-ibang bansa ay, lahat ng presidenteng uupo sa Malakanyang ay mahilig magmura at madaling uminit ang ulo. At, isa pa, kung may dahilan ang presidente upang magmura at magalit… bakit siya agad ang sisisihin?....bakit hindi ang nagbigay ng dahilan lalo pa at kung alam na nito ang uri ng pagkatao ng presidente? Kung reporter siya, dapat ay kinikilala niya ang uri ng mga taong iinterbyuhin niya o kukuberan upang makakuha ng balitang maibabato sa opisina nila. Salungat sa inaasahan ng detractors niya ang epekto ng pagbitaw ng maaanghang na salita ni Duterte noong bago siya lumipad patungo sa Laos. Ang pagkabilib sa kanya ng mga kapwa lider ay hindi nagbago….naging sentro pa siya ng atension ng siya ay dumating.

Kung presidente ang mag-aadjust sa uri ng pagkatao ng mga taong kakaharapin niya, sa Pilipinas lang ay halos 100 milyong taong nasa tamang gulang na pakikisamahan niya batay sa ugali ng mga ito. Bakit hindi ang halos 100 milyong taong nasa tamang gulang ang mag-adjust sa kanyang nag-iisang tao lamang sa pamamagitan ng pag-ingat upang hindi mapitik ang kanyang pasensiya? Wala naman siyang special requirements o treatments na hinihingi mula sa mga tao lalo na sa mga taga-media.….huwag lang siyang gawing parang tanga sa pagsagot ng kung ilang beses sa iisang uri ng tanong, na ang sagot ay nai-brodkast na sa mga radio at TV ng kung ilang beses din, at lumabas na rin sa internet at na-share pa ng kung ilang libong ulit! MAHIRAP BANG GAWIN YAN?...respeto ang hinihingi niya upang masuklian din niya ng respeto….at, ito ay nakita na ng hindi lang iilang tao.


Hindi dapat idahilan na dahil siya ay presidente ay wala na siyang karapatang magmura…DAHIL HINDI SIYA MAGMUMURA KUNG WALANG TAONG IMPERTINENTENG MAGPAPAMURA SA KANYA! HINDI NAMAN SIGURO SIYA SIRA-ULO UPANG BASTA NA LANG MAGMURA TUWING MAGSALITA KUNG WALANG DAHILAN.  SAMANTALA, DAPAT HAYAAN NA LANG ANG MGA PILIPINO SA PAGGAWA NG DESISYON KUNG UUNAWAIN NILA SI DUTERTE O HINDI….HUWAG MAGPILIT NG SARILING IMPRESSION SA IBA….HAYAAN SILANG MAGKAROON NG SARILING IMPRESSION.

Discussion

Leave a response