0

Ang Kaso ng Pilipinang Drug Mule na Nasentensiyahan sa Indonesia

Posted on Friday, 16 September 2016

ANG KASO NG PILIPINANG DRUG MULE
NA NASENTENSIYAHAN SA INDONESIA
Ni Apolinario Villalobos

Nagpakita ng interes ang Indonesia na gayahin ang sistema ng Pilipinas sa pagsugpo sa droga, kasama na rito ang “legal process”. Kaya kung aabsuweltuhin si Veloso sa kaso niya bilang drug mule dahil lang nakiusap ang pangulo ng Pilipinas kahit pa mayroon nang conviction, mukha yatang walang “consistency” sa pagsugpo sa bisyong ito sa Pilipinas. Kung napatunayang may “kasalanan” si Veloso batay sa batas ng Indonesia, dapat lang na hindi hahadlangan bilang respeto. Ang mahalaga ay nalaman ng presidente ng Indonesia na nakiusap pa rin ang presidente ng Pilipinas na i-absuwelto si Veloso sa pamamagitan man lang ng presidential clemency.

Ang malaking katanungan ngayon ay kung ano na ang nangyari sa mga taong naging dahilan ng pagkasadlak ni Veloso sa kulungan sa Indonesia…ang mga recruiter niya. Dapat ito rin ang pagtuunan ng pansin ng mga taong gustong maabsuwelto si Maryjane, tulad ng Gabriela. Dapat noon pa lang ay kumilos na ang grupong ito na ipaglaban ang pagka-inosente ni Maryjane, sa pamamagitan ng paghantad ng mga taong talagang may kasalanan sa korte ng Indonesia. Ang kasong ito na usad-pagong ang pagdinig ay nasa korte pa ng Pilipinas at kaya noon hindi natuloy ang pag-execute kay Veloso ay dahil witness siya laban sa mga recruiters na may kinalaman sa international drug trafficking. Ang kasong ito ay nagsimula noong panahon pa rin ni de Lima bilang DOJ secretary. Kung pinabilis lang ang pagpausad ng kaso, malamang ay hindi nasintensiyahan ng kamatayan si Veloso sa Indonesia.



Discussion

Leave a response