Ang Mga Pinapatay na Drug Users at Pushers
Posted on Friday, 25 November 2016
ANG MGA PINAPATAY NA DRUG USERS AT PUSHERS
Ni Apolinario Villalobos
Batay sa mga binanggit ni Kerwin Espinosa
tungkol sa lawak ng pagkasangkot ng kapulisan, nakakabahala na hindi lang pala
mga opisyal na nakaupo sa mataas na puwesto ang may kinalaman, kundi pati mga
kapulisan sa ilalim. Malinaw na malinaw ang kuwento tungkol sa mga “recycled”
na droga – mga drogang bahagi ng nakumpiska ng mga pulis at pinabebenta nila
mga “bataan” nilang pushers. Ang mga nasa Maynilang pulis na nagre-recycle ay
tinawag na “ninja cops”. Ang mga pushers ay nahahawakan nila sa leeg dahil
nahuli na nila ang mga ito bilang mga drug users, kaya mistulang na-black mail
upang magbenta ng “recycled” na droga, upang hindi tuluyang makulong.
Naipakita din noon sa TV ang isang witness
na taga-Antipolo na nag-utos daw sa kanyang tatay na magbenta ng droga, at kung
minsan daw ay sa bahay pa nila gumagamit nito. Mistulang nakalublob sa kumunoy
ang tatay nilang pinatay nilang gumagamit din ng droga at ilang beses nang
nahuli. Nang mapatay ang tatay nila ay positibo nilang itunuro ang mga pulis.
May mga pinapatay ngayong ayon sa mga
kaibigan at kapamilya ay dati daw gumagamit LANG ng droga at sumuko na kaya
nakalista sa presinto. Nagtataka lang sila kung bakit pinatay pa at siguradong
hindi sindikato ang pumatay sa kanila dahil wala naman daw kilalang big-time
pusher ang mga ito. Ang ibang namatay ay mga scavenger at “barker” sa mga
jeepney station. Pero ayon sa kanilang mga kaibigan ay natutong gumamit ng
droga na nagsimula sa rugby, pero bandang huli ay kumita dahil “naghahatid” na
rin daw ng droga o naging “runner”. Kung minsan pa daw ay may kausap silang mga
pulis.
Ang hinala, ay mismong mga pulis na sangkot
sa droga pero hindi natanggal sa puwesto ang may kagagawan ng pagpatay upang
hindi sila maituro pagdating ng panahon. Pinapatay nila ang mga nakakakilala sa
kanila upang pagdating ng panahon ay hindi sila maituro. Kapag “lumamig” na ang
sitwasyon dahil isinusunod na ang “corruption” kaya siguradong hihina ang
operasyon laban sa droga, asahan ang mga bagong “set” ng drug pushers at
runners. Hindi naman kasi nasisira ang shabu kahit itabi ng kung ilang
taon….pwedeng ibenta after six years kung wala na si Duterte.
Discussion