Ang Malakas na Pagkatao ni Rodrigo Duterte
Posted on Monday, 7 November 2016
ANG MALAKAS NA PAGKATAO NI RODRIGO DUTERTE
Ni Apolinario Villalobos
Dahil sa lakas ng pagkatao o strong
personality, si Duterte ay nakaka-intimidate kaya lahat ng kilos at salita niya
ay binabantayan ng lahat. Ang mali lang sa mga nagbabantay sa kanya ay ang pagsasang-alang-alang
ng ugali niyang sarcastic o di kaya ay mapagbiro sa halip na ang mga ginagawa
niyang kabutihan sa nakararami ang pagtuunan ng pansin. Ang isang paraan upang
ipakita niya ang pagkainis ay ang pagbitaw ng mga salitang sarcastic o may
lamang nakakainsulto sa kausap, at ang kahulugan ay nakapaloob lamang sa mga
salita…hindi hantad, kaya hindi “mababasa” ng sinumang hindi sanay sa kanyang
ugali. Ang isa pang paraan sa pagpahapyaw ng kayang pagkainis ay pagbitaw ng
biro bilang sagot, lalo na kung ang kausap o nagtatanong ay makulit tulad ng
nangyari sa isang babaeng taga-media na nangulit ng tanong na kung ilang beses
na niyang nasagot sa iba’t ibang pagkakataon. Ang mga napapansin sa kanyang
pagkatao ay ginagamit ng mga taga-media na gutom sa scoop. Dahil diyan, baka
kung umutot lang ang presidente habang sumasagot sa tanong ay gawin pa nilang
headline!
Ang iba namang nagbabantay na halatang mga
“through and through detractors” ay nag-aabang ng para sa kanila ay mga “mali”
sa kanyang sinabi…pero para sa iba ay tama naman. Ang mga detractors ni Duterte
ay nabubulagan ng galit nila kaya ang mga naririnig nila ay puro mali dahil
binabatay nila sa makasarili o selfish nilang pananaw. Dahil pa rin diyan, pati
ang sinabi ni Duterte na kinausap daw siya ng Diyos ay sineryoso ng mga hangal
na taga-media!...malinaw naman na ang “kundisyon” ng Diyos kung hindi siya
titigil sa pagmumura ay “ibabagsak” daw ang eroplano…tanga lang ang kakagat sa
sinabi ni Duterte dahil napakalinaw na isang biro ang sinabi niya! At, ang
nakakatawa pa, may isang radio station na paulit-ulit na tinatalakay ang isyu,
sa halip na tuldukan na dahil sa paliwanag ni Duterte. Alam kasi nilang
maraming interesadong makinig kaya maski tatlong araw na ang lumipas ganoon pa
rin ang topic nila.
Sana ay magpakatalino naman ang mga
miyembro ng local media upang hindi sila magmukhang katawa-tawa. Dahil sa
kanilang pagka-literal marami tuloy ang nag-iisip na karamihan sa kanila ay
hindi karapat-dapat sa kanilang ginagawa dahil nililito lang nila ang mga tao.
Unfair din ang pagpilit na iwasan na ni Duterte ang pagmura dahil malinaw
namang ang mga makukulit na taga-media ang nagbibigay sa kanya ng dahilan upang
gawin ito. Subukan nilang kahit minsan lang ay huwag mangulit ng walang
kuwentang tanong, at baka mapa-hallelujah sila sa matiwasay na sagot ng
presidente!
Ang masama pa, animo ay sinasadya ng ilang
taga-media na inisin si Duterte upang siya ay makapagmura upang may maisusulat
silang scoop! Marami tuloy ang nagtatanong kung mga bayaran sila ng mga
mayamang detractor ni Duterte na gustong magpabagsak sa kanya. Sana ay hindi,
pero magkaganoon man, lalabas pa rin na “sumasakay” lang sila sa personalidad
ni Duterte upang magkaroon ng scoop. Para silang mga hayok na buwitre na
naghihintay ng biktimang malalapαΊ±!
Discussion