0

Bukas na Kaisipan at Pagpapatawad sa Kabila ng Naranasang Sakit by Melvyn Avancena Aradanas

Posted on Saturday, 19 November 2016

Bukas na Kaisipan at Pagpapatawad sa Kabila ng Naranasang Sakit
By: Melvyn Avanceña Aradanas

Mabuti pa si Celia Laurel at naiintindihan na karapatdapat si Marcos na mailibing sa LNMB.
Sa mga di pa nakakaalam, dadalawa lamang ang dahilan upang ma-disqualify ang isang tao upang mailibing sa nasabing Libingan.

Una, kung ito ay natanggal sa serbisyo sa pamamagitan ng "dishonorably discharged".
Pangalawa, kung ito ay nasentensiyahan with finality sa isang krimeng patungkol sa moral torpitude.
Sa dalawang nasabing disqualification, si Marcos ay hindi dishonorably discharged at lalong hindi nasentensiyahan ng korte "for committing a crime involving moral torpitude".

Kung bubuksan at palalawakin lamang nitong mga di sumasang-ayon sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB ang kani-kanilang isip at pag-intindi, napakaliwanag na naayon sa regulasyon ng Libingan ang nasabing pagpapalibing.

At tama rin naman ang Korte Suprema sa pagpapasyang hindi inabuso ni Pangulong Duterte ang kanyang diskresyon sa pagsangayon sa pagpapalibing.

Maintindihan sana ng marami na wala sa Korte Suprema o alin mang korte, ang jurisdiction upang payagan o hindi ang pagpapalibing kay Marcos o kaninuman sa nasabing LNMB, na ayon sa history nito ay pinalitan ang pangalan nito sa panunungkulan ni dating Pangulong Magsaysay. Pero ito ay maari nating pag-usapan sa susunod mating artikulo.

Sa reklamo naman na umano ay palihim (stealthily/secret ayon sa iba), na pagpapalibing, karapatan ng pamilyang Marcos ang pagpapasya kung kelan ito gagawin at wala silang obligasyon kaninuman upang magpaalam pa.

Ang lagi pa nga nating tanong tuwing ating napagaalaman na merong namatay na kakilala ay, " Kelan ang libing?", "Meron pa bang hinihintay na kamaganak galing abroad?".
Never tayong nagdidikta sa pamilya ng namatay kung kelan nila dapat ilibing.

Hindi rin naman tayo umaasa at naghihintay ng imbitasyon upang makipaglibing.
Bakit ngayon kay Marcos ay nànggagaliiti itong mga tulad nina Leni, Kiko, Riza at iba pa nuong ipalibing na si Marcos gayung matagal nang nailabas ang pasya ng Korte Suprema?

Nakisali pa ang marami sa pagprotesta na lingid sa kaalaman ng marami na ang dahilan ng masidhing galit ng mga rally organizers ay nabigla sila samantalang di pa nila naisasaayos ang pangangalap ng mga tao at di pa natatapos ang placards at tarpauline para sa binabalak nilang kilos protesta.

Kung sana ang bawat isa sa atin ay maging màpagmatyag, himayin ang mga issue at sikapin at isipin ang kapakanan ng mas nakakarami bago pa man makilahok sa anumang mga pagkilos, mas higit na magiging maayos, tahimik at progresibo itong ating bayan.

Nawa'y magsilbing paalala sa bawat isa ang mga salita ni Rev. Martin Luther King, Jr. na " we must learn to live together as brothers or perish together as fools".
Mabuti pa talaga si Celia.

Discussion

Leave a response