May Bagong Pinuno ang Bilibid Prison pero datihan pa rin ang mga tauhan...magkakaroon kaya ng pagbabago?
Posted on Tuesday, 30 June 2015
May Bagong Pinuno ang
Bilibid Prison
pero datihan pa rin ang
mga tauhan
….magkakaroon kaya ng
pagbabago?
Ni Apolinario Villalobos
May bagong pinuno ang Bureau of Corrections na ayon sa
balita ay ka-barilan daw ni Pnoy. Umiral pa rin pala ang buddy system. Ganoon
pa man, nangako ang bagong pinuno na si retired General Ricardo Rainier Cruz
III, na gagawin niya ang lahat para magkaroon ng pagbabago ang Bilibid. Ilan
nang mga pinuno ng nasabing kulungan ang nangako subalit napakộ lang. Kaya hindi na siya dapat
mangako pa kung ayaw niyang mapahiya lang.
Hangga’t hindi nagkaroon ng total overhaul ng mg tauhan sa
Bilibid, walang pagbabagong mangyayari, dahil ang mga taong ito ang nagbabantay
sa mga priso, at hindi ang pinuno. Sila ang kadupang-palad ng mga priso na
dahil sa pera ay itinuring na mga “kabalyero”. Ang mga gwardyang ito na may
kontak na direkta sa mga priso ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng
katiwalian sa nasabing kulungan. Kaya kahit araw-araw man maglabas ng daan-daang kautusan na naka-memo pa ang
pinuno, siguradong iismiran lang siya, pagtalikod niya.
Kung maaari nga lang ay palitan ang mga dating bantay ng
military personnel na itatalaga sa nasabing kulungan on rotational TDY or
temporary duty. Sa ganitong paraan lang mawawala ang aspeto ng “familiarity” na
nadi-develop upang maging malapit ang mga priso sa mga bantay. At, wala na ring
dahilan ang Bureau of Corrections, sa pagsabi na kulang sila sa personnel kaya
hindi lahat ng priso ay nababantayan nila 24/7.
Napapansin din na wala man lang napaparusahan sa mga
nahuling tiwaling mga guwardiya ng Bilibid. Iniisip tuloy ng marami na may
kutsabahang nangyayari sa pagitan nila at kanilang mga superior. Nabisto rin na
hindi lang pala droga ang pinagkikitaan sa loob kundi pati prostitution pa. Ano
pa kayang anomalya ang maaaring umiral sa kulungang ito?
Walang pakundangan kung gumamit ng pera ang mga Tsinong drug
lords sa loob upang makapagpatuloy sila ng operasyon. Napatunayan ding walang
epekto ang pansamantalang pagkalipat nila sa kulungan ng NBI dahil doon ay
nakapag-operate pa rin gamit ang ipinuslit na mga cell phone sa kanila, at sa
pagkakataong ito, ang gumawa ay mga tauhan naman ng NBI!
Kaylan lang ay ibinalik na ang mga Tsinong drug lord sa
Bilibid, kaya lalong sasaya na naman ang mga araw nila sa piling ng mga dating
mahal nilang mga bantay!
Ngayon, ang bagong pinuno namang ka-barilan ni Pnoy ay
nagpapakitang gilas, subalit hanggang kaylan?...tatagal kaya siya kahit wala na
si Pnoy na sinasandalan niya?
Discussion