Hindi Dapat Asahan ang mga Survey
Posted on Thursday, 25 June 2015
Hindi Dapat Asahan
ang mga Survery
Ni Apolinario Villalobos
Obvious na ang mga survey ay hindi naman talaga accurate at
kumakatawan sa isip at damdamin ng mga tao sa pangkalahatan. Ibig sabihin ay
estimate lamang ang mga ito. Simple lang ang tanong: sa iilang libong
iniinterbyu, ilang porsiyento ba sila ng milyones na kabuuhan ng population o
bumobotong population? Ang bukod tanging epekto ng survey ay psychological o
pangkaisipan lamang, dahil ang mga makakaalam ng resulta ay mag-iisip ayon sa
gustong mangyari ng nagpasurvey.
Sa laki ng nagagastos kung gumawa ng survey, hindi
makakagalaw ang survey firm kung walang uupa sa kanilang serbisyo. At kung sino
man ang nagpapa-survey ay dapat lang na masiyahan sa resulta. Aanhin naman ng
survey firm ang resulta ng survey kung walang nagbayad sa kanila upang gumawa
nito?
Sa nangyayaring survey kung saan ay pumapaimbulog ang
nakuhang resulta ni Poe laban sa nakuha ni Binay, ang tanong ay kung sino ang
may gustong matalo si Binay. At sa ganitong plano ay halatang ginamit lang si
Poe. Hindi pwedeng gamitin si Roxas dahil alam ng lahat na talagang wala naman
siyang hatak sa mga botante kaya siguradong maraming magtataka kung umangat
siya maski sa ikatlong puwesto man lang.
Ilang beses nang napatunayang hindi totoo ang ipinapahiwatig
ng survey dahil noong nakaraan eleksiyon, ilang senador ang ni hindi man lang
napasama ang pangalan sa listahan subalit nanalo pa rin. Ngayon, kahit mataas
ang rating ni Poe, hindi nangangahulugang siya na nga ang mananalong
presidente, lalo pa at malayo pa ang eleksiyon, at ni hindi man lang siya
nagdedeklara ng kagustuhang tumakbo sa nasabing puwesto.
Sa aspeto naman ng ekonomiya, kinilig ng todo ang mga
taga-Malakanyang nang malaman sa isang survey na umangat na daw ang Pilipinas
kung ihambing sa mga kapitbansa nito sa Timog Asya. Talaga namang nang-insulto
ang gumawa ng survey dahil malayo sa katototanan ang nakuha nilang resulta. Malamang
na ang nagpagawa ng survey ay mga bangko na inuutangan ng Pilipinas para
ipabatid na dahil umangat na ang ekonomiya nito ay pwede na uling
umutang!..ganoon lang.
Ang ilan pang resulta ng survey ay tungkol sa pagkabawas daw
ng malaki ng unemployment sa bansa, ganoong taon-taon ay nadadagdagan ito ng
mga bagong graduates. Tinataon siguro ang survey na ito kung kaylan ay marami
ang bagong na-hire na mga contract employees, na pagkalipas ng limang buwan ay
tutunganga na naman.
Ang sa pagkain at gutom naman, nabawasan na rin daw ang
gutom dahil nagiging self-sufficient na ang bansa, ganoong kasasabi lang ng
Department of Agriculture na aangkat na naman uli ng bigas bago mag-Oktubre
upang mabawasan ang kakulangan. Ang presyo ng mga bilihin sa palengke lalo na
karne at isda, lalo pang tumaas. Dahil sa mga nabanggit, paanong nabawasan ang
kagutuman, ayon sa survey, lalo pa at ang take home pay ng ordinaryong
manggagawa ay kulang pa sa isang araw na panganailangan ng kanyang pamilya?
Talagang sa mundong ito, lokohan ang takbo ng buhay. Kaya
kung minsan ay nakakatamad na ring magbasa ng diyaryo o makinig ng radyo dahil
hindi na malaman kung alin sa mga balita ang totoo. Marami na rin kasing
diyaryo at brodkaster na binabayaran.
Discussion