Ang mga Hambingan at Magkapares subali't magkasalungat
Posted on Wednesday, 17 June 2015
Ang mga hambingan at
magkapares subali’t
magkasalungat
Ni Apolinario Villalobos
Upang lumutang ang mga panlabas na katangian ng isang bagay,
kailangang ihambing ito sa iba. Sa salitang kalye ang tawag sa paghambing na
yan ay “tagisan” o kung sa Ingles naman ay “contest” o “competition”. Kaya
upang may isang manalo, dapat marami ang kasali, o di naman kaya ay kahit
dalawa lamang. Sa isang beauty contest halimbawa, paanong masasabing
pinakamaganda ang isang contestant kung wala siyang katunggali? Pwede siguro
kung isabotahe ang contest sa pamamagitan ng pagpakain ng pagkaing nakaka-LBM
ang mga contestants, maliban sa nag-iisang gustong papanalunin….siguradong
panalo siya by deafault!
Kahit may ganitong katotohanan, hindi dapat malungkot ang
nag-aakalang sila ay pangit, dahil kung hindi dahil sa kanila, walang maganda
sa mundo. Ganoon din ang mga pandak, maitim, atbp. (kasama na ako diyan). Hindi
dapat malumbay dahil mahal ng Diyos ang nagpaparaya o nagsasakripisyo para sa
kapakanan ng iba pagdating sa hambingan…maliban na lang kung pangit, pandak at
maitim na nga ay masama pa ang ugali, maitim ang budhi, at nanlalamang ng
kapwa!
Ganyan din sa buhay ng tao….dahil may mahirap na madaling
apihin, ay lumutang din ang maraming korap na nang-aapi at nanlalamang; dahil
may maaalipin, marami ang nang-aalipin; maraming drug pushers dahil marami ang
gustong maging adik na mababaw ang kaligayahan, at marami pang ibang magkapares
subalit magkasalungat na pagkatao.
Ang paghahambing ay bahagi na ng buhay ng tao. Sa paghahambing
umiikot ang ating buhay, dahil hindi natin malalamang tayo ay tama kung walang
paghahambingan na dapat ay lumabas na mali. Kaya nalalaman natin halimbawa, na
may mga taong mala-anghel ang ugali, ay dahil inihambing sila sa ibang
mala-demonyo naman ang ugali.
Sa pagkakamali naman, madali sanang magdiin sa nagkamali
kung hindi dahil sa mga butas ng mga batas. Itong mga butas ng mga batas ang
ginagawang dahilan ng mga malinaw nang guilty upang magpalusot, o di kaya ay
magpaikot-ikot pa, basta magaling lang ang abogado nila. Ang madalas gamitin ng
magagaling na abogado naman ay ang aspetong teknikal, at ang panuntunang,
“hangga’t hindi napapatunayang nagkamali, ay dapat inosente ang isang tao”. At
yan ang pinaglalaban ng mga Binay….na pinupulitika lamang sila upang lumabas na
guilty! Clean daw sila…walang bahid ng kasalanan, kaya busilak sa
ka-inosenthihan!...sagot naman ni Mercado…”umamin ka na, dahil umamin na ako,
pareho lang naman tayong may kasalanan!”.
Bilang panghuli:
ang pangarap na nakatuntong sa nakaw na yaman –
babagsak, madudurog, kakalat, at lalangawing parang
basurahan!
Discussion