Sa pagbatikos at panunumbat ni Pnoy kay Binay...tatlong daliri naman ang nakaturo sa kanya
Posted on Saturday, 27 June 2015
Sa pagbatikos at
panunumbat ni Pnoy kay Binay
…tatlong daliri naman
ang nakaturo sa kanya
Ni Apolinario Villalobos
Sa animo ay panduduro ni Pnoy kay Binay ng isang daliri,
tatlong daliri naman niya ang nagtuturo sa kanyang sarili. Hindi ko
kinakampihan si Binay, ang tinutukoy ko rito ay ang masamang ugaling basta na
lang mambintang sa iba, ganoong ang nambibintang ay mas guilty pa.
Sinabi ni Pnoy na hindi daw nagsasalita si Binay sa mga
Cabinet meetings upang ilabas ang kanyang saloobin. Paanong ilabas ni Binay,
eh, hindi na nga siya iniimbita sa karamihan ng mga meeting, at hindi man lang
siguro naiisip ni Pnoy na kung gagawin yon ni Binay, lalabas itong nakikialam
sa ibang Cabinet secretaries.
Halimbawang nakialam si Binay sa mga maling ginagawa ng ibang secretary,
at siya naman ang gantihan, dahil hindi naman perpekto ang kanyang mga
pamamalakad sa mga hawak niyang responsibilidad…ano kaya ang mangyayari?...siguradong
magkakaroon ng rambol sa Malakanyang!
At, si Pnoy…kaylan naman nakinig sa ibang tao? Isa lang
siguro ang pinapakinggan niya – si Purisima, at kung bakit?...silang dalawa
lang ang nakakaalam! Kahit “ganoon” si Binay, hindi naman siguro siya tanga at
manhid upang hindi makaramdam na parang napilitan lang si Pnoy sa pagbigay ng
dalawang trabaho sa kanya – ang para sa housing at para sa mga OFW.
Si Roxas namang nagta-trying hard, nakisawsaw pa, ganoong
alam naman ng lahat na biktima din siya ng pambabastos ni Pnoy. Walang siyang
karapatang manumbat kay Binay sa pagsabing binigyan naman daw ito ni Pnoy ng trabaho at
hatid-sundo pa kung aalis si Pnoy. Talagang pinapakita ni Roxas ang kakitiran
ng isip niya…paanong hindi gawin ni Pnoy ang mga iyon, ay SOP para kay Binay
bilang pangalawang pangulo – kasama sa protocol. Yong sinasabi ni Roxas na part
naman daw ng administrasyon si Binay kaya hindi niya dapat siraan…aba eh,
bilang bahagi ng administrasyon noon, ginawa naman ni Binay ang paglilibot, ah!
Namigay pa nga ng mga kapirasong papel na nagsasabing may karapatan ang taong
nabigyan sa lupang inuukupa (sana ay totoo), sabay sabing balak niyang maging
presidente upang dumami pa ang kanyang matutulungan!...pagpapakitang wise siya!
Hindi man lang naisip ni Roxas na kung binuro ni Pnoy si
Binay bilang bise-presidente lang, ay lalong nagkandalitse-litse ang sitwasyon,
at lalabas pa na wala itong utang na loob dahil malaki ang naitulong nito sa
kanyang nanay noong nangangapa ito bilang presidente, kaya nga out of gratitude
ay in-appoint niya itong Mayor ng Makati.
Kung hindi ipinaglaban ni Binay ang pagkaroon ng isang
disenteng opisina bilang Bise-presidente, hindi ibinigay sa kanya ang Coconut
Palace – malayo sa Malakanyang….kaya obvious na gusto talaga ni Pnoy na
mapalayo sa kanya si Binay. Kung tutuusin, pwedeng ibigay bilang opisina ang
dating tinirhan ni Cory na malapit sa Malakanyang, pero hindi ginawa. Ang isa
pang pambabastos sa umpisa pa lang sa bise-Presidente ay ang pagbigay dito ng
napakaliit na budget…na isang insulto, at kung hindi nakipaglaban si Binay ay
baka hindi nabigyan ng nararapat na budget.
Ang lahat ng mga iyon ay inipon ni Binay sa kanyang isip,
damdamin, at puso…nagtimpi pa rin siya. Ang isa pang testing na ginawa ni Binay
ay paghingi ng endorsement sa pangulo…palpak! Sinundan ito ng meeting ng
pangulo sa mga cabinet secretaries na dapat ay kasama si Binay, pero hindi pa
rin siya sinabihan. At ang masakit, siya pa ang sinisi sa hindi pag-attend,
dahil “prerogative” naman daw niya kung ayaw niyang umatend. Ganoon lang? Bakit
papipiliin siya kung aatend o hindi, eh dapat siyang magbigay ng report sa
pangulo, kaya nga Cabinet meeting?
Kaya, ang ginawa ng pobre, pinaputok ang bulkan na bumuga ng
“maitim na usok”, animo ay galing sa kanyang puso, inunahan ang Mt. Bulusan. Nag-submit
siya ng irrevocable resignation, at idinaan sa talumpati ang paliwanag na may
kasamang warning sa Malakanyanga at mga bumabatikos sa kanya…and the rest is
another snippet of political history sa kasaysayan ng kawawang Pilipinas!...batuhan
ng sisi at sumbat!...as usual.
By the way, hindi ko pa rin inaabsuwelto si Binay sa mga
paratang sa kanya na dapat ay kanyang sagutin. Gagawin ko pa rin itong uri ng
blog maski sa ibang tao ginawa ni Pnoy ang ginawa niya kay Binay.
Discussion