Showing posts with label Pnoy. Show all posts

0

Posted on Tuesday, 28 July 2015

“Mr. President, may mga nakalimutan po kayo
sa inyong huling talumpati…”
ni Apolinario Villalobos


“Kung ang State of the Nation Address o SONA, sa Pilipino ay talumpati tungkol sa tunay na kalagayan ng bansa, marami po kayong nakalimutang banggitin, Mr. President. Ang mga nabanggit ninyo kasi ay tila hindi tumutugma sa tunay na kalagayang nakikita naming mga boss ninyo. Kaya bilang boss ay nagtatanong ako… kami. Kungbaga sa office, “pinag-eexplain why” po namin kayo, dahil ang ganoong sitwasyon ang gusto ninyo, hindi po ba? Paano namin mauunawaan ang dinadanas ninyong hirap bilang presidente ng isang bansa na umaapaw sa dami ang mga korap na opisyal kung kayo mismo ay nagsasabi na walang problema? Maisasaing ba namin ang papel na may mga numero na nagsasabing umangat ang kalagayan ng bansa? Maaari ba namin itong ipa-xerox upang mapalitan ng pera?

Mr. President, hindi ba lumalala ang problema ng droga kaya maski nakakulong na ang mga drug lords ay nakakapag-operate pa rin? Hindi ba problema ang kawalan ng mga gamot sa mga ospital at klinika ng gobyerno, maski pa sinasabi ninyong lumawak ang sinakop ng Philhealth? Hindi ba problema ang lumalalang trapik dahil sa hindi makontrol na pagdami ng mga sasakyan ganoong hindi naman nalalaparan o nadadagdagan ang mga kalsada? Hindi ba problema ang hindi pagpansin ng mga telcom servers tulad ng Smart at Globe sa lumalalang problema sa kanilang signal na hindi nila inaayos sa kabila ng warning ng gobyerno, kaya para na rin nilang niloloko ang mga kawawang customer na walang magawa dahil wala silang choice?

Hindi ba problema ang baha? Hindi ba problema ang pagkakaipit ng matataas na presyo ng bigas kaya hindi bumaba sa dati nilang lebel? Hindi ba problema ang kawalan ng trabaho pagkalipas ng limang buwang kontrata, kahit pa sinasabi ninyong maraming negosyo sa Pilipinas? Kaya ang nangyayari, sa loob ng limang buwan ay masaya dahil may makakain pa…pero pagkatapos ng limang buwan, buong pamilya, kumakalam ang sikmura at nakanganga! Ang paghukay ba ng lupa na may mineral upang hakutin sa ibang bansa ang tinatawag ninyong investment ng mga dayuhan?

Bakit hindi ninyo binanggit ang Freedom of Information Bill na kung ilang taon nang nabagoong, ganoong wala naman kayong dapat katakutan dahil hindi naman kayo korap…sabi nyo yan, di ba? Ayaw ba ng mga kaalyado ninyo dahil natutumbok sila? Bakit wala man lang kayong nabanggit tungkol sa Mamasapano massacre na sariwa pa sa isipan ng mga Pilipino, lalo na sa mga pamilyang namatayan, kaya walang dahilan upang makalimutan ninyo?

Bakit hindi nyo man lang mabanggit-banggit na ang pinagmamalaki nyong Pantawid Pamilya Program ay sinimulan ni Gloria Arroyo at ang orihinal na tawag ay cash transfer program, at pinalawak nyo lang? Pati ang extension ng LRT hanggang Cavite, hindi ba nabuo ang ideya noong panahon din ni Gloria na dapat nga daw ay lalampas pa ng Bacoor at ang dapat na babaybayin ay Aguinaldo Highway?

Bakit hindi pinapaalam sa taong bayan na hanggang ngayon ay walang linaw ang rehabilitasyon ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda at mga biktima ng pagsalakay ng MNLF sa Zamboanga na hanggang ngayon ay nasa kalunus-lunos na kalagayan ang mga pansamantalang tirahan? Kung sakali, baka may magbigay pa uli ng mga donasyon. Yon nga lang, magkakaproblema uli kung makakarating ba talaga sa mga biktima dahil sa dami ng mga uwak at buwitre na nakaabang!

Bakit kailangang ipagmalaki ninyo ang kuryente na umabot na sa mga liblib na lugar, ganoong ang mayroon nang mga linya ay nagdurusa naman sa mahahabang blackout? Seryoso ba kayo tungkol sa bagay na ito?...o totoo kaya ang report sa inyo?

Bakit  pinagmamalaki ninyo  ang pagdating ng prototype ng mga gagawing bagon ng MRT at kung maaaprubahan ay tuluy-tuloy na ang pagdating ng iba, ganoong ang pinakadahilan ng pagkaantala ng rehabilitasyon ng mass transport system na ito ay ang hindi ninyo pagbitaw kay Vitangcol sa mahabang panahon sa kabila ng naghuhumiyaw niyang kaso? Sino siya, at tila ganoon na lang siya kahalaga sa administrasyon ninyo?

Kung napakahaba ng pagkakataon ang ginugol ninyo sa pagpapasalamat sa inyong yaya, hairdresser, stylist, at mga cabinet secretaries na kwestiyonable naman ang mga performance, at iba pang hindi kailangang banggitin, bakit ang mga mahahalagang bagay ay initsa-pwera ninyo? Hindi ba kayo pwedeng magdaos na lang ng get-together o thanksgiving party sa Club Filipino para sa kanila at doon ay pasalamatan sila with hug o kiss pa?  Kung sabagay dahil sa mga pangalang binanggit ninyo ay nakarinig naman kayo ng mga palakpakan, eh, di wow!... dahil siguro kailangan ninyo ng pampalakas ng loob…okey lang! Sana ay hindi nerbiyos ang pahiwatig ng ilang beses ninyong pag-ubo…o baka kung ano na yan….concerned lang po, Mr. President.

Hindi lang siguro ako ang nagtatanong dahil marami ang nag-abang sa mga sasabihin ninyo sa inyong talumpati…subalit maaaring pati sila ay disappointed din dahil sa kalagitnaan pa lang ay inantok na, at naglipat ng estasyon ng TV o radyo dahil wala rin namang maririnig na bago. Kung pipilitin kayong sagutin ang tanong kung bakit marami kayong nakalimutan…baka sasagot lang kayo ng, “basta”. Kapag umabot na sa ganito, may magagawa ba kami?...eh, di wala!!!!

Isang abang mamamayan lang po ako na may maliit na boses…at umaasang maunawaan ninyo ang pakay ng mensahe kong ito na hindi naninira ng pagkatao ninyo, hindi tulad ng iba na idinodrowing ang mukha ninyong may sungay. Hindi rin ito tulad ng isang effigy ninyong nakakatakot ang hitsura na sinusunog pa. Iniisip ko lang po na kung ang mga taong tinuturing ninyong kaibigan ay hindi makapagsabi o makapagtanong, gagawin ko po ito bilang karapatan ng isang boss dahil yon ang palagi ninyong sinasabi…at kahit papaano ay yon lang din ang pinaniwalaan ko….wala nang iba. Kung pasado naman sa inyo ang ginawa ko…eh, di wow!”


0

What Osmena, Roxas and Pnoy should do to Help the Country at this Time

Posted on Thursday, 16 July 2015

What Osmeῆa, Roxas and Pnoy
Should Do to Help the Country at this Time
By Apolinario Villalobos

On Osmeῆa….he should stop analyzing the presidential capability of Grace Poe, even declaring that she is just good for the vice-presidency. Osmeῆa, himself, has proved nothing as a lawmaker so he is not in the position to judge his fellow politicians. It is a good thing that Grace Poe fought back by saying that many so-called seasoned politicians assumed responsible positions but proved to be just disappointments due to their misdoings. Osmeῆa should open his eyes and ears to understand the message of Poe.

On Roxas….he should stop talking like a puppet echoing the “tuwid na daan” and “reforms” that are the daily mumblings of Pnoy, his boss, to whom he kowtows with all loyalty and sincerity. Roxas is just showing his lack of backbone in all his statements and actions. He should come up with his own platform that may be related to what his boss promised but did not accomplish, if that is what he wants to do – at least he can be original somehow. He should prove that he has his own will power, and not a copycat.

On Pnoy….he should stop talking about his “tuwid na daan” and “reforms” because Filipinos have not seen anything yet that can give substance to those promises. All he showed was insensitivity to the popular clamor of the populace to remove from their positions his inept and questionably performing buddies. Because of his inaction, the country slid miserably more into helplessness. The guy’s promises have been proven to be shams that just became butts of joke. Corruption under his administration got worse, and even assumed a somewhat legal image. He may not be corrupt, himself, but his tolerance of such misdoing makes him one, as he is aware and even becomes a party. If he is not aware of this, it just proves that he is not really listening to his “bosses” as he promised. Unsavory stories about his attitude never fail to fill to pages of tabloid and broadsheets, even the airwaves.

Of late, it has been discovered that the much and perpetually questioned pork barrel is again inserted in the 2016 budget. Is this what Pnoy is saying about his “reforms”? What reform is he talking about when he is obviously tolerating the commission of corruption? He must stop talking about his two trademarks to give relief to the Filipinos who are getting tired of his mumblings!


0

Sa pagbatikos at panunumbat ni Pnoy kay Binay...tatlong daliri naman ang nakaturo sa kanya

Posted on Saturday, 27 June 2015



Sa pagbatikos at panunumbat ni Pnoy kay Binay
…tatlong daliri naman ang nakaturo sa kanya
Ni Apolinario Villalobos

Sa animo ay panduduro ni Pnoy kay Binay ng isang daliri, tatlong daliri naman niya ang nagtuturo sa kanyang sarili. Hindi ko kinakampihan si Binay, ang tinutukoy ko rito ay ang masamang ugaling basta na lang mambintang sa iba, ganoong ang nambibintang ay mas guilty pa.

Sinabi ni Pnoy na hindi daw nagsasalita si Binay sa mga Cabinet meetings upang ilabas ang kanyang saloobin. Paanong ilabas ni Binay, eh, hindi na nga siya iniimbita sa karamihan ng mga meeting, at hindi man lang siguro naiisip ni Pnoy na kung gagawin yon ni Binay, lalabas itong nakikialam sa ibang Cabinet secretaries.  Halimbawang nakialam si Binay sa mga maling ginagawa ng ibang secretary, at siya naman ang gantihan, dahil hindi naman perpekto ang kanyang mga pamamalakad sa mga hawak niyang responsibilidad…ano kaya ang mangyayari?...siguradong magkakaroon ng rambol sa Malakanyang!

At, si Pnoy…kaylan naman nakinig sa ibang tao? Isa lang siguro ang pinapakinggan niya – si Purisima, at kung bakit?...silang dalawa lang ang nakakaalam! Kahit “ganoon” si Binay, hindi naman siguro siya tanga at manhid upang hindi makaramdam na parang napilitan lang si Pnoy sa pagbigay ng dalawang trabaho sa kanya – ang para sa housing at para sa mga OFW.

Si Roxas namang nagta-trying hard, nakisawsaw pa, ganoong alam naman ng lahat na biktima din siya ng pambabastos ni Pnoy. Walang siyang karapatang manumbat kay Binay sa pagsabing  binigyan naman daw ito ni Pnoy ng trabaho at hatid-sundo pa kung aalis si Pnoy. Talagang pinapakita ni Roxas ang kakitiran ng isip niya…paanong hindi gawin ni Pnoy ang mga iyon, ay SOP para kay Binay bilang pangalawang pangulo – kasama sa protocol. Yong sinasabi ni Roxas na part naman daw ng administrasyon si Binay kaya hindi niya dapat siraan…aba eh, bilang bahagi ng administrasyon noon, ginawa naman ni Binay ang paglilibot, ah! Namigay pa nga ng mga kapirasong papel na nagsasabing may karapatan ang taong nabigyan sa lupang inuukupa (sana ay totoo), sabay sabing balak niyang maging presidente upang dumami pa ang kanyang matutulungan!...pagpapakitang wise siya!

Hindi man lang naisip ni Roxas na kung binuro ni Pnoy si Binay bilang bise-presidente lang, ay lalong nagkandalitse-litse ang sitwasyon, at lalabas pa na wala itong utang na loob dahil malaki ang naitulong nito sa kanyang nanay noong nangangapa ito bilang presidente, kaya nga out of gratitude ay in-appoint niya itong Mayor ng Makati.

Kung hindi ipinaglaban ni Binay ang pagkaroon ng isang disenteng opisina bilang Bise-presidente, hindi ibinigay sa kanya ang Coconut Palace – malayo sa Malakanyang….kaya obvious na gusto talaga ni Pnoy na mapalayo sa kanya si Binay. Kung tutuusin, pwedeng ibigay bilang opisina ang dating tinirhan ni Cory na malapit sa Malakanyang, pero hindi ginawa. Ang isa pang pambabastos sa umpisa pa lang sa bise-Presidente ay ang pagbigay dito ng napakaliit na budget…na isang insulto, at kung hindi nakipaglaban si Binay ay baka hindi nabigyan ng nararapat na budget.

Ang lahat ng mga iyon ay inipon ni Binay sa kanyang isip, damdamin, at puso…nagtimpi pa rin siya. Ang isa pang testing na ginawa ni Binay ay paghingi ng endorsement sa pangulo…palpak! Sinundan ito ng meeting ng pangulo sa mga cabinet secretaries na dapat ay kasama si Binay, pero hindi pa rin siya sinabihan. At ang masakit, siya pa ang sinisi sa hindi pag-attend, dahil “prerogative” naman daw niya kung ayaw niyang umatend. Ganoon lang? Bakit papipiliin siya kung aatend o hindi, eh dapat siyang magbigay ng report sa pangulo, kaya nga Cabinet meeting?

Kaya, ang ginawa ng pobre, pinaputok ang bulkan na bumuga ng “maitim na usok”, animo ay galing sa kanyang puso, inunahan ang Mt. Bulusan. Nag-submit siya ng irrevocable resignation, at idinaan sa talumpati ang paliwanag na may kasamang warning sa Malakanyanga at mga bumabatikos sa kanya…and the rest is another snippet of political history sa kasaysayan ng kawawang Pilipinas!...batuhan ng sisi at sumbat!...as usual.

By the way, hindi ko pa rin inaabsuwelto si Binay sa mga paratang sa kanya na dapat ay kanyang sagutin. Gagawin ko pa rin itong uri ng blog maski sa ibang tao ginawa ni Pnoy ang ginawa niya kay Binay.



0

Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016

Posted on Thursday, 25 June 2015



Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016
Ni Apolinario Villalobos

Binay…..kailangan niyang manalo upang hindi tuluyang makulong dahil sa patung-patong niyang kaso. Ang hindi lang malaman ng mga tao ay kung ang ambisyon bang maging presidente ang nagtulak sa kanya upang “mag-ipon” ng panggastos mula pa noong Mayor siya ng Makati, kaya nangyari ang sinasabing pangungumisyon niya ng malaki sa mga proyekto sa Makati na ang ginawang dahilan na alam ng mga tao doon ay pagmamahal daw niya sa mga ito. Lumalabas kasi, gumawa siya ng long-ranged plan na nakakabilib!

Pnoy….kailangan niyang makahanap ng isang matapang at may paninindigang kandidato na mai-endorso upang kung sakaling manalo bilang presidente, ay ligtas siya sa mga balak ihaing kaso laban sa kanya. Hindi pwede si Roxas dahil walang mga ganoong katangian, kaya maski manalo ay siguradong matatalo lang ng mga kalaban niya (Pnoy) na may balak magpakulong sa kanya.

Roxas….kailangan niyang ma-endorso ng pangulo dahil maski simbahang Katoliko ay wala na ring tiwala sa kanya; ang huling hirit niya ay ang lumapit sa El Shaddai, Quiboloy Group na naka-base sa Davao, at ang Iglesia ni Kristo – kung papansinin siya dahil noon pa man ay hindi naman talaga siya nakitaan ng kahit kapirasong gilas. Ang pinapakita kasi niya hanggang ngayon ay ang pagiging “bow man” ng presidente – bow na lang ng bow!

Allan Peter Cayetano….noon pa man ay maingay na sa pagsabi na lahat naman daw ay may ambisyong umupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno – kasama na siya doon; kailangan niyang manalo bilang presidente upang lalong malampaso ang mga Binay sa Makati na kapitlunsod ng Pasig.

Trillanes….kailangan niyang maging presidente upang maipakulong ang pinanggigigilang si Jejomar Binay; kung hindi pwede, maski bise-presidente na lang upang patunayang may anghang talaga siya bilang pulitiko…kailangan niyang patunayan na bilang dating taga-military ay matapang siya, kaya nga siya nasangkot sa mga coup d’etat noon.

Ang ibang mga taong binabanggit na maaaring tumakbo ay hindi naman ganoon ka-desperado, tulad ni Grace Poe na hanggang ngayon ay walang pakialam kahit mataas ang rating sa survey. Si Duterte naman ay neutral ang image kaya maski sinong manalo ay pwedeng kumuha sa kanya bilang isang kalihim ng gabinete na aangkop sa kanyang katapangan, at kung hindi naman niya kakagatin ay makakabalik siya sa pinakamamahal niyang Davao City, nagmamahal din sa kanya!

0

Dapat Nang Magpakitang Gilas si Pnoy ngayong taon...

Posted on Thursday, 8 January 2015



Dapat Nang Magpakitang Gilas
Si Pnoy ngayong taon…
Ni Apolinario Villalobos

Marami na sanang pagkakataong dumating para makabawi si Pnoy at makapag-pakitang gilas sa mga Pilipino subalit parang pinalalampas lamang niya ang mga ito. At ang matindi, hindi pa man siya nakakapagpakitang gilas ay umarangkada na naman ang isa niyang “pinagkakatiwalaan” na si Abaya na Secretary ng DOTC na umapruba sa pagtaas ng pamasahe sa LRT at MRT.

Ngayong lumabas na ang resulta ng NBI tungkol sa pagkakartel ng bawang halos dalawang taon na ang nakaraan, dapat ipakita naman niya na seryoso siya sa paglinis ng kanyang administrasyon. Ang problema nga lang ay sangkot na naman ang kanyang matalik na kaibigang itinalaga niya bilang Kalihim ng Department of Agriculture na si Alcantara. Ayon sa report ng NBI, malinaw ang koneksyon at partisipasyon niya sa nakakahiyang pagsirit ng presyo ng bawang, kaya ang impresyon ng mga ibang bansa sa Pilipinas ay bayan na walang pinapatawad pagdating sa korapsyon!

Ang tungkol sa isyu ng mga pamasahe sa MRT at LRT naman dapat ay makisawsaw na rin siya upang ipabatid sa taong bayan na inaalala rin niya ang kapakanan ng mga ito. Iwasan na ang mga teknikal na batayan nila sa pagpataas ng pamasahe. Ang malinaw ay nagkakandabulol na naman si Abaya si pagpapaliwanag kung bakit itataas pa ang pamasahe ganoong mayroon namang naaprubahang badyet para sa mga ito. Nalito pa siya sa pag-unawa kung ano ang ibig sabihin ng “subsidy”, na akala niya ay tulong sa mga mahihirap na mananakay, ganoong ito ay garantiyang kita ng ahensiyang nagpapatakbo ng MRT at LRT.

Sa bilis ng panahon, magugulat na lang si Pnoy isang umaga paggising niya na araw na pala ng botohan. Papalitan na siya, at ang iiwanan niyang impresyon kung hindi siya makakabawi, ay lalong magpapalubog ng pangalang dala niya sa kasaysayan ng PIlipinas.

0

Nadulals sa Pagsabi? O, sinadya

Posted on Friday, 22 August 2014



Nadulas sa Pagsabi? O, Sinadya -
“…kung may eleksiyon sa 2016…”
Ni Apolinario Villalobos

Talagang lumalabas na sa bibig mismo ng taga-Malakanyang na walang balak bumaba ang pangulo pagdating ng 2016. Maski pa sabihin pa ng kanyang ka-partido na talagang magkakaroon ng eleksiyon. Ang mga taga-Kongreso naman na kaalyado ay nagkukunwaring hindi sila papayag kung magkaroon man ng charter change, ito ay para lamang sa probisyon na pang-ekonomiya, at hindi gagalawin ang tungkol sa pulitika. Sino ang paniniwalain nila? Ang mga Pilipino ay nasanay na sa mga ganitong pananalita ng mga pulitiko. Kung gaanong kadali sa kanila ang magpalit ng partido o kulay, mas lalong madali para sa kanila ang magbago ng sinabi – dahil may malaking halimbawa…ang pangulo mismo na pabago-bago ng mga sinasabi at nagsasabi pa nga ng mga kwestiyonableng accomplishments ng kanyang administrasyon, batay sa ulat ng kanyang mga trusted na mga alalay!

Sa pagkampanya pa lamang ng pangulo noon, parang sirang plaka niyang sinasabi ang tungkol sa “matuwid na daan”, ang pagbaba sa 2016, ang pakikinig sa kanyang mga boss, at kung anu-ano pa…may natupad ba? Lalong lumala ang kanyang gawi nang manungkulan at inalalayan ng mga taong sobra niyang pinagkatiwalaan na nang lumaon  nagdiin lang sa kanya sa putik ng alanganin. Sa kabila ng mga payong bitiwan niya itong mga tao upang matuloy ang pagpapatupad niya ng mga pagbabago at pagtahak tungo sa matuwid na daan, hindi niya ginawa.

Paano niyang masabi na magaganda ang mga layunin niya, ganoong napapaligiran siya ng mga taong tiwali? Paano niyang bibitawan halimbawa si Abaya na mataas ang pwesto sa Liberal Party? Paano niyang bibitawan si Abad at Roxas na malaki ang mga  nalalaman sa mga kahinahinalang mga desisyon niya? Paano niyang bibitawan si Soliman at Alcantara na malaki ang sinakripisyo para sa kanya noong panahon ng eleksiyon? Marami pa sila…

Bakit hindi magsalita si Pnoy, once and for all tungkol sa issue ng term extension niya, na ang palaging sinasagot niya ay “pakikinggan ko muna ang sasabihin ng mga boss ko”? Alam niyang hindi dapat i-extend ang term ng presidente kaya nga ginawang 6 na taon sa halip na 4, kaya dapat niyang unawain na walang kundisyon ang kanyang pagbaba, gaya ng pagsabi na makikinig daw muna siya sa mga boss niya. Kung hindi niya sinabi ang kundisyon na yon, wala sanang problema, subali’t halatang may bumulong dahil ilang araw lang ang nakaraan pagkatapos ng SONA kung saan sinabi niyang “finish or not finish, pass your paper”, na ibig sabihin, ano man ang mangyari ay bababa siya, bigla siyang kumambyo, umikot 360 degrees pa at nagsabi na makikinig daw muna siya sa mga boss niya! Marami tuloy ang nagsasabi na para niyang ginagawang laro ang pagka-presidente ng bansa! At sinasabi na rin ng iba na ang mga boss pala niya ay yong mga nakapaligid sa kanya!

Kapos sa panahon kung ipagpipilitan ang term extension dahil sa mahabang proseso. Hindi aabot sa panahon ng eleksiyon sa 2016. Ang pag-asa niya at ng kanyang mga kaalyado ay magkaroon ng senaryo upang maging dahilan sa pagdeklara ng Martial Law….na huwag naman sana. Iisa lang ang senaryo na maaaring mangyari, ang banta sa kanyang buhay na ipinahiwatig niyang mayroon daw, noong mag-deliver siya ng SONA. Testing kaya ang senaryo ng babaeng may dala ng baril at sumugod sa Malakanyang? Tanong lang yan…

Hindi maatim ng presidente na bababa siya na maraming mga nakabiting issue na sisira sa kanyang panunungkulan, lalo na kung ang mga ito ay makakasira din sa pangalan ng kanilang pamilya. Itinuturing na “bayani” ang kanyang tatay, kahit hindi ito tanggap ng iba. Ito ang umuukilkil sa kanyang konsiyensiya, kaya kailangang maiwasto niya ang alam niya ay mga maling nagawa. Magagawa lamang ito kung siya mismo ang gagawa… kung mai-extend ang kanyang panunungkulan, lalo na at may  nakabinbin ding kaso ng corruption laban sa kanya dahil sa DAP na gusto din niyang mabura. Ayaw niyang matulad kay Gloria Arroyo na pagbabang-pagbaba ay nagkaroon ng kaliwa’t kanang mga kaso. Maski papaano ay may talino pa rin siya upang maunawaan na sa pulitik ay natitira ang matibay, ang may halang na bituka, ang may makapal na mukha, at lalung-lalo na… kung saan ay walang permanenteng kaalyado o kaibigan!

Nakita ng pangulo at ng buong bansa na walang nagawa ang mga dating kaibigan o kaalyado ni Gloria nang siya ay sampahan ng kaliwa’t kanang mga kaso. Lahat sila tumahimik at pasimpleng lumipat ng bakod…to survive, wika nga sa madugong larangan ng pulitika. Sa pagbabalik-tanaw, sino ang mga pumaligid sa dating presidenteng Cory Aquino nang siya ay naluklok bilang presidente, di ba yon ding mga taong sipsip kay Marcos? Sino ngayon ang mga nakapaligid kay Pnoy, di ba karamihan ay mga dating tauhan din ni Marcos at Arroyo? Nakakabilib ang mga hunyangong survivors na hindi maintindihan kung may konsiyensya o wala, pero ang sigurado ko, maitim pa sa uling ang kaluluwa. Ganyan ang buhay sa pulitika ng Pilipinas na ang naboboldyak ng mga hindi magandang resulta ay mga Pilipino!

Alam ng pangulo na pagbaba niya, kanya-kanyang pagligtas sa sarili ang mangyayari mula sa kumunoy ng katiwalian ang mga senador, mga kongresista at mga opisyal sa gobyerno at magagawa lamang ito kung may mapagtatapunan sila ng sisi. Sa pagkakaalam ko hindi si Napoles ang sisisihin uli…pero malamang alam ng presidente kung sino, kaya siya kabado!

Madali lang namang sabihing, “hindi ako humingi, pero binigyan ako”….di ba?

0

Ang High Prices sa Pilipinas At Hirit na Term Extension ni Pnoy

Posted on Thursday, 14 August 2014



Ang High Prices sa Pilipinas
At Hirit Na Term Extension ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos

Nagsalita na naman ang isang tauhan ni Pnoy na taga-Department of Trade and Industry. Hindi raw aabutin ng pasko ang mga nagsisiritang presyo ng mga bilihin. Itong ahensiya na wala na ngang binatbat sa pagkontrol ng mga presyo ng mga bilihin ay pilit na pumapapel, sumesemplang naman. Wala yatang historical record itong ahensiya upang ma-establish ang trending ng mga presyo na naka-angkla sa kultura ng Pilipino, na kung saan, ang presyong tumataas ay hindi bumababa sa dating libel. Nahihibang yata ang tagapagsalita ng gobyerno at isinangkalang pa ang pasko, para siguro maging makulay ang sasabihin niya. Akala niya tanga ang mga Pilipino. October pa nga lang ay nagho-hoard na ng mga pangpaskong pagkain at mga bagay ang mga gahamang negosyante kaya nagkakaroon ng artificial na pagtaas ng mga presyo, kaya pagdating ng pasko, ay hindi na lang ito pinapansin ng mga Pilipino, magkaroon lang ng hamon, imported na prutas, keso at iba pa sa hapag kainan kung Disyembre.

Ang pinakamagandang gawin ng ahensiya ay magbigay ng maayos na batayan sa pagkontrol ng mga presyo sa kongreso upang magawan ng batas, para ang nakadikit sa presyo ng mga bilihin ay hindi “SRP” o suggested retail price. Para sa mga ganid na negosyanteng Pilipino, ang kailangan ay “ceiling price”, hindi “suggested retail price”.  Kaya tuloy kahit na anong ikot ng mga taong gobyerno sa mga palengke upang mag-check kuno, karay-karay ang sangkaterbang reporters at TV cameras, wala pa ring nangyayari. Nagpapa photo-op lang sila upang makita sa TV at mabanggit ang mga pangalan sa radyo.

Mas matindi ang sinabi ng taga- Department of Agriculture na dapat daw ay tumawad na lang ang mga Pilipino sa tuwing mamili. Mabuti nga at hindi inulit ang sinabi ng isang kasama rin niyang alalay ni Pnoy, na nagsabing “tiis-tiis muna”.

Lahat na lang ng bilihin sa Pilipinas ay puro nagsiritan ang mga presyo. May mangilan-ngilan na bumaba man ay kapiranggot at hindi naramdaman. Ang pinakamahalagang bigas, hindi pa rin natitinag ang mala-gintong mga presyo. Nagkaroon ng isang dahilan ang gobyerno na binabanggit nila tuwing tanungin tungkol dito, at ito ay ang problema sa piyer kung saan ay nakatengga ang mga kalakal na galing pa sa ibang bansa, kaya ultimo manok na ginagamit ng karamihan sa mga food chain na nagsisilbi nito ay apektado na rin. Ang masama, ni ha – ni ho ay walang narinig mula sa Malakanyang tungkol dito, ganoong ekonomiyang nasyonal na ang apektado.

Oktubre 13, sumambulat ang ugong na bukas na si Pnoy sa isyu ng term extension niya. Sabagay nakinig nga yata sa mga boss niya…ang mga cabinet secretaries, lalo na ang mga kaalyado sa kongreso at senado. Masaya yata siyang nakikita ang patuloy na paghihirap ng mga Pilipino na hindi man lang niya naibsan. May mga napasaya siya sa pagbago ng desisyon niya…ang mga opisyal ng gobyerno na nangurakot at takot makasuhan kung wala na siya sa poder. Sabi na nga ba at may “magandang pahiwatig” ang ngiting de….yo ng isa niyang tagapagsalita na nagsabing, “anything can happen”.