Showing posts with label bantay kaban ng bayan. Show all posts

0

The Dysfunctional and Corrupt Government of the Philippines

Posted on Friday, 10 October 2014



The Dysfunctional and Corrupt Government
of the Philippines
By Apolinario Villalobos

If dysfunction refers to deterioration, it best describes what is happening to the already corrupt Philippine government today. No amount of nationalistic cover-up can camouflage the stinking system that reeks of dishonesty, nepotism, favoritism, graft, shamelessness, and immorality – all of them of the highest degree.  The deterioration, woefully, is already in its most advance stage, beyond redemption. Come election time in 2016, the choice for officials is between evils…no less, and none else. 

What the hapless Filipinos can do, those belonging to way below the poverty line is just strive for a resourceful survival. The country throbs with the grumble of this big chunk of the population. This is the reality which is far from what the corrupt government is trying to project as a progressive country in an attempt to cover up its inadequacies in fair governance. The President who speaks of a clean government, officials who are honest unless proven by the court to be corrupt,  and straight path – one of “virtuousness” but viewed by the disappointed Filipinos as an overly crooked and pockmarked with holes…he who claims descent from heroic parents, is no longer taken seriously.

In desperation, even those who lost their voice shouting invectives against Marcos before, during rallies regretted what they have done to the dictator. The assumption of the government’s reins by a plain housewife, Cory Aquino, did not do any better, as cronyism just became worse. What progress painfully nurtured during the time of Marcos pitifully wilted in no time. Malaysia, newly-weaned from its foreign clout has practically transcended what the country has gained during the Marcos regime. With the takeover of other Presidents, the decaying system has practically softened the foundation of the country, and just got worse today, causing it to practically tilt precariously, manifesting fearful signs of collapse.

0

Ang Mga "Milagro" sa Pilipinas

Posted on Tuesday, 23 September 2014



Ang Mga “Milagro” sa Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Ang tao, lalo na ang mga Kristiyano ay naniniwala sa mga milagro. Ang malaking bahagi ng population ng Pilipinas ay Kristiyano, kaya ang bansa ay batbat ng mga milagro kagaya ng imahen ng Virgin Mary na lumuluha, Sto. Niῆo na sumasayaw at sumasapi sa mga taong nagpipilit iniipit ang boses upang maging boses-bata, mukha ni Kristo at Virgin Mary sa dahon, dingding, palapa ng niyog at kung anu-ano pang mga pangyayari. Ito marahil ang nagbunsod sa mga taong tiwali, lalo na yong mga nasa gobyerno, na gumawa ng mga “milagro” dahil iniisip nila na madaling mapaniwala ang mga Pilipino. Kaya’t bukod sa mga nabanggit, may iba’t- ibang klaseng “milagro” pa ang nangyayari sa Pilipinas:

Ang “milagro” ng pagkawala ng pondo mula sa kaban ng bayan.  Mula pa noong naging republika ang Pilipinas hanggang ngayon, lahat ng administrasyon ay may mga sariling milagro tungkol dito. Mula sa maliit na bilang, unti-unting dumami hanggang umabot sa nakakamanghang sukdulan sa kasalukuyang administrasyon. Dahil sa ginawa ng tao na batas tungkol sa pagkainosente ng isang pinagbibintangan hangga’t hindi napatunayan, lahat ng mga sangkot ay nagpipilit na wala talaga silang kasalanan, kaya kanya-kanya sila ng upa ng mga magagaling na abogado na kayang ipagpalit ang puri sa salapi, at animo ay mga de-susing manikang nagsasalita ng mga na-memorize na mga batas na pantakip sa mga kalasalanan ng kliyente nilang magnanakaw.  Ang magandang dahila nila: trabaho lang!

Ang “milagro” sa pagkawala ng mga donasyon sa pangangalaga ng DSW. Maaaring “milagro” na maituturing ang pagkawala ng mga donasyon para sa mga biktima ng kalamidad lalo na ng mga naging biktima ng bagyong Yolanda, kahit pa may nakabantay na guwardiya. Lalong milagro rin ang hindi pagkapansin ng mga taga-DSW ng pagka-expire ng mga de-lata kaya hinayaang mabulok, kesa ipamigay lahat sa mga biktima. At lalung-lalong milagro ang parang walang anumang pagsalita ng namumuno sa harap ng TV, at pilit na naghuhugas- kamay sa pagsabi na marami na rin naman daw ang naipamigay na!

Ang “milagro” sa pinamigay na mga materyales pang-repair ng bahay sa mga taga-Zamboanga. Nagmilagro ang paglambot ng kahoy na nakaya pang bulatlatin at taktakin ng matandang nakatanggap nang ipakita sa TV. At ang yero, ay parang walang anumang pinunit na parang manipis na karton, pero siyempre, hiniwa muna ng kapiraso, sabay hila at ayon…napunit nga! Milagro!

Ang “milagro” sa EDSA hulidap. Nang lumutang ang karamihan sa mga sangkot na nahuli sa video at “nagsurender” daw, ang abogado nila ay nagsalita upang ipagpilitang wala sila sa pinangyarihan ng hulidap! Ang laking “milagro”! Hallelujah!

Ang “milagro” ng pagkabawas daw ng kriminalidad sa bansa dahil sa pinuno nitong si Allan Purisima. Nagmimilagro ang report dahil taliwas sa mga tunay na nangyayari. Nagsalita pa ang pangulo at nagdepensa kay Purisima, ganoong ilang araw na ay sunud-sunod ang balita tungkol sa hulidap na ginagawa ng mga pulis! May nagbebenta pa ng droga! Milagro ang pagkaroon ng lakas ng loob ng pangulo na magsalita sa harap ng kanyang mga cabinet secretaries at mga piling kaalyado sa pulitika, sa isang pagtitipon sa Malakanyang – para siguradong masigabo ang palakpakan! Si Jejomar Binay, Bise-Presidente at cabinet member din…hindi naimbita! May sa tagabulag yata kaya hindi napansin…talagang milagro!  Ang liwa-liwanag na nga eh, hindi pa nakita!

Ang “milagro” ng pananatiling buhay ng mga gutom na Pilipino dahil halos wala nang kakayahang kumain ng sapat sa maghapon. At sa kabila ng ganitong kagimbal-gimbal na eksena, nagawa pang magsalita ng taga-Malakanyang na “tiis-tiis muna”! Baka ibig niyang sabihin ay “mamamatay din kayo, pagdating ng panahon…hintayin ninyo ang ikalawang sigwada!”

Maitututing na ngang isang “miracle” country ang Pilipinas. Ang daming mga pangyayari na hindi maipaliwanag. Kaya bahala na lang si Lord. Tulad ng biglang pagyaman ng isang ordinaryong mamamayan na taga-Makati… ang pagkapantas ng isang babaeng hindi nakatapos ng kolehiyo subali’t napaikot sa palad ang mga mambabatas upang magkamal ng limpak-limpak na salapi at nagawa pang mag-display ng rosary na bigay daw ng santo papa….. at milagro ding nakakangiti at nakakapagsalita pa sa kabila ng kakapalan ng mukha ang ilang mga opisyal ng gobyerno na ayaw umalis sa puwesto sa kabila ng pagka-inutil nila sa pagpatupad ng tungkulin!

 

0

Bakit May "Savings" Kung Maraming Pangangailangan ang Mga Ahensiya?

Posted on Sunday, 7 September 2014



Bakit May “Savings” Kung Maraming
Pangangailangan ang Mga Ahensiya?
Ni Apolinario Villalobos

Sa isang Senate hearing, inamin ng mga taga-Commission on Audit (COA)  na marami silang kakulangan, hindi lang ng tao kundi pati na rin ng mga makabagong kagamitan upang mapabilis ang kanilang operasyon, kaya hindi sila nakakasambot sa mga kinakailangang gawin. Kalimitang naririnig ang ganitong klaseng paliwanag kung panahon ng budget hearing, kung saan ay pinaglalaban ng mga ahensiya ang mga pangangailangan nila upang maisama sa budget na dapat maaprubahan.

Hindi lang COA ang may ganitong problema, kundi halos lahat ng ahensiya. May mga istasyon ng pulis na napuputulan ng kuryente at tubig dahil sa kawalan ng pambayad, at mapapansin na karamihan sa mga istasyon ay masasabing halos niremedyuhan lamang upang maipatayo nang makapagserbisyo agad sila sa nasasakupan. May mga fire stations na kawawa ang hitsura lalo na ang mga nasa probinsiya, karamihan din sa mga fire trucks nila ay di na mapatakbo ng maayos. Karamihan sa mga barangay health centers nakikisilong sa mga barangay halls dahil walang matatawag na sariling klinika. May mga paaralan sa mga liblib na barangay na gigiray-giray na, butas-butas pa ang bubong at dingding. May mga trial courts din na nakikisilong lang din sa mga munisipyo at city hall, ang mga abogado at huwes, maliliit ang sweldo.

Nagkaalaman na maraming kakulangan ang hanay ng mga huwes, mga abogado, mga auditor, mga health workers, mga guro, at iba pa. Subali’t ang nakapagtataka ay bukambibig sa Kongreso, Senado at Malakanyang ang “savings” o ang “natipid”. Lalong nagkalabuan nang may nagsabi na ang malaking bahagi daw ng mga “natipid” na budget ay napunta lang sa mga bulsa ng mga tiwaling mambabatas at mga opisyal ng gobyerno. At ang matindi ay pinipilit daw ng mga ahensiyang magkaroon ng savings kahit sa kalagitnaan pa lang ng taon upang masiguro na mayroon silang matatanggap ng mga bonus, lalo na ng Christmas bonus, sa pagsara ng tinatawag na budget period o katapusan ng taon. Paanong matatawag na savings ang ganoon kung may natitirang kalahating taon pa na dapat lapatan ng gastos? May mga kwento nga na nagpapayabangan ang mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa laki ng tinanggap nilang Christmas bonus at kung anu-ano pang inimbintong bonus na pinalabas na “employee benefits”. Yong ibang ahensiya, ang mga nakaupo sa matataas na puwesto ay mayroon pa palang pang-grocery!

Ang wala sa ayos na “pagtitipid” ng mga ahensiya ay nagdudulot ng pagkapilay ng kaniklang operasyon na may masamang epekto sa taong bayan. May mga ahensiya na dahil sa kakulangan ng mga tauhan ay natatambakan ng backlogs sa over-the-counter service at paperworks. May mga barangay na ang pangangailangan ng mga tao ay hindi naaatupag dahil kulang ng health workers o midwife man lang. In fairness sa ibang ahensiya, isa sa pagpapakita nila ng pagpursigi upang makatugon sa pangangailangan ng taong bayan ay ang tuluy-tuloy na pagtrabaho ng mga tauhan nila kahit na lunch break. Pero hindi naman lahat ng ahensiya ay gumagawa nito.

Ang kanser ng pagkagahaman ay talagang kalat na sa buong sistema ng gobyerno. Kung ilang dekada itong napabayaan kaya lumala. Ang masama nito, hindi yata lahat ay naaambunan ng “grasya”, dahil maraming empleyado ng gobyerno na ang sweldo ay  maliit pa rin. At dahil ang gamit ng “savings” ay para sa bonus lamang, ang mga sweldo na dapat taasan ay hindi natitinag, subali’t ang mga opisyal nila ay bundat sa ibang benepisyo. Samantala,  ang mga nasa ibaba naman ay hanggang asa na lamang na nakanganga!


0

Ang High Prices sa Pilipinas At Hirit na Term Extension ni Pnoy

Posted on Thursday, 14 August 2014



Ang High Prices sa Pilipinas
At Hirit Na Term Extension ni Pnoy
Ni Apolinario Villalobos

Nagsalita na naman ang isang tauhan ni Pnoy na taga-Department of Trade and Industry. Hindi raw aabutin ng pasko ang mga nagsisiritang presyo ng mga bilihin. Itong ahensiya na wala na ngang binatbat sa pagkontrol ng mga presyo ng mga bilihin ay pilit na pumapapel, sumesemplang naman. Wala yatang historical record itong ahensiya upang ma-establish ang trending ng mga presyo na naka-angkla sa kultura ng Pilipino, na kung saan, ang presyong tumataas ay hindi bumababa sa dating libel. Nahihibang yata ang tagapagsalita ng gobyerno at isinangkalang pa ang pasko, para siguro maging makulay ang sasabihin niya. Akala niya tanga ang mga Pilipino. October pa nga lang ay nagho-hoard na ng mga pangpaskong pagkain at mga bagay ang mga gahamang negosyante kaya nagkakaroon ng artificial na pagtaas ng mga presyo, kaya pagdating ng pasko, ay hindi na lang ito pinapansin ng mga Pilipino, magkaroon lang ng hamon, imported na prutas, keso at iba pa sa hapag kainan kung Disyembre.

Ang pinakamagandang gawin ng ahensiya ay magbigay ng maayos na batayan sa pagkontrol ng mga presyo sa kongreso upang magawan ng batas, para ang nakadikit sa presyo ng mga bilihin ay hindi “SRP” o suggested retail price. Para sa mga ganid na negosyanteng Pilipino, ang kailangan ay “ceiling price”, hindi “suggested retail price”.  Kaya tuloy kahit na anong ikot ng mga taong gobyerno sa mga palengke upang mag-check kuno, karay-karay ang sangkaterbang reporters at TV cameras, wala pa ring nangyayari. Nagpapa photo-op lang sila upang makita sa TV at mabanggit ang mga pangalan sa radyo.

Mas matindi ang sinabi ng taga- Department of Agriculture na dapat daw ay tumawad na lang ang mga Pilipino sa tuwing mamili. Mabuti nga at hindi inulit ang sinabi ng isang kasama rin niyang alalay ni Pnoy, na nagsabing “tiis-tiis muna”.

Lahat na lang ng bilihin sa Pilipinas ay puro nagsiritan ang mga presyo. May mangilan-ngilan na bumaba man ay kapiranggot at hindi naramdaman. Ang pinakamahalagang bigas, hindi pa rin natitinag ang mala-gintong mga presyo. Nagkaroon ng isang dahilan ang gobyerno na binabanggit nila tuwing tanungin tungkol dito, at ito ay ang problema sa piyer kung saan ay nakatengga ang mga kalakal na galing pa sa ibang bansa, kaya ultimo manok na ginagamit ng karamihan sa mga food chain na nagsisilbi nito ay apektado na rin. Ang masama, ni ha – ni ho ay walang narinig mula sa Malakanyang tungkol dito, ganoong ekonomiyang nasyonal na ang apektado.

Oktubre 13, sumambulat ang ugong na bukas na si Pnoy sa isyu ng term extension niya. Sabagay nakinig nga yata sa mga boss niya…ang mga cabinet secretaries, lalo na ang mga kaalyado sa kongreso at senado. Masaya yata siyang nakikita ang patuloy na paghihirap ng mga Pilipino na hindi man lang niya naibsan. May mga napasaya siya sa pagbago ng desisyon niya…ang mga opisyal ng gobyerno na nangurakot at takot makasuhan kung wala na siya sa poder. Sabi na nga ba at may “magandang pahiwatig” ang ngiting de….yo ng isa niyang tagapagsalita na nagsabing, “anything can happen”.

0

Ang Taong Kawatan

Posted on Sunday, 13 July 2014



Ang Taong Kawatan
Ni Apolinario Villalobs

Ang taong ayaw tumanggap ng pagkakamali
ay nabubuhay sa pagkukunwari.
Siya ay bilib na bilib sa sarili,
na sa paniniwala niya
ay walang bahid ng anumang kasalanan
sa Diyos o kapwa-tao man.

Hindi siya nahihiyang humarap sa mundo
kung gawin niya ito’y taas pang noo.
Dahil wala naman daw nakakakita
sa mga pagkakamali,
wala siyang pakialam, sinumang masaktan
magnakaw man siya sa kaban ng bayan!