Ang Mga Desperado sa Darating na Eleksyon 2016
Posted on Thursday, 25 June 2015
Ang Mga Desperado sa
Darating na Eleksyon 2016
Ni Apolinario Villalobos
Binay…..kailangan niyang manalo upang hindi tuluyang
makulong dahil sa patung-patong niyang kaso. Ang hindi lang malaman ng mga tao
ay kung ang ambisyon bang maging presidente ang nagtulak sa kanya upang
“mag-ipon” ng panggastos mula pa noong Mayor siya ng Makati, kaya nangyari ang
sinasabing pangungumisyon niya ng malaki sa mga proyekto sa Makati na ang
ginawang dahilan na alam ng mga tao doon ay pagmamahal daw niya sa mga ito.
Lumalabas kasi, gumawa siya ng long-ranged plan na nakakabilib!
Pnoy….kailangan niyang makahanap ng isang matapang at may
paninindigang kandidato na mai-endorso upang kung sakaling manalo bilang
presidente, ay ligtas siya sa mga balak ihaing kaso laban sa kanya. Hindi pwede
si Roxas dahil walang mga ganoong katangian, kaya maski manalo ay siguradong
matatalo lang ng mga kalaban niya (Pnoy) na may balak magpakulong sa kanya.
Roxas….kailangan niyang ma-endorso ng pangulo dahil maski
simbahang Katoliko ay wala na ring tiwala sa kanya; ang huling hirit niya ay
ang lumapit sa El Shaddai, Quiboloy Group na naka-base sa Davao, at ang Iglesia
ni Kristo – kung papansinin siya dahil noon pa man ay hindi naman talaga siya nakitaan
ng kahit kapirasong gilas. Ang pinapakita kasi niya hanggang ngayon ay ang
pagiging “bow man” ng presidente – bow na lang ng bow!
Allan Peter Cayetano….noon pa man ay maingay na sa pagsabi
na lahat naman daw ay may ambisyong umupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno
– kasama na siya doon; kailangan niyang manalo bilang presidente upang lalong
malampaso ang mga Binay sa Makati na kapitlunsod ng Pasig.
Trillanes….kailangan niyang maging presidente upang
maipakulong ang pinanggigigilang si Jejomar Binay; kung hindi pwede, maski
bise-presidente na lang upang patunayang may anghang talaga siya bilang
pulitiko…kailangan niyang patunayan na bilang dating taga-military ay matapang
siya, kaya nga siya nasangkot sa mga coup d’etat noon.
Ang ibang mga taong binabanggit na maaaring tumakbo ay hindi
naman ganoon ka-desperado, tulad ni Grace Poe na hanggang ngayon ay walang
pakialam kahit mataas ang rating sa survey. Si Duterte naman ay neutral ang
image kaya maski sinong manalo ay pwedeng kumuha sa kanya bilang isang kalihim
ng gabinete na aangkop sa kanyang katapangan, at kung hindi naman niya
kakagatin ay makakabalik siya sa pinakamamahal niyang Davao City, nagmamahal
din sa kanya!
Discussion