Ang Pagpapaka-trying Hard ni Jericho Petilla upang Makilala
Posted on Friday, 5 June 2015
Ang Pagpapaka-trying
Hard ni Jericho Petilla
Upang Makilala
Ni Apolinario Villalobos
Dahil gusto yatang tumakbo bilang senador, si Jericho
Petilla na kalihim ng Department of Energy ay biglang nagkaroon ng
“infomercial” tungkol sa tamang paggamit ng kuryente. Napaka-tasteless at
useless ng “informercial” na ito, na malamang ay ginastusan ng milyones, dahil
sa MERALCO naman mismo ay may mga brochures na pinamimigay kung paanong
makatipid sa paggamit ng kuryente, at kumpleto pa.
Trapong-trapo ang dating ni Petilla sa pag-trying hard niya
upang makilala at matandaan ng mga tao. Hindi siya dapat mag-alala dahil kahit
hindi naman magwaldas ang ahensiya ng pera upang ipangalandakan ang plano
niyang pagpasok sa pulitika, matatandaan naman talaga siya – BILANG ISANG
KALIHIM NA WALANG GINAWA. Naging spokesperson lang siya ng mga negosyante ng
kuryente dahil dina-justify niya ang mga kapalpakan nila at ng maya’t mayang
pagtaas ng presyo.
May mataas na pinag-aralan si Petilla kaya dapat alam niyang
ang mga kalugian ng mga negosyante ng kuryente ay hindi ipinapapataw sa mga
consumers. Sa prinsipyo ng negosyo, ang taong papasok dito ay dapat handa sa
lahat ng mga pangyayari, lalo na sa pagkalugi. Subalit, sa halip, ang mga power
provider ay nagtataas ng presyo kung may mga shutdown o power failure upang
mabawi daw ang lugi nila. Ang ganitong maling gawain ay dapat alam ni Petilla o
baka nagbubulag-bulagan lamang siya. Dapat ay itong mga provider pa nga ang
magbayad sa mga consumers dahil sa hindi birong konsumisyon na dulot nila sa
mga tao, lalo na sa mga negosyante.
Si ginagawa ni Petilla ay nabisto na siya pala ay galing sa
pamilya na guilty sa issue ng political dynasty. Kaya hindi rin siya naiibang
TRAPO! Nakalimutan yata niya na nakakadalawang taon pa lang siya sa puwesto ay
nanawagan na ang mga tao na bumaba siya. Pero tulad din ng ibang appointees ni
Pnoy na makapal ang apog, kapit-tuko din siya puwesto. Ngayon ay umaapela
pa!...baka akala niya ay kaakit-akit ang imahe niya!
Discussion