Mapapagkatiwalaan pa ba ang COMELEC?
Posted on Saturday, 6 June 2015
Mapapagkatiwalaan pa
ba ang COMELEC?
Ni Apolinario Villalobos
Ang Commission on Election (COMELEC) ay itinuturing na
tagapamahala ng pinakamakapangyarihang karapatan nating mga Pilipino – ang
pagboto. Ang ganitong kapangyarihan ay naipapatupad lamang natin tuwing panahon
ng eleksiyon kung kaylan ay pumipili tayo ng mga iluluklok sa mga puwesto.
Subalit ang nakakalungkot, itong ahensiya na inaasahan at
pinagkakatiwalaan natin ay ilang beses nang ginamit ng mga tiwaling presidente,
at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring napaparusahan….napo-promote pa.
Magkaputukan man ng mga balita tungkol sa mga gamitang ito…hanggang doon na
lang. Kunwari ay may magsasalitang mga mambabatas at mga opisyal, pagkatapos ay
susundan na ng katahimikan. May mga “resulta” at “naipapatupad” tulad nang
nangyari kay Coco Pimentel. Subalit, walang ginawa ang COMELEC sa mga tauhan
nitong gumawa ng katiwalian…nandiyan pa rin sa mga puwesto nila.
Ang malaking eskandalo ng botohan nang tumakbo si Fernando
Poe, Jr. ay sumentro sa “Hello Garci” scandal. Na-zero si Fernando Poe sa mga
Muslim communities, isang napaka-imposibleng pangyayari at nakakatawa, dahil
idolo ng mga Muslim ang actor. Ang gumawa ng pandaraya ay hindi gumamit ng isip
niya, kaya madaling nabisto. Wala na ang military na si “Garci”, subalit ang
taga-COMELEC ay nandiyan pa rin, at na-promote pa daw.
Kung ibabatay sa kasaysayan, lumalabas na balot ang ahensiya
ng mga eskandalo, subalit ang nakaupong presidente ay walang ginagawa tungkol
dito. Bakit? …anything can happen.
Matagal nang isyu ang mga computer at sistema na ginagamit
sa eleksiyon, subalit hanggang ngayon ay parang wala pa ring malinaw na
direksiyon. Bakit?...anything can happen.
Dahil sa kagustuhan ng sambayanang Pilipino na magkaroon ng
eleksiyon, kung sakaling walang mapipiling kumpanya ng computer na magagamit
dahil talaga namang gahol na sa panahon, siguradong gagawa ng “remedyo”,
matuloy lang ang elesksiyon….yan ang nakakapangamba dahil “magagamit” na naman
ang COMELEC…. “mauutusan”na naman! Siguradong may mabubusalan na naman ng pera!....talagang
sa Pinas, anything can happen!
Discussion